129: No such thing as impossible

230 6 8
                                    

Denise

Three years... Three years akong naging manager ni Amber.

Hanggang ngayon, naaalala ko pa kung pa 'no kami nagsimulang maging magkatrabaho. She was only fifteen when she started pursuing a career in showbiz. She was a total newbie back then. Wala pang masyadong nakakakilala sa kanya.

Nagtapos ako ng Mass Communication. My grades are pretty average. Hindi rin top-level ang college kung saan ako nag-aral so it was hard for me to get a job. Sa sobrang dami ng Mass Comm graduates, mga may Latin honors lang ang mabilis matanggap.

I tried to get into the publishing industry. But my writing skills are not enough for me to land a job in a newspaper company. Hindi naman ganun kagaling ang fashion sense ko so I can't work in a fashion magazine. Hindi rin naman ako magaling na layout artist.

That was why I worked as a call center agent. It was my dream to be a media practitioner pero syempre, I still needed to make a living. Hindi ko pwedeng pabayaan ang pamilya ko. Sa akin lang umaasa ang nanay ko. Panganay kasi ako sa pitong magkakapatid.

But something made my hope spark up again. Nagkaroon ng opening sa isang sikat na entertainment agency. Syempre, hindi naman ako nag-e-expect masyado.But fortunately, natanggap naman ako. The agency assigned me to be Amber's manager.

Amber was a total brat. Napakasama ng ugali niya, akala mo naman sikat na. But she was very wealthy. That was enough for the agency to invest in her. Main sponsor ang Conrad Group of Companies ng agency na nagha-handle kay Amber so they treated her like a baby.

Kahit na bratty si Amber, naging close kami. She treated me like a friend. Yung tipo ng friend na inuutos-utusan. But we were really happy. Kahit na maliit na role lang ang makuha niya, I was so proud of her.

When she turned sixteen, her popularity rocketed. At syempre, kasabay ng pag-angat niya ang pagbigat ng bulsa ko. I earned a lot because of her. Bukod sa pera, marami ding naitulong sa 'kin si Amber. She even gave me a house.

Tumanggi ako nung una. Kunwari mas gusto kong mag-stay sa condo ko. Pero sa totoo lang, gustung-gusto ko talagang magkabahay sa isang top-class na subdivision. Pipitsugin lang naman kasi yung condo ko.

She insisted kaya tinanggap ko. Nailipat ko na dun yung buong pamilya ko. Naging maayos ang buhay namin. I was really well-off. Ang dami ko ring naipundar. Nabigyan ko pa ng puhunan si Nanay para makapagsimula ng isang grocery store. Pati pag-aaral ng mga kapatid ko, hindi ko na naging problema.

Akala ko hindi na matatapos ang swerte ko. But everything went down the drain when Amber got kidnapped.

Akala ko, it will be worthwhile. Mahahanap din siya at magiging okay ang lahat. Then, bigla na lang, her death was announced.

I was upset that it happened to her. She was a dear friend, kahit pa napakasuplada niya at kung utus-utusan niya ko sobra-sobra.

But later on, I became more upset when I realized, kung wala na si Amber, then I no longer have my bread and butter.

Kahit subukan ko pang i-deny, Amber is my way of earning money. At ngayong wala na siya, I no longer have my work as her manager.

I begged the agency to give me work. I can manage a newbie if they want. Dahil na nga rin sa apat na taon na pagtatrabaho ko sa kompanya, they granted my wish. I was made manager to a newbie named Ayah Cortez, pinsan ni Tara Cortez who just started to approach a career in the industry.

She was not even half as pretty as her cousin. She's as stiff as a board when it comes to dancing, malala sa palakang nag-iingay yung boses niya, you can feed her acting skills to the dogs (nakakahiya pa nga sa aso yun e) and don't even let me start on her modelling skills... In short, wala siyang ka-talent-talent. Ang lakas ng loob niyang mag-artista.

Kidnapped (A Romance Story for Filipino Wattpadders)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon