85: Wala!

426 9 25
                                    

Casper

Grabe talaga si Amber. Sumosobra na siya. Wala man lang siyang pakialam dun sa sapatos na binigay ko sa kaniya. Palibhasa lumaki sa layaw e. Puro mamahalin lang tuloy yung pinahahalagahan niya. Kaya siguro siya lapit ng lapit sa Jeremy na yun e. Kasi may mga bagay siyang kaya niyang ibigay kay Amber. Mga bagay na hindi ko kayang ibigay.

Hindi ko alam kung bakit lagi na lang ako naaasar kapag pumupunta siya kay Jeremy. Nagalit din ako ng sobra nung sinabi niyang 'Kung oo, ano namang pakialam mo? It's none of your business.' Hindi nga ako sigurado kung nagalit ba ko o nasaktan. Ay, ewan. Basta, para niya kong sinampal ng kaliwa't kanan dun sa sinabi niya.

Saan naman kaya pupunta yung babaeng yun? Babalik dun sa Jeremy niya? Bahala na nga siya sa buhay niya! Wala na kong pakialam kahit kanino pa siya pumunta.

"Sino yung Jeremy na pinag-aawayan niyo?" Biglang tanong ni Jairus. Narinig niya pala yung pag-aaway namin.

Nasa kuwarto kami ngayon. Sinusubukan kong matulog habang siya naman, may kung anong ginagawa sa cellphone niya.

"Wala. Isang bungol na masarap sapakin sa mukha." Sagot ko.

"Parang si Tristan Vaughn?" Tanong ulit niya.

"Oo." Sinabi ko. "Siya yung gusto umupa dun sa shop natin."

"A... Parang nabanggit mo na nga yata sa 'kin dati." Sabi niya. Binaba niya yung cellphone niya at humarap sa 'kin. "Kuya, bakit parang galit na galit ka kanina? Dahil pumunta siya kay Jeremy? Yun lang?" Sunud-sunod niyang tanong.

"Anong yun lang? Hindi lang naman isang beses yun e. Lagi na lang siyang punta ng punta dun." Sagot ko.

"So?"

"Yun nga. Lagi siyang punta ng punta dun. Ayoko sa mga taong gala."

"Yun lang ba talaga? E bakit ako, punta ko ng punta sa bahay ni Jay, hindi ka naman nagagalit?"

"Iba naman kasi yun. Best friend mo si Jay e. Kaano-ano niya ba si Jeremy?"

"E ikaw kuya, kaano-ano ba si Ate Amber? Bakit ka nagagalit nang sobra kapag may kasama siyang iba?" Tanong niya ulit.

"Ako? Syempre! Ako yung—" Teka... Ano nga ba niya ko? Ano ko nga ba siya? Di ba... parang wala naman?

"Di ba parang wala naman?" Tanong ni Jairus.

Wow. Parang binabasa niya yung isip ko a. Psychic ba siya?

"Anong wala? Matagal na rin naman kaming mag—" Mag— Mag-ano?

"Mag-ano? WALA. Fake lang naman yung relationship niyo, di ba? Wala kayong kinalaman masyado sa isa't isa kaya wala ka ring karapatang magalit ng sobra kapag may iba siyang kasama." Sabi ni Jairus.

Nakakaasar naman yung sinabi niya. Pero may pagka-totoo naman.

"Kaya wala tayong karapatang magalit kapag may kasama siyang ibang lalaki. Tandaan mo yan." Dagdag pa niya.

"Tayo?" Tanong ko.

"Este, ikaw. Ang ibig kong sabihin 'ikaw', hindi 'tayo'." Sinabi niya sabay tawa na parang kinakabahan. Ano namang nakakatawa dun? Parang baliw naman 'to.

"Pero pano kung hindi mo mapigilang magalit kapag may kasama siya? Anong ibig sabihin non?" Tanong ko. Ano ba yan! Para naman akong baliw. Nagtatanong sa isang high school student.

"Aba, malay ko. Basta ang alam ko lang bawal maasar kasi wala ka namang kinalaman sa kaniya. Kahit na nakakabwiysit na. Kahit na minsan gusto mo nang manapak. Kahit na minsan, pati sarili mong kuya kinagagalitan mo na." Paliwanag niya.

Kidnapped (A Romance Story for Filipino Wattpadders)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon