Amber
“Tawagan mo si Tita.” Sinabi ko kay Mr. Kidnapper. Tumingala siya at dumilat. Kinusot-kusot niya yung mga mata niya. Aba, natulog pala ang bantay ko. Kung sa bagay, gabing-gabi na kasi siya nakauwi tapos binantayan niya pa ko after namin kumain ng dinner. Wala kayang pamilya ‘to? Bakit kaya naging kidnapper ‘to? Ilang taon na kaya ‘to? Bakit ang gwapo nito? At bakit puro tanong ako? I’m so curious about him and I don’t really know why. Kidnapper lang siya and I don’t think he’s worth anything.
“Ha?” Tanong niya. Nakakaasar naman o. Hindi kasi nakikinig.
“Bakit ba hindi ka nakikinig? Sabi ko tawagan mo yung Tita ko. Kabisado ko number niya. Dun ka na lang sa kanya humingi ng ransom.” Paliwanag ko.
Nagulat siya at napasigaw. “Ha!!! Bakit di mo sinabi kaagad? Isang buong araw ka nang nandito tapos... Tsk. Tsk. Nagagwapuhan ka siguro sa ‘kin kaya nag-eenjoy ka pa at ayaw mong umalis.”
“Ang kapal ng mukha mo! Ako yung artista tapos ikaw yung feeling!!!” Sigaw ko sa kanya. Totoo namang napaka-assuming niya! Kaasar!
“O, lagay mo number ng Tita mo.” Utos niya habang inaabot sa akin yung cellphone niya. Kinuha ko yung cp niya at sinunod na lang yung sinabi niya. Free kasi yung right hand ko.
“O... Tawagan mo na.” Inabot ko na sa kanya pabalik yung phone. He dialed the number. After a couple of tries, mukhang na-reach na niya si Tita.
“Hello?” Tumingin pa siya sa akin at kumindat bago ipinagpatuloy ang pakikipag-usap. I rolled my eyes. “Hawak ko yung pamangkin mo at tumawag ako para—” Napahinto siya. Ano kayang nangyayari? Napasigaw ba si Tita? Nakinig pa siya and after a few moments sinabi niya. “Okay po.” Ha? Ano yung okay? Binaba niya na at tumingin siya sa akin na parang litung-lito. “Ano daw?” Tanong niya.
“Ha? What are you talking about?” I asked back. Bakit ang bilis ng usapan nila? Nag-agree na ba sila sa price? Wow, para talaga akong binebenta.
“Wala. Basta ano—Basta.” Sagot niya. Lalo pa akong naguluhan. Ano kaya yun? Well, I think I’ll find out pretty soon.
“So, kailan niya ko kukunin?” Tanong ko. Yun, importante talagang malaman ko.
“Bukas siguro.” He replied. Ahhh... So bukas pala, bye bye Mr. Arrogant Kidnapper na! Haha.
“Buti naman.” Sabi ko. Parehas na siguro kaming masaya ngayon.
Bigla na lang tumunog yung cp niya. Ano yun text message? Parang may binasa siyang message. Text nga. “Uy! Ano yan?”
“Cellphone. Tanga ka ba?”
“Shunga! Hindi. Yung text.”
“Ay, sorry. Shunga nga pala hindi tanga.”
“Yung text message nga! Bwisit!”
“Dito kami magkikita ng Tita mo. Dito kita dadalhin.”
Tumango na lang ako. Ahh... Ganun pala. Kaya pala ang bilis nilang nag-usap e.
Tumingin ako sa paligid ko. Anong oras na kaya? Nine pm? Siguro.
Buong araw akong halos nakaupo lang a. I’m so glad I didn’t feel the urge to go to the bathroom. Nakakahiya e. Kakaisip ko pa lang nun, naramdaman ko nang parang naiihi ako.
“Uy, I—I think I have to go to the bathroom. Naiihi na ako e.” I said, a little shyly.
Tumingin siya sa akin. “Ha? Ano ba naman yan.” Reklamo niya. Tumayo na siya at lumapit para kalagan ako. Nung natanggal na yung tali, pinatayo na niya ako at sinamahan papunta sa comfort room.
BINABASA MO ANG
Kidnapped (A Romance Story for Filipino Wattpadders)
RomanceAmber Conrad is a girl with a perfect life. She's an eighteen-year-old award-winning star and an heiress. Kasikatan, kayamanan, kagandahan, katalinuhan... Lahat nasa kanya na. Almost every teenage girl looks at her with envious eyes. There are times...