Hey guys!! Thank you for waiting! We're going back to our original storyline... This really signals the start!!! Pls vote and comment! TNX!
~~~
Casper
“Oh Ate Amy, kumain ka pa...” Sabi ni Jade kay Amber habang inaabutan siya ng ulam. Hay naku. Yang taong yan, hindi dapat pinapakain. Dapat diyan pinapatay sa gutom. Kung alam mo lang ang kalokohang ginawa niyan...
Tumango si Amber at ngumiti. Umalis naman si Jade para kumuha ng tubig.
“Oo nga Hon. Kumain ka pa.” Sabi ko nang nakangiti. Ngumiti siya pabalik na para bang ninenerbiyos. “Kumain ka pa.” Sinabi ko ulit. Sinubuan ko siya at ngumuya siya nang nakangiti. “Ito pa o.” Sinubuan ko siya ulit kahit na alam kong may laman pa yung bunganga niya. “Ito pa.” Pilit ko na naman siyang sinubuan. Parang mabubululunan na siya. Haha. Imbes na patayin sa gutom papatayin ko na lang siya sa ganitong paraan.
Inabot ni Amber yung baso ng tubig at ininom ito. Hinampas niya yung itaas ng dibdib niya habang umuubo. “Ikaw naman Honey. Sobra naman ata yun.” Sinabi niya na may kaunting taray ang tunog.
“Ayoko kasing nagugutom ka e. Kumuha ka pa ng manok o.” Sagot ko. Inilapit ko sa kanya yung mangkok ng tinola.
“Ano nga pala ‘to?”
“Tinola. Ngayon ka lang nakakita nito?”
“Hindi naman siguro. Di nga lang ako marunong magrecognize ng Filipino delicacies.” Naku hindi yan sa ganun. Yung luto nga kasi ni Jade, ibang klase. Hindi mo talaga malalaman kung ginisa ba, nilaga o tinola. Sumandok siya at kumuha ng parte. Nilagay niya yun sa plato niya.
“Kakainin mo talaga yan?” Tanong ko. Puwet kasi yun ng manok.
“Bakit? Ano ba ‘to? Neck?”
“Anong leeg? Puwet yan o. Puwet!” Tinuro ko yung manok.
“Aaaaaaah!!!” Napasigaw siya. Sinandok niya ulit yung parte at ibinalik sa mangkok. “Bakit ganun? Mukhang neck?”
“Tanga’t bulag ka lang talaga. Saan banda niyan ang mukhang leeg?” Hindi na siya sumagot. Sumandok siya ulit at nilagay yung parte sa plato niya. “Ano ba? Gusto mo ba talaga ng puwet? Puwet din yan e.” Sabi ko.
Same reaction. “Aaaaaahhh!!!” Napasigaw din siya at ibinalik yung puwet ng manok sa mangkok. “Ilang puwet ba meron ‘tong manok na ‘to?” Sigaw niya. Napabuntonghininga siya at sinabi. “Kung nilalagas ka nga naman.”
“Ha? Anong sinabi mo?” Tanong ko.
“Ha?” Tanong niya pabalik.
“Tanga! Ang tanga-tanga mo! Minamalas yun! Minamalas!!!” sigaw ko. “Kung minamalas ka nga naman.” Mahinahon kong sinabi.
“Who cares? Pakialam ko ba kung minamalas ka.” Mataray na sagot niya. Aba, itong babaeng ‘to.
“Hoy, ikaw kumain ka na nga lang.” Itinuro ko yung plato niya.
“Ba’t nga ba ang tagal ni Jade?” Tanong niya.
“Siguro kinuwento na niya lahat kay Jairus. Yung isa ko pang kapatid.” Paliwanag ko. Tumango lang siya at sumandok na ulit.
“What’s this? Chicken wing?” Pinipigilan ko na lang talagang tumawa.
“Baliw! Nakakita ka na ba talaga ng manok? Puwet yan!” Nahagis niya yung puwet at sumigaw.
“Aaaaaahhh!!! What the heck naman! Ikaw puwet ka! Ba’t ba ayaw mo kong lubayan!”
“Bakit mo hinagis? Sira ulo ka! Sinasayang mo yung pagkain...”
BINABASA MO ANG
Kidnapped (A Romance Story for Filipino Wattpadders)
RomantikAmber Conrad is a girl with a perfect life. She's an eighteen-year-old award-winning star and an heiress. Kasikatan, kayamanan, kagandahan, katalinuhan... Lahat nasa kanya na. Almost every teenage girl looks at her with envious eyes. There are times...