Hi to all the readers!!! There's a treat here for those that love the character of Jairus... We got some requests kasi e... :)
Casper
Hay... Sa wakas. Pagkatapos ng mahaba at nakakapagod na isang buong araw ng pagtatrabaho, makakauwi na din ako. Bumili ako ng pasalubong at dumiretso na sa bahay.
“Hi, Kuya.” Bati ni Jade sa ‘kin. Si Jairus naman, mas una pang binati yung pasalubong ko.
“Wow Kuya. Galante ka ngayon ah. Buti na lang nandito si Ate Amy. Simula ngayon masarap na ang pagkain kasi kailangan mong alagaang mabuti yung buntis mong girlfriend.” Sabi ni Jairus habang pumapapak na ng isang fried chicken.
Kumuha ng magazine si Jade at pinukpok sa ulo ni Jairus. “Baliw ka talagang bata ka!” Sigaw niya.
“O magtigil kayong dalawa diyan at baka magkasakitan pa kayo.” Banta ko.
“Si Jade lang ang nambubugbog sa akin no. Siya pagsabihan mo, Kuya.” Sabi ni Jairus.
Tumingin-tingin ako sa paligid.
“Nasan na ba si Am-” ,napatigil ako sandali, “my?”
Kailangan ko na talagang masanay sa bagong pangalan ni Amber...
“Wala siya dito, Kuya. Sabi niya nagpaalam daw siya sa ‘yo at may kailangan siyang puntahan.” Sagot ni Jade.
“Ano?” Sigaw ko.
Yung babaeng yun... Di kaya bumalik siya dun sa ospital? Sinabihan ko na nga siya na manahimik muna! Nakakabanas! Tinakasan ako!
“Kuya, dadalhin ko na lang yung pagkain ko. Matutulog ako sa bahay ni Arlene ngayong gabi para tapusin yung project namin...” Sabi ni Jade.
“Ahh. Ok. Ihahatid kita.” Sagot ko.
“Di na, Kuya. Malapit lang naman e.” Sabi niya sa ‘kin.
Medyo hindi ako nakikinig sa kapatid ko ngayon at iba ang iniisip ko.
Yung Amber na yon... Nakakabanas talaga yung babaeng yun! Humanda ka sa ‘kin pag-uwi mo...
Amber
Dumiretso lang ako pauwi without minding my way. Suddenly, I bumped into someone. It was Casper, waiting in front of the door.
“Oh no.” I said.
“Talagang ‘oh no’.” He told me. “San ka nanggaling?” He asked.
“Ummm... naglakad-lakad lang ako. I was trying to familiarize myself with this place para hindi ako maligaw.” I said, whipping up a really good excuse.
“Talaga lang ah. Pa’no kung bigyan kita ng quiz? Anong madadaanan mo kapag kumaliwa ka mula sa bahay at umikot dun sa kanto?” He asked with his brow raised.
I bit my lower lip. I’m screwed.
“Ano bang sinabi ko sa ‘yo ha? Di ka ba talaga makapaghintay? Pa’no kung may nakakita sa ‘yo dun sa ospital? Sinabi ko na nga sa ‘yo na huwag muna tayo bumalik don. Di ka ba talaga makaintindi ng Tagalog?” He scolded.
I was about to explain myself when Jairus came running towards us. From the looks of it, may binili siya sa tindahan.
“Kuya, Ate, pasok sa loob!” Sigaw niya. He seemed to be panicking about something.
Confused, we did as we were told.
“Ano bang problema?” Tanong ni Casper.
“Magtago kayo, Kuya!” Sigaw niya.
BINABASA MO ANG
Kidnapped (A Romance Story for Filipino Wattpadders)
RomanceAmber Conrad is a girl with a perfect life. She's an eighteen-year-old award-winning star and an heiress. Kasikatan, kayamanan, kagandahan, katalinuhan... Lahat nasa kanya na. Almost every teenage girl looks at her with envious eyes. There are times...