73: Trimber!

778 11 3
                                    

Casper

Nakakaasar yung gagong best friend ni Amber. Halata naman na nananadya siya e! Ano bang problema niya ha? Anong problema niya sa ‘kin? ‘Wag mo sabihing... may gusto siya kay Amber?

Di ba ganun sa mga palabas? Sa mga mag-best friend na characters, yung isa may gusto dun sa isa tapos tinatago lang niya? Ganun kaya yung kaso nila? Pero di ba babaero yung Tristan Vaughn na yun? Laging napapalabas sa t.v. yung pagpapalit-palit niya ng girlfriend e.

Ay ewan... Isa pa, ano namang pakialam ko? Teka, bakit nga ba ko affected ha? Bakit nagkakaganito na naman ako? Naku Casper, ayan ka na naman e. Di ba klaro na sayo na wala ka ngang gusto kay Amber at false alarm lang lahat ng inisip mo noon? Hindi totoo yung mga feelings na inakala mo meron ka para kay Amber. Okay? Klaro? Gets mo? Kaya please lang, tumigil ka na...

“Uy, lawak ng iniisip mo a.” Bigla na lang sinabi sa ‘kin ni Amber.

Biglang bumalik sa earth yung utak ko. “Tanga. Lalim yun. ‘Ang lalim ng iniisip mo.’ Kahit kelan talaga Amber, ang tanga-tanga mo.” Sinabi ko sa kanya.

“Whatever... Lagi mo na lang ako kino-correct. Nakakaasar ka na.”

“Mas nakakaasar ka. Lagi ka na lang pamali-mali.”

Inirapan niya lang ako. Itong babaeng ‘to, kahit kelan hindi marunong tumanggap ng mali niya.

“Ano ba yan, Kuya. Simpleng bagay lang, pinag-aawayan niyo pa.” Comment ni Jairus. “Bilisan niyo na lang kayang kumain para maligpit ko na yung mesa...” Dagdag pa niya.

“Oo na.” Sinabi ko. May pagka-weird nga si Jairus nitong huling mga araw e. Parang ilag na ilag siya samin ni Amber. Lagi siyang umiiwas... Bakit kaya? Galit kaya siya dahil sa mga tinago namin ni Amber sa kanila? E si Jade nga, parang move-on na move-on na e. Kung ituring nga niya si Amber, para na ngang reyna.

Ano kayang problema ni Jairus? Hay, bahala na nga. Casper, mag-focus ka na lang sa kinakain mo.

Amber

Ito talagang lalaking ‘to. Lahat na lang ng mali ko napapansin. I sighed. Amber, hayaan mo na siya. Epal lang yan...

I stood up and started to clean up the table. Pinagpatong-patong ko na yung plates. Dadalhin ko na sana sa sink yung mga yun nang bigla na lang akong pigilan ni Jairus.

“Ako na.” He told me.

“It’s alright. Kaya ko naman e.” Nasanay naman na kong gumawa ng mga household chores e. Well yung mga simple lang naman. Ito kasing si Casper, kung anu-anong inuutos sa ‘kin dati.

“Ako na nga sabi e. Hindi ka makaintindi?” Jairus said sternly.

Hala... Anong problema ni Jai? Lately, parang lagi na lang mainit yung ulo niya a. Ilang araw na rin siyang parang babaeng may period sa sobrang suplado.

“Jairus! ‘Wag mo ngang kausapin si Ate Amber ng ganyan!” Pagpapagalit ni Jade. “Ikaw bata ka a. Wala kang galang.” She added.

“Pakialam mo ba.” He muttered. Kinuha na niya sa ‘kin yung mga plates, then nilagay na niya sa sink. He also started to do the dishes.

Ang weird talaga ni Jairus... Is he mad at me or something?

“Ate Amber...” Jade’s voice broke into my thoughts.

“What is it?” I asked.

“Pasensya ka na kay Jairus a.” She told me.

“It’s okay. Wala lang yun.” I assured her.

“May kailangan ka pa ba? May gusto ka bang inumin?” Pahabol na tanong niya.

“Wala naman.” Itong si Jade, sobrang weird din. Simula nang malaman niya ang totoong identity ko, she started treating me like a queen. Lahat ng kailangan ko, ginagawa niya. She’s always offering me something. She always asks me if there is anything I need. Ang weird niya no? Well, who can blame her? She’s my fan...

Kidnapped (A Romance Story for Filipino Wattpadders)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon