Casper
Success! Uy, hindi ako galing sa banyo a. Successful lang yung plano kong pagkidnap kay Amber Conrad. Sabi ko pa nga e, “Scream and you’re dead.” Astig no? Grabe para talaga kong kidnapper! O ito meron pang isa “Sumama ka nang maayos kung ayaw mo masaktan.” O... Ang cool ko, di ba?
Ang problema lang nagtatapang-tapangan yung Amber Conrad. Aba, nilait-lait pa ako. Palibhasa sobrang yaman. Sa ngayon, nakatali siya sa isang haligi nung shop habang natutulog.Naglalakad naman ako ngayon papunta sa shop dala-dala yung kape at pandesal na binili ko sa bakery. Yung mga kapatid ko, gumagayak na sa bahay kasi may pasok pa sila.
Nakarating na ako sa shop. Binuksan ko yung pinto at pumasok. Tulog pa rin si Amber Conrad. Nilapitan ko siya at tinapik sa balikat.
“Hoy... Hoy... Gumising ka na!” Dumilat na siya at nanlaki yung mga mata niya. May sinasabi siya pero di ko maintindihan. Naka-tape kasi yung bibig niya.
“Ano yun? May sinasabi ka?” Pang-aasar ko sa kanya. Halatang-halatang nagalit siya. Nagpumiglas siya at pinilit tanggalin yung tali sa katawan niya. Nakakatawa siyang tingnan pero dahil mabait ako at naaawa ako sa kanya, tinanggal ko yung tape.
“Yuck... Puro laway!” Nandidiring sabi ko nang matanggal ko na yung tape. Basa ito ng laway at yung iba tumulo sa akin.
“Choosy ka pa! Laway na nga ng artista yan...” Sigaw niya.
“A, kailangan magpasalamat pa ko? O sige. Salamat sa laway na ipinagkaloob mo. Hindi ko inaasahang madadampian ako ng laway ng artista sa buong buhay ko!” Pang-aasar ko pa ulit. Pero infairness, maganda talaga siya. Sobrang kinis at sobrang puti ng balat. Ang ganda ng mata, matangos ang ilong, maganda ang shape ng labi. Kahit sira at kupas na yung make up niya, ang ganda-ganda niya pa rin. Sayang, masama ang ugali!
Inirapan niya ko at nginitian ng sarcastic at mataray. Hindi ko na lang siya pinansin. Tinimpla ko na yung kape ko at nagtimpla din ako ng isa pa para sa kanya. “What’s that?” Mataray na tanong niya.
“Kape. Gusto mo?” Sagot ko habang nilalapit sa kanya yung tasa ng kape.
“Brewed ba yan?” Tanong niya pa ulit. Aba! Naghanap pa ng brewed coffee!
“Anong brewed! Instant lang yan. 3-in-1 pa nga e. May pa-brewed brewed ka pang nalalaman diyan.”
“3-in-1?”
“Oo. Yung may cream at asukal! Akala ko ba matalino ka.”
“Malamang alam ko yan! Nag-eendorse kaya ako ng kapeng 3-in-1! Umaasa lang akong may mao-offer ka pang mas okay.”
“Huwag kang choosy. Pasalamat ka inaalok pa nga kita.” Nakakabadtrip ‘tong babaeng ‘to a. May pagkamakapal ang mukha.
“No thanks. Hindi ako sure kung malinis yan.” Aba, sumusobra na siya!
“Kung ayaw mo e di ‘wag!” Pinatong ko yung kape sa mesa at kumuha ng pandesal. Mag-aalmusal na lang ako mag-isa! Magutom ka sana diyan.
Tiningnan niya ko at sinabing, “Magkano ba kailangan mo? Ibibigay ko agad-agad kaya pakawalan mo na ko at may taping pa ako.”
“Mamaya, tatawagan ko yung tatay mo at hihingi ako ng ransom. Makakauwi ka rin. Konting tiis lang! Pinagtitiisan lang din kita kaya umayos ka.” Iba talaga ugali nito. “Gusto mo ng pandesal?” Alok ko ulit. Syempre alam ko na ookrayin niya lang ako pero----
“Oo.” Sagot niya.
“OO? Kakainin mo yung pandesal?” Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko.
“Oo nga sabi! Ibigay mo na lang kasi!” Sigaw niya.
BINABASA MO ANG
Kidnapped (A Romance Story for Filipino Wattpadders)
RomanceAmber Conrad is a girl with a perfect life. She's an eighteen-year-old award-winning star and an heiress. Kasikatan, kayamanan, kagandahan, katalinuhan... Lahat nasa kanya na. Almost every teenage girl looks at her with envious eyes. There are times...