8: The Fight Continues

2.4K 21 1
                                    

Amber’s Side of the Story

“Hoy... Hoy... Gumising ka na!” The voice sounded somewhat blurry and far away. Minulat ko ang mga mata ko at tumambad sa ‘kin ang mukha ng isang lalaki. Aba, gwapo... He looks young too. Teka, gwapo man o hindi, kidnapper pa rin ‘to!

“Untie me! Pakawalan mo ko!” Sinubukan kong isigaw but my mouth is covered with a tape and the words sounded like nonsense.

“Ano yun? May sinasabi ka?” Sabi pa niya sa ‘kin. Aba, pinaglalaruan yata ako ng lalaking ‘to ah. Tiningnan ko siya ng masama. The nerve of this guy... Di ba niya alam kung sino ako?

Nagkaroon din kami ng ilang aberya. Aba, may gana pang mandiri nung tinanggal niya yung tape. Napakain pa ko ng pandesal nang di oras at gumamit ng toothbrush na parang tigsasampung piso lang yata.

Umalis siya matapos kong sabihan ng mga insulto. I don’t want to be left alone in this place! But wala ako sa posisyong mapigilan ang aroganteng lalaki. Nakakabwisit siya!

Kung alam kong mangyayari ‘to, e di sana sumama na lang ako kay Bryan. Ang ganda-ganda pa naman nung offer niya. Napaisip ako. Between him, Tristan at itong walang kwentang kumidnap sa ‘kin, sinong pinakagwapo?

Wait. I’m forgetting the urgency of the situation here. Ano nang mangyayari sa ‘kin? That guy kept on bickering about my Dad. Hindi kasi publicized ang pagkawala ni Dad. Paano na ko?

Casper’s Side of the Story

Malaking problema ‘to. Paano ko macocontact yung tatay ni Amber kung hindi niya alam yung phone number? Uy, nag-rhyme... Teka. Hindi oras para magloko ako.

Hindi ba pinapamemorize sa kanya yung mga ganon kaimportanteng bagay? Napakairesponsable naman ng parents ng babaeng ‘to. Kahit kami nga, simula pagkabata, pinapamemorize ang phone number na pwede naming tawagan pag nagkaroon ng problema. Siya, sobrang yaman na nga, di pa nag-iingat... Tssk... Tssk... Tssk...

Ay... Wala pala ako sa posisyong sitahin yon. Dahil wala siyang bantay, mas madali ko siyang nakidnap. Pero, ano nang gagawin ko?

Tiningnan ko ang oras sa phone ko. Maglulunch time na pala. Kailangan ko nang dalhan ng pagkain si Ms. Arrogant na nakatali sa poste.

Bumili lang ako sa karinderya. Aba, magtiis siya. Siya nga ‘tong kinidnap. Siya ‘tong mag-adjust...Hindi niya ko utusan.

Pagpasok ko sa shop ay nakita ko siyang nakayuko sa pagkakaupo niya. “Natutulog ba siya?” Tanong ko sa sarili. Nilagay ko ang tanghalian niya sa mesa.

Lumapit ako at tiningnan kung tulog nga ba o hindi. Maling ginawa ko yon. Pagyuko ko, bigla na lang umangat ang ulo ni Amber at nadali ang mukha ko. Grabe, ang sakit! Napatunayan kong matigas talaga ang bungo ng babaeng ‘to.

“Ano ba?! Ba’t bigla-bigla ka na lang nag-aangat ng ulo?” Tanong ko habang minamassage ang kanang bahagi ng panga ko.

“Sino bang nagsabing lumapit ka, huh? And for your information, masakit din ang pagkakabunggo ng ulo ko dyan sa matigas mong mukha!” Bwelta niya.

“Aba! May gana ka pang sumagot? Gusto mo bang gutumin kita? Akala mo di ko kaya? Kaya ko yung gawin.” Banta ko sa kanya. Tumahimik siya. Aba, mukhang gutom, kaya walang initiative na ilagay sa peligro ang tanghalian niya.

“Gusto mong kumain?” Tanong ko sa kanya.

“Later. Gusto ko muna uminom.” Sagot niya. Mali ako. Wala palang epekto. Sobrang arogante pa rin!

Kumuha ako ng isang basong tubig at inilagay sa gilid ng haligi kung saan siya nakatali. “Abutin mo kung kaya mo...” Inasar ko siya.

“Ha!” Sabi niya na parang hindi makapaniwala sa ginawa ko.

“The nerve!” Sigaw pa niya.

“Abutin mo... Kung kaya mo...” Inulit ko. Tiningnan niya ako ng masama. Tapos kinagat niya yung labi niya nang parang ineevaluate kung ano ang options niya.

Imposibleng matanggal niya yung sarili niya sa pagkakatali pero nadali ng kaseksihan niya at nagawa niyang pwersahin paalis yung kaliwang braso niya. Palibhasa talagang sexy. Pinanuod ko lang siya nang nakangiti. Magdusa ka dyan! Kung sakali mang matanggal niya yung tali sa katawan niya, madali ko naman siyang maibabalik doon.

Inabot niya yung baso ng tubig. Aba, parang maabot nga niya. “Kaya mo yan...” Pang-aasar ko pa. Inerapan niya lang ako at nagpatuloy sa pag-abot.

Ayun, naabot niya by her fingertips. Konti na lang. Kaso bigla na lang natabig nung dulo ng mga daliri niya yung baso nang may pagkamalakas. Tumagilid ito at tumapon ang tubig.

Napatingin siya sa baso with disappointment. “Ayoko na!” Sigaw niya. Pinigil ko ang tawa ko. Kahit pala ‘tong babaeng ‘to, may cute sides din. Nakakatuwa yung mukha niya nung muntik niya nang makuha yung baso.

Biglang nag-ring yung landline namin. May landline kami sa shop para sa mga customers. Kahit wala na masyadong customers, nag-insist si Tita na i-keep yun. Ginagamit niya rin kasi sa negosyo niya.

Sinagot ko na. “Hello?”

“Hello. Can I talk to Mr. Casper Blake?” Sabi ng isang boses ng babae sa kabilang linya.

“Speaking. Sino ‘to?”

“Casper Blake! Nasaan ka?”

Nasa jeep, dala ko landline namin! Medyo tanga lang, ha. “Nasa shop ako, sino ‘to?”

“Is your shop still open to customers? I mean, buhay pa ba yung shop niyo?”

Wow! Customer ba kamo? Nagpakamagalang na ko. “Yes, ma’am. Buhay na buhay pa po.” Wait, tama bang tumanggap ng order sa oras na ‘to?

“That’s good! Can we meet? Sasabihin ko sana yung details nung ipapagawa kong set ng jewelries.”

“Opo. Uh...  Pero hanggang magkano po yung balak niyong ibayad sa ‘kin?” Tanong ko. Syempre, naninigurado lang.

“Pag-uusapan natin yan. So... magkita tayo sa---” Bigla na lang may tumama sa batok ko. Sa sobrang gulat ko, nabitawan ko yung telepono. Napakasakit! Ano ba ‘to?

Lumingon ako. “Hoy!” Sinigaw ko kay Amber. Sigurado kong siya yun. Teka paano na yung telepono? Tinapat ko yun sa tenga ko. “Hello, ma’am. Andyan pa ba kayo?” Walang sumasagot. Hala nasira na yata! Sinubukan kong mag-dial ng ibang number para malaman kung sira na ba talaga. At... oo. Sirang-sira na! Tumingin ako kay Amber at sumigaw “IKAW!!!”

Kidnapped (A Romance Story for Filipino Wattpadders)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon