43: Hipon

1.1K 12 2
                                    

Kristie

Kakagaling ko lang sa bahay ng friend ko at pauwi na ako nang may narinig akong nakikipag-away. Tiningnan ko at nakitang may babaeng nakikipag-away sa... Huh? Sa poste?

Tsk, tsk, tsk, tsk. Lasing siguro. Ano ba naman yan. Ang ilang kababaihan ngayon, wala na talagang pakialam sa image nila. Baka walang boyfriend na kailangang isipin... Buti na lang ako, na sa ‘kin si honeybunch Casper ko...

Wait. Parang kilala ko yun a.

Si Amy ba yon? Tiningnan ko ng mas malapitan. Aba, si Amy nga! Ang pinsan ng honeybunch ko!

Nilapitan ko siya.

“Amy, anong ginagawa mo dito?” Tanong ko sa kanya.

“Hoy, ikaw na parang sinipa ng kabayo ang mukha, anong pakialam mo? At sino naman yung Amyng sinasabi mo ha? Tanga ka ba?” Tuloy-tuloy niyang sabi.

Hindi ko naintindihan yung sinabi niya pero ang alam ko, lasing na lasing siya sa ngayon.

Kinuha ko agad yung cell phone ko at tinawagan si Casper.

“Honeybunch!” Sabi ko pagkasagot niya. “Yung pinsan mo, lasing na lasing! Nakarating pa dito sa kabilang barangay!”

“Ano?!” Sigaw ni Casper sa kabilang linya. “San yan? Bilis sabihin mo at susunduin ko siya!” May pagpapanic niyang sabi.

Sinabi ko yung pangalan nung place at binaba na niya ang telepono.

Pagtingin ko, wala na si Amy sa tabi ko. Ayun! Naglalakad na palayo, at pagewang-gewang pa.

“Amy!” Sigaw ko habang hinahabol siya.

“Sino ba yang Amy na sinasabi mo? Hindi ko nga sabi yun kilala.” Sagot niya.

Palakad na siya ulit palayo nang natisod siya sa sarili niyang paa at napaupo sa sidewalk.

“Amy! Okay ka lang?” May pag-aalala kong sabi sa kanya.

Ang itsura niya, parang naalimpungatan. Kinuskos niya yung mata niya gamit yung likod ng kamay niya at tumingin sa akin.

“Sino ka ba?” Tanong niya.

“Ako ‘to...” Sagot ko. “Si Kristie.”

Tiningnan niya ako pataas-pababa at pababa-pataas at biglang natawa.

“Ang pangit mo naman...” Comment niya.

“Ano?” Gulat kong tanong.

“Ang pangit-pangit-pangit-pangit mo...” Sagot niya. “Mukha kang palakang nasagasaan ng truck at napisat kaya nagsilabasan yung mga bituka.”

“No, Amy. Hindi ako pangit...” May understanding kong sabi sa kanya.

Natawa siya ulit. “Mukha kang na-overcook na piniritong hitong dumikit sa kawali. Katawan lang ang maganda sa ‘yo e. Hipon ka.” Sabi niya.

“Hindi, Amy. Hindi ako pangit. Hindi ako hipon.” Pagtanggi ko. Buti na lang mahaba ang pasensya ko.

Tumawa ulit siya. “Hipon ka. Pangit na hipon. Hipon, hipon, hipon... Bakit ba puro water creatures ang nasa buhay ko? Talking swordfish tapos talking hipon naman ngayon.” Lasing niyang sabi. Nakaupo pa rin siya sa sidewalk at parang walang balak tumayo.

“Hindi Amy. Hindi ako pangit at hindi ako hipon. Lasing ka lang...”

“Pangit ka! Ang pangit-pangit mo!”

“Lasing ka nga lang. Kapag lasing ang isang tao, hindi na nakakakita ng katotohanan. Kaya hindi ako pangit, lasing ka lang talaga.”

“Ako...” Sabi ni Amy habang tinuturo yung sarili niya. “Pag natulog ako ngayong gabi, paggising ko sa umaga, hindi na ko lasing. E ikaw, kahit gaano ka pa katagal matulog, paggising mo... Pangit ka pa rin!”

Kidnapped (A Romance Story for Filipino Wattpadders)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon