9: Don't You Dare Kill Me!!!

2.6K 22 0
                                    

Amber

Oh my gosh! I think the mastermind wants me dead... Paano ko nasabi? Well, ganito kasi yun. Uhaw na uhaw na ko. Paano ba naman! Di ako pinapainom. Walang kwenta talaga! Anyway, yun na nga, uhaw na uhaw na ko tapos nung bumagsak yung baso ng tubig—Malabo ba? Basta may tumawag...

E di yun... RING! RING! RING!

Sinagot ni Mr. Kidnapper. “Hello?” Tapos syempre pinakinggan niya yung sinasabi sa kabilang linya. Sumagot siya ulit. “Speaking, sino ‘to?” Kabilang linya ulit tapos... “Nasa shop ako, sino ‘to?” Tapos ito na yung nakakatakot na part... Sabi niya “Yes, ma’am. Buhay na buhay pa po.” Sino? Ako? Malamang ako. Buhay na buhay pa talaga ko. Bakit? Are they planning to kill me? Oh my, oh my, oh my!

Ito pa... “Opo. Uh...  Pero hanggang magkano po yung balak niyong ibayad sa ‘kin?” So, ano? Pinapapatay ako at pumayag siya? Nanghihingi pa nga ng additional na bayad. Yung mastermind siguro yung tinatawag niyang ma’am. I started to panic. Niluwagan ko yung yung right shoe ko at sumipa. Ayun! Bull’s eye! Sakto sa batok niya. Nabitawan niya yung phone.. Parang nasira nga yata kasi paulit-ulit niyang sinubukan pero parang di gumagana.Hahaha... Buti nga sa kanya.

Bigla na lang siya lumingon at galit na galit na sumigaw. “IKAW!!!” Wow, papatayin niya ko, siya pa galit!

“AKO? Ako, maganda, bakit?” Sigaw ko pabalik. Aba, huwag niya nga akong ini-‘ikaw-ikaw’! Who the heck does he think he is?

“Ang kapal-kapal talaga ng mukha mong maganda! Huwag kang arogante! Mukha ka ngang diyosang bumaba sa lupa pero ugali mo pangdemonyo...” Sagot niya pa.

“Aba, bakit? Kapag ikaw kinidnap, magiging mabait ka sa kidnapper?” Mataray na sagot ko.

“Kakaiba ka talaga! Tumahimik ka na at baka mapatay kita!”

“Bakit? Gusto mo sumigaw-sigaw ako ng ‘Pakawalan mo ko, parang awa mo na’ at umiyak-iyak? Yun ba ang hindi kakaiba? Puwes, FYI nagbabayad ang mga tao para makita akong umiyak! Manood ka ng movies ko kung gusto mo o kaya bigyan mo ko ng talent fee.” Hindi na siya sumagot after kong sabihin yun. O, natahimik ka ngayon!

May kinuha siya sa mga dala niyang plastic bags. Ano kaya yun? Food? I have to admit, gutom na gutom na ko. Kanina pa kaya lunch time.

“Ummm... What’s that? Food ba yan?” Tanong ko. Di ko na matiis e.

“Oo bakit?” Nananadya talaga! Ano, revenge niya ang huwag akong pakainin?

“Anong bakit? Di mo pa ba ko papakainin?”

“Dapat papakainin kita kanina kaso nagbago na isip ko e. Magutom ka dyan! Kakainin ko na lang ‘to.”

“Well, ayoko naman talagang kumain niyan. Siguro marumi yan at kung saan mo lang nabili.”

“E di okay. Hindi na kita kailangang pilitin.”

“Okay na okay talaga!” Nakakabwisit... Sinong tinakot niya? Naalala ko bigla yung phone call. Ano kayang balak niya? Papatayin ako o hihingi ng ransom? Wait yung necklace ko nga pala! Bakit di ko naisip ‘to? “Hoy ikaw! Mr. Kidnapper! Tingnan mo yung necklace ko. Ruby yan and it’s worth millions. Gusto mo ito na lang yung ipalit ko sa ransom?”

“No thanks. Mas okay kung pera. Ibebenta ko pa yan at mapapagod pa ko. Cash na lang para walang hassle.” Sagot niya bago sumubo ulit nung pagkaing ipinang-iinggit niya sa ‘kin. Aba, tinamad pa! Wala talagang kuwenta! Teka, gutom na gutom pa nga rin pala ako. Menudo ata yung kinakain niya. Ayyy... I’m so hungry na talaga!

“Gutom na gutom na ko. Pakainin mo naman ako o.” Pagmamakaawa ko.

“Ayoko.”

“Dali na! Gutom na nga ako!”

Kidnapped (A Romance Story for Filipino Wattpadders)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon