24: Baka ikaw...

1.9K 17 2
                                    

Hey guys!!! This is the new chap I just finished writing last night... XD Hope you enjoy it... We're starting to show the crucial parts of the story... Pls vote... THANKS!!

~~~

Amber

Ha. Lagot daw ako... Baka siya... In these kinds of situations, everyone will lean onto the side of the girl... The girl will always be the victim. I should know... Artista kaya ako na marami nang experiences in movies with situations like this...

Curious about what the outcome will be, di ko na napigilan ang sarili ko na mag-eavesdrop sa conversation nilang magkapatid. I sneaked really quietly near the door at nakinig ng mabuti.

“Kuya... Disappointed ako sa ‘yo... Pa’no mo ‘to nagawa, ha? At pinalalala mo pa sa hindi pagsasabi sa amin... Kuya naman... Di ka na bata at hindi na rin kami bata... Bakit kasi di ka nakipag-usap sa amin tungkol dito?” Sabi ni Jade.

Nagbuntong-hininga si Casper. “Kahit anong sabihin ko, magtutunog na nagdadahilan lang ako... Sige, sabihin natin na totoo nga yung mga pinagsasabi ni Am-” napahinto siya bigla at nagpatuloy “my... e... ano naman na ngayon? Alam ko siya talaga ang paniniwalaan niyo... Sige, ikaw na lang ang tatanungin ko. Anong gusto mong gawin ko?” Tanong ni Casper.

“Aba Kuya, syempre sasabihin ko na panagutan mo siya. Kawawa naman si Ate Amy at mas magiging kawawa yung baby. Sa lahat ng tao dito sa Pilipinas Kuya, di ko akalain na ikaw pa ang makakagawa ng gantong klaseng pagkakamali...” Sabi ni Jade.

Medyo tahimik, and because I already know Casper’s personality, malamang nagtitimpi muna siya ng galit, trying to calm himself. I can’t help laughing in my mind as I imagined his totally hopeless expression. Ikaw ba naman mamisunderstood ng sarili mong kapatid and you can’t do anything about it... Ha! That’s what you get for yelling at me... Buti nga sa ‘yo...

“Okay.” Sagot ni Casper. Ano daw? Okay? Nababaliw na ba ‘tong lalaking ‘to? Balak niya sakyan yung joke ko? Bigla na lang akong nagpanic... This is not going by my plans. I was just fooling around, trying to make the situation have some sense. Oh no...

“Okay?” Jade asked. “Okay.” Casper confirmed.

“Ito lang ang ipromise mo sa ‘kin. Kayong dalawa lang ni Jairus ang makakaalam at hindi niyo sasabihin kahit kanino. Kahit kay Tita Myrna. Kung may magsasabi kay Tita, dapat ako yun. Si Am—my... sa bahay na siya titira at walang dapat makaalam non. Tayo-tayo lang muna. Aayusin ko muna ‘to bago ipaalam sa iba. Okay ba yon?” Casper said.

“Okay ako dyan. Hindi kami makikialam sa pag-ayos mo dito dahil gulo mo ‘to. Sigurado naman ako na kahit gaano kalaki yung bunganga ni Jairus, alam niya kung kelan magpakaloko-loko at magseryoso.” Jade told him. “O sige Kuya, puntahan mo na si Ate Amy, at mag-usap muna kayo.” She added.

I quickly went away lalo na’t palabas na sila. I ran to the living room at pasimpleng umupo na parang hinihintay silang matapos. I rubbed the corners of my eyes a little na parang nagpapahid ng luha. I was thinking of what to say and getting ready to act at the same time when suddenly, may tumapik sa likod ng ulo ko. No, it’s not tapik, mas malakas e. Hinampas yung likod ng ulo ko!

“What the heck—” I said while turning around at napahinto sa expression sa mukha ni Casper.

“Oh, it’s you, Casper... Ummm... What happened earlier...” Pasweet at painosente kong sabi. Nagulat na lang ako nang biglang ngumiti si Casper. Yung sobrang bright at sobrang fake na ngiti.

“Sasama ka sa ‘min pauwi, okay Amy... Pag-uusapan natin ‘to ng maayos.” Sabi niya.

“What the heck are you doing?” I asked, panicking a little.

Kidnapped (A Romance Story for Filipino Wattpadders)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon