Casper
"O, kamusta na ang may amnesia?" Sinabi ni Amber pagpasok sa hospital room. Pinatong niya yung plastic ng prutas na dala niya at yung bag niya sa upuan sa gilid ng kama ko.
"Sige, mang-asar ka pa." Sabi ko.
Tumawa lang siya. Nakakamiss din pala yung tawa ni Amber. Ang tagal ko na ring hindi narinig e. Syempre, kasi nasa comatose state ako. Ang weird nga e, sabi nila medyo conscious ka pa rin daw kahit comatose ka. E wala naman akong narinig o naramdaman kahit konti sa buong two months na yun.
Umupo si Amber sa gilid ng kama. "Kailangan na daw yung side mo ng story for the investigation. Kaya mo na ba?" Tanong niya.
Ito pa ang mas weird. Hindi ko talaga maalala yung aksidente. Basta kinuwento lang sa 'kin ni Jairus. Hanggang ngayon nga, malabo pa rin sa isip ko yung nangyaring car crash.
"Wala kong maalala e." Sabi ko.
"Yan ka na naman e. Gusto mo bugbugin kita para mawala yung amnesia mo?" Babala niya.
"Gangster ka pa rin hanggang ngayon. Tsk, tsk, tsk..." Sinabi ko nang umiiling-iling.
Hinampas niya ko sa balikat. "Hoy! Ano ba? Bayolente talaga. Kita nang hindi pa magaling yung tao e." Reklamo ko.
"Hindi pa nga magaling yung utak mo. Are you sure you were in a comatose state? Baka naman na-brain dead ka talaga." Pang-aasar pa noiya.
"Hahaha. Nakakatawa." Sarcatic na sagot ko.
"Ay oo nga pala. Pa 'no ka mabe-brain dead? Wala ka namang brain." Sabi niya.
Sumusobra na siya ha... "At least kahit two months akong tulog, paggising ko gwapo pa rin. Mas gumanda pa nga yung balat ko. E ikaw, mukha ka nang matanda." Ganti ko.
"Hey, what did you just say? Mukha akong matanda?" Galit na sigaw niya.
"Slight lang naman. Siguro sa kakaiyak mo. Iniyakan mo ko ng sobra no?"
"Bakit naman kita iiyakan? Namatay ka na ba?"
"Iiyak ka lang kapag namatay ako?"
"Oo. Iiyak sa sobrang tuwa." Tumawa pa siya nang napaka-sarcastic.
Ano na lang kaya yung nangyari kung di ako nagising? Grabe... Iniisip ko pa lang, angh sakit na sa dibdib.
Hindi ko na makikita si Amber... Ahem... Este si Amber, si Jade, si Jairus, si Tita at si Gabby. Lahat sila.
"Thank you, Casper." Biglang sinabi ni Amber.
"Bakit? Para san?" Tanong ko.
"For waking up. Thank you talaga. What would've happened if you never woke up?" Tanong niya.
Teka... Nababasa niya ba yung iniisip ko?
"How would I be able to live on? I mean— How would we be able to live on? Kami nila Jade, Jairus and Tita Myrna." Sabi niya.
Natawa ko. Pareho talaga kami nang iniisip.
"Thank you din." Sinabi ko.
"For what?" Tanong niya naman.
"Sa lahat... Sa lahat-lahat..." Ang dami na din niyang ginawa pa sa 'kin at sa pamilya ko. Sa totoo lang, ang gusto ko talagang sabihin sa kaniya, salamat sa pagdating mo sa buhay namin na ginulo mo nang sobra. Pero kahit si Jairus, sa tingin ko, mas gugustuhin pa niyang hindi na makalakad ulit, kaysa hindi makilala si Amber.
"Sabi ni Jade ikaw daw ang nagbantay sa 'kin. Lagi mo din daw akong minamasahe kasi sinabi ng doctor makakatulong daw yun. Kaya pala amoy fruit salad yung kamay ko paggising ko. Kakaiba kasi yung mga lotion mo e. Buti hindi ako nilanggam." Biro ko.
Hinampas niya na naman ako. "Buti nga minassage pa kita..." Naaasar na bulong niya.
"Asus... Dahil advice ng doktor o gusto mo lang talagang hawakan yung kamay ko?" Pang-aasar ko ulit.
"Ang kapal, kapal, kapal, kapal ng mukha mo." Sabi niya. "E ikaw nga, may pa amnesia-amnesia ka pa. You just wanted me kiss you, huh?" Pangganti niya.
"Asa ka pa."
Ngumiti lang siya. "I missed this."
"Ang alin?"
"Wala. I missed our petty fights, I think..."
"Bakit? Wala ka bang makaaway nung tulog ako?" Tanong ko. Asus... Kunwari ka pa. Nandyan naman si Tristan, si Jeremy at si Bryan. Kitams? Tatlo pa yung pagpipilian?
Naging seryoso bigla yung expression ng mukha niya. "Welcome back Casper. Sorry hindi ko nasabi kaagad. Ikaw kasi. You pulled a stupid 'amnesia' stunt." Sinabi niya.
"Welcome home." Dagdag pa niya.
Bigla na lang siyang lumapit sa 'kin at yinakap ako. "Don't you ever scare me like that again. Subukan mo lang ma-comatose ulit, ako na papatay sayo." Sinabi niya habang kapit na kapit sa likod ko.
Yinakap ko lang siya pabalik. Sa sobrang higpit, akala ko hindi na siya makakahinga.
Ayoko kasi siyang bitawan... At hindi ko alam kung bakit.
"Promise. Mag-iingat na ko." Sinabi ko sa kaniya.
"I was so scared. I thought you were going to die because of me." Sabi niya.
Natakot siguro talaga siya. At sinisi niya din ng sobra yung sarili niya kahit wala naman siyang kasalanan.
"Sorry Amber..." Yun lang ang nasabi ko. Hindi ko na kasi maibabalik yung oras. Hindi ko na mababawi lahat ng pagod niya. Hindi ko na matatanggal lahat ng sakit na naramdaman niya sa pag-aalala sa 'min ni Jairus.
Nung unang araw na nagising ako, natuwa lang ako dahil nabuhay pa ko. Ngayon ko lang na-realize na mas masaya ako kasi nakita ko pa ulit si Amber.
Kahit kalian at kahit anong mangyari... Hindi na kami pwedeng magkahiwalay ulit.
BINABASA MO ANG
Kidnapped (A Romance Story for Filipino Wattpadders)
RomanceAmber Conrad is a girl with a perfect life. She's an eighteen-year-old award-winning star and an heiress. Kasikatan, kayamanan, kagandahan, katalinuhan... Lahat nasa kanya na. Almost every teenage girl looks at her with envious eyes. There are times...