Amber
It’s almost three o’clock. Hindi pa rin namin matapos-tapos yung video. Ang tanga kasi ni Mr. Kidnapper e. Nag-aalinlangang hampasin ako ng candy bottle. Para namang masasaktan ako.
Isinuot ko ulit yung red gown ko at yung necklace. Itinali niya rin ako ulit sa haligi at nilagyan ng tape sa bibig. Ginulo ko yung buhok koat naglagay ako ng konting pasa sa mukha at braso gamit yung make-up na pinabili ko. It looks real nga e. Magaling rin pala ako sa prosthetics.
Cellphone niya lang yung ginamit naming pang-video. After ilang tries, napatayo na rin namin yung bwiysit na cp niya sa mesa. Kung anu-anong gamit na nga ang nilagay namin dung pang-support. Books, sapatos, baso, etc...
Medyo nakakatuwa nga kasi parang taping.So ito, umiiyak-iyak ako at mukhang takot na takot habang nakatingin kay Mr. Kidnapper. Nakacover yung face niya.
Lumapit siya sa akin at this time, hinampas na niya ako ng candy bottle. Medyo masakit kasi may pwersa. Nakakaasar a! Okay, CUT! Binigyan ko na siya ng signal. Tumango ako at kinuha niya yung cp niya. Tinanggal niya na rin yung nasa ulo niya at yung tape ko sa bibig.
“Sa wakas, after a thousand takes, nagawa na yung eksena!” Sinabi ko.
“Puro ka reklamo. Hindi naman totoong taping ‘to e.” Sagot niya.
“Kahit na! Ang tanga-tanga mo! Ibuhos mo na nga yung fake blood sa ulo ko.”
Ginawa na niya yung sinabi ko. “Wait... Tama na! Ang dami mo nang nilagay.” Sigaw ko.
“Sabi mo ibuhos ko.” Hininto na niya yung pagbubuhosat tumingin sa ‘kin.
“Oo nga. Sabi ko, buhusan mo ko niyan hindi paliguan!” Ang OA naman kung ganito karami yung dugo.
“Oo na po. Pupunasan ko na lang.” Lumapit siya para punasan yung ibang fake blood sa ulo ko. Tumingala ako para pati yung noo ko mapunasan niya nang hindi na niya kinakailangan pang lumuhod pero it’s too late... At the same time, yumuko din pala siya at nagkalapit yung mukha namin. Half an inch lang yata yung layo ng faces namin.
Nilayo niya agad yung mukha niya sa akin. “Ano ba? Bakit bigla-bigla ka kasing tumitingala?” Sigaw niya.
“Bakit kasi bigla-bigla kang yumuyuko?” Sigaw ko pabalik. Para tuloy typical na eksena sa Koreanobela yung nangyari.
“Basta... Ipagpatuloy na lang natin yung paggawa nitong video.” Tumango ako at nilagyan niya ulit ng tape yung bibig ko. Okay, ACTION!
Naghimatay-himatayan ako at yung fake gunshot, narinig ko na. Konting paggalaw ng ulo kunwari dahil sa impact at cut ulit.
Lumapit siya ulit sa akin at nilagyan ng fake blood yung gilid ng ulo ko. After a few minutes natapos na rin. Whew!
Tinanggal na niya yung tape at tali sa katawan ko. “Sige, ieedit ko na ‘to sa computer shop. Didiretso na ako sa meeting place namin nung tao ng Tita mo pagka-edit ko nito.”
Tumango na lang ako. At least ngayon, malalaman ko na kung totoo ba yung sinabi niya about Tita Pricilla. He went out of the shop and closed the door. Pumunta na ako sa CR to wash my face and my hair. Magbibihis na rin ako. Hay... What’s going to happen after this? Kung pinapapatay talaga ako ni Tita, then paano ako makakauwi?
Casper
Pagkatapos kong iedit yung video, pumunta na ako sa meeting place at ipinasa ko via bluetooth yung video sa cp nung tao ng Tita ni Amber. Binigay na rin sa akin yung plane tickets, titulo at susi ng bahay. Tinanong yung pangalan ko para maipangalan daw sa akin yung ownership nung bahay.
“A... Ca- Carlyle Diaz.” Hindi puwedeng totoong pangalan ko kasi mate-trace nila ako kung sakali.
“O sige. Tama ba yung spelling?” Pinakita niya sa akin ‘tong naka-type sa isang text message.
BINABASA MO ANG
Kidnapped (A Romance Story for Filipino Wattpadders)
RomanceAmber Conrad is a girl with a perfect life. She's an eighteen-year-old award-winning star and an heiress. Kasikatan, kayamanan, kagandahan, katalinuhan... Lahat nasa kanya na. Almost every teenage girl looks at her with envious eyes. There are times...