26: Tristan?

1.6K 12 0
                                    

Amber

My horrid aunt will pay for this. Just wait and I’ll come up to drag you down! Pinigilan ko yung galit ko at huminga ng malalim.

My mind was filled instantIy with visions of Mom. I can’t wait to see her. I miss her so much... I really hope she’s alright.

Naglakad kami ni Casper papasok sa building. Pumunta kami sa reception para itanong kung nasan yung kuwarto ni Mommy.

“Sino po ba sila?” Tanong nung receptionist.

“It doesn’t matter. Just tell us where she is.” Hindi ko puwedeng sabihin kung sino ako e. It’s confidential. Mental pa naman ‘to. Kapag sinabi kong ako si Amber Conrad baka akalain nilang pasyente ako.

“Ma’am, hindi po kasi kami nagbibigay ng information sa hindi family member or relative ng patient. Sorry po.” She explained.

“What? This is an emergency... Tell me where she is!”

“Ma’am sorry po talaga.” Sabi niya. I sighed and looked at Casper. Paano na yan?

“Casper, paano na? I have to see Mom.”

Hinatak niya ako pagkasabi niya sa ‘kin ng “Ako bahala.” Naglakad kami palayo at ng may nakita siyang isang nurse, nilapitan niya yun.

“Hi miss.” He greeted with a dazzling smile.

“Ano po yun, Sir?” She asked, smiling back. Namomroblema na nga ako may time pa siya for flirting sessions!

“Puwede sumama ka muna samin sandali. Sandali lang talaga.” Sabi niya. Ano bang binabalak nitong lalaking ‘to?

Napa-okay naman yung nurse. Nagwapuhan siguro kay Casper. Ayy, ewan! Nakakaloka naman. We don’t have time for this! Ano ba!

“Kapag sinabi kong ‘Go’, itulak mo siya ha.” Nagulat ako nang bulungan ako ni Casper.

“What?” I asked.

“Wala ng what what. Sumunod ka na lang.” Naglakad kami papunta sa isang storage area.

“Sir, ano po ba kasing—” Napahinto yung nurse nang sumigaw si Casper ng “GO!” Binuksan niya yung pinto at tinulak ko papasok yung nurse. Sinara ni Casper yung pinto nung nakapasok na kami pareho nung nurse.

“Hoy? Anong gagawin ko dito?” I asked.

“Hubaran mo.”

“Ha?”

“Hubaran mo tapos kunin mo yung damit tapos—”

“Ahhh... Gets ko na.” Yun lang pala! Ba’t di ko yun naisip kaagad?

“Ano bang—” Magtatanong na sana yung girl pero tinulak ko siya. Kaunting hampasan, tulakan at sigawan ay nahubaran ko na rin siya. Siniko ko siya at tinali sa istante ng storage room gamit yung mga taling nakita ko sa gilid ng room. Wala namang nagulantang na tao dahil mental hospital ‘to at common ang sigawan.

“Pahiram muna ng damit ha.” I said as I put on her clothes. May kung anong sinasabi yung nurse pero dahil I wrapped my shirt around her mouth, wala akong naiintindihan. Naiimagine ko tuloy kapag may pumasok na tao dito at makita ang isang naka-bra’t cycling shorts lang na nurse na nakatali sa istante. Haha. What a scene.

Lumabas na ko at ni-lock agad namin ni Casper yung door. “Ano na?” I asked.

“Anong ano na? Wala ka man lang bang kahit konting imagination? Artista ka pa naman.” He complained. Inirapan ko siya at lumapit ako sa isang nurse para tanungin kong nasaan yung room ni Mom at sabihing pinapapunta ako dun para magdala ng kung ano. Sinabi sa akin nung nurse yung information at naglakad na kami papunta sa room ni Mom.

Kidnapped (A Romance Story for Filipino Wattpadders)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon