Kristie
Ang sama-sama nila! Ang sama-sama nila!!! Magsama silang dalawa. Parehas silang manloloko!!!
Tumakbo ko nang tumakbo hanggang sa makauwi na ko sa bahay. Dumiretso ko sa kuwarto ko at dumapa sa kama ko. Yinakap ko yung unan ko at umiyak nang umiyak.
Ang sama-sama nila! Ngayon lang sa ‘kin naipamukha ang kapangitan ko nang ganito!!!
Naaalala ko pa nung bata ako. Inasar ako na pangit ng mga kalaro ko kaya umuwi ako at iniyakan ko si Mama.
“Ma, totoo bang pangit ako?” Tanong ko.
“Sinong nagsabi niyan, anak?” Tanong niya pabalik.
“Yung mga kalaro ko po.”
“Anak, hindi ka pangit. Sadya lang talagang may mga sinungaling na tao sa mundo.” Sagot ni Mama.
Napangiti ako sa sinabi niya. “Kaya anak, sana maintindihan mo na minsan, makakapagsinungaling ako sayo ha.” Dagdag pa ni Mama. Alam niyo, ngayon ko lang talaga na-gets yung sinabi niya e. Siya pala yung sinungaling, hindi yung mga batang salbaheng yun.
Dati nga, pinrangka ko yung pamilya ko. Gusto ko na kasi talagang makahanap ng sagot. Nagtataka kasi ko nung high school student na ko kung bakit yung mga friends ko, may mga manliligaw. Yung iba nga may mga jowa na e. Habang kumekemerot sila, ako naman loner. Wala kong magawa kundi sumulyap sa mga crush ko, at kiligin na parang naiihing natatae kapag nginignitian nila ko.
Ayun, dumating na sa point na tinanong ko ang lahat ng family members kung maganda ba ko.
“Ma, maganda po ba ako?” Tanong ko.
“Ano yun anak?” Tanong naman ni Mama pabalik.
“Maganda po ba ko?” I repeated.
“Wait lang anak ha. Magsasaing pa pala ko.” Umalis siya at pumunta sa kusina. Sinundan ko naman siya.
Hinintay kong matapos siya sa pagsasaing at nagtanong ulit. “Ma, maganda po ba ko?”
“Anak, wait lang ha. Maghuhugas pa ko ng pinggan e.” Sagot niya.
“Mama, wala naman pong hugasin a.” I commented.
“Uulitin ko yung mga hinugasan ko kanina, medyo masabon pa e.” Sagot niya.
Wala na kong magagawa para kumbinsihin si Mama na sagutin yunng tanong ko kaya pumunta na lang ako kay Papa. Nasa sala siya, nanonood ng tv habang nagkakape.
“Pa, may itatanong po sana ko sa inyo e.” I started.
“Ano yun ‘nak?” He asked with a smile.
“Maganda po ba ko, Pa?” Tanong ko. Naidura niya yung iniinom niyang kape at napaubo siya.
“Ano yun ‘nak? Parang mali ata yung pagkakarinig ko e.”
“Maganda po ba ko?” I asked patiently.
“Anak, naalala ko aayusin ko pa nga pala yung gripo natin! Wait lang ‘nak ha.” He said before walking away from me. Syempre wala kong choice kaya lumapit na lang ako kay Kuya. Pumunta na lang ako sa kwarto niya at siya na lang yung tinanong ko.
“Kuya, maganda ba ako?”
“Ha? Ano yun? Di kita marinig e.” Napansin ko na naka-earphones pala siya.
“Maganda ba ko?”
“Still can’t hear you sis.”
“Kuya!!! Maganda po ba ko?” Sa sobrang asar ko, hinatak ko yung earphones niya. Sa sobrang lakas naman ng hatak ko, natanggal yun sa bulsa niya. Yup. Sa bulsa niya lang... Hindi kasi naka-plug sa kahit ano— cellphone, mp3, etc. yung earphones niya.
“Kuya naman e!” Reklamo ko.
He smiled guiltily. “Alam mo Kristie, ikaw ang pinakamaganda sa lahat ng magkakapatid.”
“Kuya, ako lang naman ang babae sa ‘tin e. Sagutin mo na lang kasi yung tanong ko. Maganda ba ko?”
“Alam mo, ang kagandahan ay parang limited stocks. Hindi lahat ng may gusto nun, makakakuha.”
“Kuya, hindi mo naman sinasagot yung tanong ko e. Maganda ba ko?”
“Kristie, wait lang ha. Marami akong assignments e. Mamaya na lang tayo mag-usap.” He patted my shoulder sympathetically.
“Gago ka! Summer vacation kaya ngayon!” Sigaw ko bago niya isara yung pinto.
Hay... Makahanap na nga lang ng ibang tatanungin.
Nakita ko si bunso sa garden. Nakikipaglaro siya sa Golden Retriever naming si Snap.
“Bunso!” Lumapit ako agad sa kanya at ngumiti. Last chance ko na ‘to e.
“Ate, bakit po?” Tanong niya.
“May itatanong sana ko sayo e. Bunso, maganda ba si Ate?”
“Sino pong ‘Ate’?” Tanong niya pabalik.
“Ako lang naman ang Ate mo dito e. Ganun ba kahirap sagutin yung tanong na yun kaya naghahanap ka pa ng ibang ate?”
“Akala ko pinsan natin yung sinasabi mong ate.”
“Ako nga, bunso.”
“Ikaw?” Tinitigan niya ko ng mabuti. “Ate wait lang. Natatae ako e.” Tumayo siya at naglakad paalis.
“A ganun? Okay lang. Nakakatae talaga yung beauty ko e. Take your time!” Sagot ko.
Hay... Kahit isa, walang nakasagot sa tanong ko. Tumingin-tingin ako sa paligid ng garden namin nang mapatingin ako bigla sa aso.
“Hey Snap. Maganda ba ko?” Para akong shunga, pati aso napagtripan kong tanungin.
Napatigil si Snap sa paglalakad at pag-amoy-amoy niya sa paligid. Tinaas niya yung tenga at yung right front paw niya. Tinitigan niya ko nang mabuti.
“Aba! Nagrerespond... Ano Snap? Maganda ba ko?” Tanong ko ulit. Pagkatapos niya kong titigan, binaba niya ulit yung paa at tenga niya at naglakad paalis.
Ayy, meganon? Ang kapal ng mukha mong aso ka! Pagkatapos kitang alagaan at pakainin simula nung baby ka pa!
“Hayop ka!” Sigaw ko sa kanya. Ay teka... Hayop nga pala talaga siya.
Maya-maya, napansin ni Papa na malungkot ako. Nilapitan niya ko at tinanong kung ano ang problema ko.
“Pa, ba’t ba kasi hindi niyo masagot yung tanong ko? Maganda ba ko, Pa?” I asked.
He sighed. Inakbayan niya ko at sinabi: “Anak, alam mo. Ikaw ang paborito kong anak. Mabait ka, masipag, matalino at talented. Yun ang mahalaga ‘nak. At walang kahit na isang tao ang makatanggi dito. Mahal na mahal kita anak. Tandaan mo yan.”
Oo, sweet nga. Pero hindi pa rin nun nasasagot ang tanong ko.
Bumalik na sa present yung utak ko.Nandito na ko ulit sa kuwarto ko. Yinakap ko nang mas mahigpit yung unan. Nakakaloka ‘tong araw na ‘to. Masakit man tanggapin pero, hindi na ko ang gusto ni Casper. Well, kahit kelan e hindi naman talaga ko nagustuhan ni Casper e. Ako lang ‘tong feelingera.
For the first time, may nakapagsabi na sa ‘kin ng diretso na pangit ako. Pati nga family and friends ko e hindi ako maprangka. Lalo naman yung customers at employees ko. Si Amy lang talaga ‘tong mean and brave enough para sabihin sa ‘kin ang katotohanan. That’s right. Ang katoohanan— ang katotohanang dapat kong tanggapin.
BINABASA MO ANG
Kidnapped (A Romance Story for Filipino Wattpadders)
RomanceAmber Conrad is a girl with a perfect life. She's an eighteen-year-old award-winning star and an heiress. Kasikatan, kayamanan, kagandahan, katalinuhan... Lahat nasa kanya na. Almost every teenage girl looks at her with envious eyes. There are times...