Amber
Nakakaasar... Puro reklamo ‘tong taong ‘to. Bakit kasi hindi na lang siya sumunod! Magtatanong-tanong tapos... Ayy, ewan!
Nandito ako ngayon sa bahay nung kidnapper kasi dito ako maliligo. Walking distance lang pala talaga. Dahil lumabas kami, he handcuffed our hands together. Bale right hand ko, left hand niya. Para daw walang takasan. Ewan ko sa kanya.
Pero infairness, hindi ko inakala na kahit maliit yung apartment, sobrang linis at organized. Parang hindi lalaki yung nakatira.
Umalis siya kanina para kumuha daw ng damit at towel na gagamitin ko. Ayan... Pabalik na siya at papalapit na sa akin.
“Ito yung towel na gagamitin mo at yung damit, dito mo na lang kunin.” Sinabi ni Mr. K at binaba yung towel at set of clothes sa sofa.
“Saan yung bathroom?” Tanong ko.
“Halika, sasamahan kita.”
“Sabihin mo na lang. It’s not like mawawala ako or di ko yun mahahanap sa lugar na ganito kaliit.”
“Sasamahan na nga lang kita.” Hinayaan ko na siyang samahan ako. Kinuha ko yung towel at yung mga damit. Aba, pangbabae na yung mga damit at mukhang bago pa.
Naglakad na kami papunta sa bathroom. “Mamaya, pagkatapos mong maligo, dito ka na lang sa kuwartong ‘to magbihis.” Sabi niya habang tinuturo yung isang kuwarto. Tumango ako.
“Wait.” Huminto ako at pumasok sa room na yun. Nilagay ko sa kama yung mga damit, yung lotion at day cream.
Naglakad na kami papunta sa banyo. “O sige, maliligo na ako.” Pumasok na ako dun. Maliit lang yung banyo pero organized and tidy. Binuksan ko yung shower para i-check yung lamig nung tubig pero di ito gumana. Paalis na siya at pinigilan ko siya. “Teka, walang bath tub at sira yung shower. Paano ko maliligo?”
He sighed. “Ito o. Ang tawag dito, tabo. T-A-B-O. Huwag kang tanga.”
“Ha?”
“Tabo nga. Ganito yan gamitin o. Sasalok ka,” Sumalok siya ng tubig. Aba, may demo pa! I’m not an idiot. “Tapos, ibubuhos mo sa katawan mo yung sinalok mong tubig.” Pagpapatuloy niya. Binuhos niya pa yung tubig sa bathroom floor.
“I know what a dipper is, you jerk! It’s not like I’m an idiot.”
“O, alam mo naman pala e. Maligo ka na.”
“Umaasa lang ako na may maooffer kang mas okay.”
“E di umasa ka na lang. Wala ka nang ibang option.” Sinabi niya nang nang-aasar pa yung mukha. Inirapan ko na lang siya. Papasok na ako nang hatakin niya ako. Ano na naman ba?
“Uy. Baka tumakas ka. Babantayan na lang kita.” Wala namang bintana a.
“Tumigil ka nga. Maghintay ka na lang sa sala.”
“Dito na lang ako sa labas ng CR maghihintay. E paano kung bigla kang dumaan sa kabilang pinto, umalis at—”
“Pervert ka lang talaga! Gusto mo lang akong makitang lumabas ng towel lang ang suot.”
“Umasa ka na lang. Kahit ipagdasal mo pa hindi—”
“O sige na nga. Dito ka na lang sa labas ng pinto ng CR magbantay!” Sinigaw ko sa kanya. I slammed the door shut. Naku naman... Naligo na ako. Sobrang lamig ng tubig. May mga pambabaeng gamit dito. Pambabaeng shampoo, beauty soaps, etc... Siguro sa nanay niya or sister. Nilagay ko sa tabi nun yung cleanser at shower gel.
After taking a bath, I wrapped the towel around myself. Lumabas na ako at nandun nga si Mr. K. Nakatingin siya sa akin at nakangiti na parang nang-aasar.
“Hoy! Anong tinitingin-tingin mo dyan?”
“Magbihis ka na.” Sinabi niya at pumunta na siya sa tapat nung kwartong tinuro niya kanina. Binuksan niya yung pinto at sinabing “Dito na lang ako maghihintay sa labas.”
“Oo na.” Pumasok na ako sa room. Nakakaasar talaga!
Napansin kong may pictures ng isang girl sa kuwarto. Kung sino man siya, she’s pretty and looks a few years younger. May nakasulat na Jade sa baba ng isang malaking picture niya. May isa ring picture na kasama yung girl, si Mr. K at isang boy na mukhang bata pa. Mga fourteen or fifteen years old siguro. Ito pa ha. May posters ko. Nice. She must be a fan.
Nilagayan ko na yung mukha ko ng day cream. Tinuyo ko na rin yung katawan ko at nag-lotion na ako bago ko sinimulang magbihis.
Nagulat ako nang bigla na lang bumukas yung pinto. “Ano ba!” Hindi pa nga ako nakakapagsuot ng damit except my undies e. Kinover ko ulit yung katawan ko nung towel. “Sira ulo ka!” Sigaw ko.
“Huwag ka ngang maingay. Nandito na yung kapatid ko at—” Paliwanag niya pero sumigaw uli ako.
“Nakakaasar ka na talaga ha. I don’t care if—” Bigla siyang lumapit at tinakpan yung bibig ko. He grabbed the clothes and wrapped his other arm around me. Ano ba naman! Tapos sasabihin niya hindi siya pervert!
“Huwag ka nga sabing maingay!” Hinatak niya ako paalis. In that position naglakad kami papunta sa back door. This is so embarrassing... Hindi na ako masyado nagpumiglas dahil tuwing nagpupumiglas ako lalo niya lang hinihigpitan yung pagyakap nung left arm niya.
Binuksan na niya yung pinto at lumabas kami. Tinanggal na niya yung kamay niya sa bibig ko pero hindi yung kapit niya. I gasped for breath. “Ano ba!” I shouted.
“Shut up!” He shouted back. Binalik niya yung kamay niya sa bibig ko.
May narinig kaming mga ingay sa loob. May pumasok nga sa loob. Kapatid daw niya e. Wait! Ibig sabihin hindi alam ng family niya na may kinidnap siya! Tsk. Tsk. Tsk. Badass talaga.
“May tao ba? Kuya?” May narinig kaming boses ng babae sa loob.
“Tsk. Ano ba yan. Kailangang umalis na tayo.” Bulong niya. Nagulat ako nang buhatin niya akong pa-princess cradle. Naglakad na siya paalis. Oh my gosh. Binubuhat ako ngayon ng isang lalaking halos mayakap na ako at nang towel lang ang suot. This is soooooo embarrassing talagaaaaaa!!! Wala kayang tao sa street? Kung meron, it would be more embarrassing.
Konti lang pala ang tao at everytime may tao ay nagtatago kami sa likod ng sasakyan, puno o kahit anong malapit na puwedeng pagtaguan. Hindi kaya nabibigatan sa akin ‘to?
Sa wakas, after what seemed like a thousand years, narating na namin yung shop. Binagsak niya ako sa mattress. What a gentleman ha!!!
Medyo natanggal tuloy yung towel. Hinatak ko yung towel pataas at sinigawan siya. “Puwede namang ibaba ako ng maayos di ba?!”
“Pagod na pagod na ako e. Matagal-tagal din kaya kitang buhat.”
“Sinabi ko bang buhatin mo ko?”
“Kung hindi ko ginawa yun baka mas lalo lang nagkagulo. At least di ba, maayos tayong nakarating.”
Maayos daw! Aba! Nagpatuloy na siya sa pananalita niya. “Okay na yan, at least ngayon puwede na tayong kumain at—”
“Puwede magbihis muna?” I interrupted him. Ang dami niya agad plans ha.
“Ayy... Oo nga pala.” Sabi niya. Wait... Nagblush ba siya? Parang nagblush siya nung tumingin siya sa gilid niya. May hiya pa pala ‘tong lalaking ‘to kahit papano.
“Sige dito ka muna. Doon muna ako.” Sinabi niya at tumango ako. Papunta na siya sa direction ng CR ng shop. “Grabe, pagod na pagod na ko. Ang bigat mo kasi.” Hirit niya.
Ako? Mabigat? Aba! “Well siguro naman hindi nasayang yung pagod mo at natuwa ka sa mga nakita mo kanina.”
“Hindi naman. Pero puwede na rin.” Sinabi niya nang tumatango-tango at may nakapang-aasar na ngiti.
“Ang kapal mo ha!” Tumawa lang siya at umalis na. Ha! Ang kapal-kapal-kapal-kapal-kapal-kapal-kapal ng mukha niya!
Kung sabagay, aalis na ako ngayon. Sana mag-four pm na. Ano ba yan! Paalis na lang ako may nakakaasar pang mangyayari... Dang it!
Four pm. Please, bilisan mong dumating...
BINABASA MO ANG
Kidnapped (A Romance Story for Filipino Wattpadders)
RomanceAmber Conrad is a girl with a perfect life. She's an eighteen-year-old award-winning star and an heiress. Kasikatan, kayamanan, kagandahan, katalinuhan... Lahat nasa kanya na. Almost every teenage girl looks at her with envious eyes. There are times...