4: Kidnapping Time!

3.2K 29 0
                                    

Casper

Hahaha... I am a genius. Grabe, ang galing-galing ko talaga! Pagkatapos ko gawin 'tong binabalak ko, magiging maginhawa na ang buhay ng pamilya ko. Pero ano nga ba 'tong binabalak ko? Simple lang. Kikidnapin ko lang naman ang artistang anak ni David Conrad na si Amber. Sayang, fan pa naman niya si Jade. E di hihingan ko na rin ng autograph at magpapa-picture ako para matuwa naman yung kapatid ko.

Paano makakatulong ang pagkidnap ko kay Amber? E di ba nga may atraso yung tatay niya sa amin? Makakaganti na rin ako at para naman umayos din ang buhay namin, hihingi ako ng malaking ransom. Magkano kaya ang ibibigay ni Mr. Conrad para sa anak niya? Amber Conrad, gaano kalaking pera ang katumbas mo?  5 million? 10 million? 20 million? Grabe! Iniisip ko pa lang di na ko mapakali sa excitement.

Pero syempre, kailangan munang mag-prepare ako ng mga kakailanganin ko sa pagkidnap kay Amber. Ano nga bang mga kailangan sa pagkidnap?

1.  Abandunadong warehouse

2.  Maraming-maraming tali

3.  Panyong mahaba o tape

4.  Kadena? Pwede. Tsaka posas na rin.

5.  Damit ng babae

6.  Tubig at pagkain

7.  Sasakyan

8.  Baril

Bigla akong napahinto. Saan naman ako makakahanap ng baril? Wala kong perang pambili. Hindi rin ako makakakuha ng lisensya. Ni hindi pa nga ko nakakahawak ng baril sa tanang buhay ko.

Tsaka ko na nga poproblemahin yan. Well, yung abandunadong warehouse, parang di ko rin ata kaya. Saan naman ako makakahanap ng warehouse? Sa ibang lugar na lang siguro. Saan kaya puwede? Ahhh! Sa shop na lang kaya. Tama! Puwedeng-puwede. Wala namang masyadong gamit dun at wala ring tao. Okay check na yung 1. Next, maraming-maraming tali. Kaya yan ng budget ko. Pati yung 3 at 4. Yung posas, may nagbebenta naman siguro nun. O kaya hihiram na lang ako sa kakilala kong pulis.

Yung 5 at 6, check rin. Yung sasakyan... Ah, magkano ba renta ng van ngayon? Okay lang yan, mababawi naman kapag nasa akin na yung ransom. Okay, check ulit.

Pinara ko na yung jeep na sinasakyan ko at bumaba. Pinagtitinginan ako ng mga babae sa jeep kanina pa. Siguro nagagwapuhan sa 'kin. Hay... Pogi problems.

Umakyat na ko sa hagdan ng apartment na inuupahan namin. Sa second floor kami, pangatlong pinto sa kaliwa. Kumatok na ko at tumawag, "Jade? Jairus? Nandito na ko." May narinig akong malalakas na hampas ng mga paa sa sahig. Nag-uunahan na naman yung dalawa sa pagbukas. Para talaga silang bata.

Bumukas na yung pinto at sinalubong ako ng mga nakangiting mukha ni Jade at Jairus. "HI KUYA!!!" malakas na bati nila.

"Aba, parang ngayon na lang ulit tayo nagkita a," biro ko. Pero nagkamali ako. Hindi pala ako ang pinag-uunahan nilang salubungin. Si pasalubong pala. Payday kasi sa hotel. Bigla nilang hinatak at binuksan yung mga dala ko.

"Uy, sa 'kin ba 'to? Thanks kuya!" sabi ni Jairus matapos hatakin palabas ang bagong pares ng sneakers.

"Bagong bag! Salamat kuya," Sabi ni Jade, hawak-hawak yung bagong backpack na binili ko para sa kanya. Nilabas na rin nila yung pasalubong kong pizza at ipinatong yun sa mesa.

Tuwing bagong sahod pinipilit kong mabilhan sila ng tig-isang regalo. Reward na rin yun sa pag-aaral nilang mabuti at para worth it ang employee's discount ko sa mall.

Binaba na nila yung mga pasalubong ko. Pumunta si Jade sa kusina at paglabas niya, may bitbit na siyang kanin. "Kain na tayo, Kuya!" sabi niya. Binaba na niya yung kanin sa naka-set na mesa. Binuksan ni Jairus yung ref at nilabas ang isang pitsel ng iced tea. Umalis ulit si Jade at bumalik nang may bitbit na mangkok ng adobong manok.

"Mmmmm... Ang bango a.," sinabi ko pagkaupo ko at napangiti si Jade. Ibinaba na nila yung mga hawak nila sa mesa at umupo na rin.

"Naku, Kuya. Salamat talaga sa pizza at hindi ko na kailangang tiisin ang luto ni Jade," sinabi ni Jairus at nag-make face pa siya na parang nandidiri.

"Hoy, Jairus! Ang kapal mo a. Ang galing-galing ko kayang magluto, di ba Kuya?" Tumingin sa 'kin si Jade na parang humuhingi ng tulong.

"Ha? Ah... Oo naman!" Napilitan kong sagot. Hindi naman kasarapan ang luto ni Jade pero puwede na rin. Si Jairus lang ang laging nagrereklamo.

"Hoy, Jade 'wag kang maniwala kay Kuya. Napipilitan lang yan."

"Uy, Kuya o. Hindi niya talaga ko tinatawag na ate. Lagi niya pa kong inaaway!"

Natawa lang ako sa kanilang dalawa. "Tumigil na nga kayo, para kayong bata." Tumahimik na sila pero asar na asar pa rin ang mukha nila. Minsan kung mag-away talaga sila daig pa aso't pusa. Naalala kong fan nga pala ni Amber Conrad si Jade at naisipan kong magtanong. "Jade, ano na ang balita sa idol mong si Amber Conrad?" tanong ko bago inumin ang hawak kong iced tea.

"Ha? Ah, si Amber? Ayun kanina nakita silang magkasama ni Tristan Vaughn sa Starbucks. Ang dami ngang pictures na na-take e. Sabi nila si Amber daw yung dahilan nung break-up ni Tristan Vaughn at Tara Cortez. Pero in fairness, mas bagay sila," sagot ni Jade habang nilalagyan ng kanin ang plato niya.

"Ah... Ano pa? Alam mo kung san-san siya pumupunta?" tanong ko ulit. Tumingin ako sa gilid ko at nakita kong busy si Jairus sa paglamon ng pizza.

"Ang alam ko bukas ng gabi a-attend siya ng charity ball. All proceeds daw ay mapupunta sa Yolanda survivors. Marami daw artistang pupunta dun e. Siguro si Tristan Vaughn yung date niya," paliwanag ni Jade.

Maya-maya, nag-iba ang expression ng mukha niya at para siyang nananaginip ng gising. "Siguro sobrang sosyal nung ball na yun. Tapos ang gwapo-gwapo pa nung date niya! Nakakainggit talaga siya... Pero syempre imposibleng makatapak ako sa ganung lugar. Bakit mo nga pala natanong Kuya?" dagdag niya pa.

"Uh... Kasi ano... Wala lang natanong ko lang. Nagagandahan lang ako sa kanya," palusot ko. Syempre, inaalam ko lang kung saan ko siya dudukutin.

"Naku, Kuya wala kang pag-asa dun. Hahaha. Kumain na nga lang tayo," sabi ni Jairus habang kumukuha ng isa pang slice ng pizza.

"Paano ko kakain e inuubos mo na yang pizza!" Pakagat na siya ng pizza nang mapatigil siya. Ngumiti siya sa 'kin at sinabing, "Akala ko ba masarap yung mga luto ni Jade? Yan na yung kainin mo."

"Oo na. Kakain na nga." Pagsubo ko nung adobo halos masuka na ko sa sama ng lasa. Napakaalat na napakatamis na mapait na ewan. Kinuha ko agad yung iced tea at nilagok ito hanggang sa maubos.

"O ano Kuya, masarap ba?" tanong ni Jade habang nakangiti na para bang umaasa na magkaroon ng magandang feedback. Masakit mang sabihin dahil kapatid ko siya pero hanggang pag-asa na lang siya.

"Oo masarap. Kaso parang di ko trip mag-adobo ngayon. Magpi-pizza na lang ako," Pagkasabi ko nito ay humagalpak na sa katatawa si Jairus with matching hampas sa mesa. "Uy, pengeng pizza!" sigaw ko pa sa kanya.

Pinilit kong abutin yung pizza pero tinataas niya ito at nilalayo sa 'kin. "Jairus Blake! 'Wag mo kong patayuin dito at makakatikim ka sa 'kin ng mas masarap pa diyan sa pizza!" Parang awa mo na Jairus ayoko pang mamatay...

Nagulat kami nang biglang tumayo si Jade. Napatingin kami sa kanya at lalo pa kaming nagulat nang sumigaw siya. "HINDI KO NA KAYO IPAGLULUTO ULIT KAHIT MAGMAKAAWA PA KAYO SA 'KIN!!!"

*  *  *  *  *

Nag-research ako nung gabing yun. Alas siyete pala ang simula nung charity ball. Mga alas singko pa lang, mag-aabang na ko sa venue. Para mas exciting, magpanggap kaya akong waiter? Di ba sa mga palabas sa TV yung mga kidnapper laging may disguise? Ay, 'wag na lang baka maging kumplikado pa. Bukas ng umaga, aayusin ko na yung shop. Bibili na rin ako ng tali at hihiramin ko yung posas sa kakilala ko. Siguro naman magiging successful 'to. Ano naman ba ang magagawa ng isang hamak na mayamang babae? Karamihan naman ng mga mayayaman, duwag at walang kwenta. Siguro, halos mamamatay na yun sa takot 'pag nakita ako. Hahaha. Bukas na bukas rin, magbabago na talaga ang ikot ng mundo ko.

David Conrad, pagsisisihan mo yung ginawa mo sa pamilya ko...

Kidnapped (A Romance Story for Filipino Wattpadders)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon