Pricilla
Sa wakas! Naidispatsa ko na rin ang bwiysit kong pamangkin! As soon as I saw the video, alam ko nang nagwagi na ako.
Hahaha. Nasa akin ang huling halakhak. Matagal-tagal ko na ring gustong iligpit yang Amber na yan. Hangga’t nandito siya, hindi pa rin sa akin ang BRILLIANCE at ang iba pang bahagi ng Conrad Corporations.
Lahat ng yaman, sa akin na ngayon. Sa akin at sa anak kong si Gabrielle. We deserve it. This is meant for us.
I’m Pricilla Ramirez. Sixteeen years old ako noon nang pakasalan ng Mom ko ang byudong business tycoon na si Philip Conrad. Dahil doon, I turned into Pricilla Conrad. I became SOMEBODY. I became who I deserve to be. Nawala na ang NOBODY na si Pricilla Ramirez.
Pero kahit gaano ako kagaling sa field ng business, ang stepbrother kong si David, anak ni Philip Conrad sa unang asawa, ang magmamana ng BRILLIANCE. Kahit anong gawin ko, kahit anong pagsisikap ko, kahit kailan hindi ko mababago ang katotohanang hindi ako anak ni Philip Conrad. Stepdaughter lang ako at hindi ako ang successor ng kayamanan niya.
I don’t deserve that! I deserve more! I deserve BRILLIANCE. I deserve Conrad Corporations.
Mababang position lang ang ibinigay nila sa ‘kin. The head of a design group. It’s so unfair.
Isang araw, isang talented na jewelry designer ang dumating sa BRILLIANCE. Si Giovanni Blake. Nagpasa siya sa akin ng isang design ng singsing na tinawag niyang Stellar Queen. Nagustuhan ni David, president siya noon at ng chairman, ang stepdad kong si Philip Conrad, yung pinasa niyang design.
Dahil dun, an idea hit me. I decided to claim the design. They will realize na napakatalented ko in the field of jewelry designing and they will acknowledge my skills. Ano namang laban sa akin ng hampas-lupang si Giovanni Blake?
Pero hindi ako pinaniwalaan ni Kuya David. Imposible raw na makagawa ako ng isang ganun kagandang design. Kaya ang ginawa ko, nag-emote at nagpaawa. Naaalala ko pa ang mga salitang ginamit ko noon.
“Bakit? Dahil hindi mo ako tunay na kapatid? Dahil anak lang ako ng asawa ng Dad mo ay hindi ka nagtitiwala sa skills ko? Kuya, that design is mine. That is mine. Don’t you trust me? Akala ko pa naman, tinuturing mo akong tunay na kapatid. I was wrong. I was so wrong! I love you like my real brother. I trust you because of that. Can you do that for me too, Kuya? Can you love and trust me too? Please Kuya...”
Si Kuya David, kahinaan ang pamilya kaya kahit na nagreklamo pa si Giovanni, pinaniwalaan na niya ako. Mahina kasi si Kuya. Hindi kagaya ko, masyado siyang naapektuhan ng personal matters. Hindi yun katangian ng isang tagapagmana. Hindi siya deserving.Ako ang deserving sa position niya.
Kinasuhan namin si Giovanni nung sinubukan niyang gamitin pa rin yung design. Nabalitaan kong namatay na rin siya after a few struggles. Yan ang nangyayari sa mga kumakalaban kay Pricilla Conrad. Haha.
Dahil sa laki ng sales ng Stellar Queen, napromote ako nang napromote. Dahil sa pagsisikap ko for several years at paggamit ko sa fact na asawa si Mom ng chairman, napromote ako hanggang executive director. Pero hindi pa rin yun sapat. Kailangan kong maging president.
Namatay na si Dad at iniwan niya ang seventy percent ng pag-aari niya kay Kuya David. Sa amin ni Mom ang natirang thirty percent. It’s so unfair.
Dahil nga kahinaan ni Kuya ang pamilya, nakipagsabwatan ako sa isang taong nakalaban ni Kuya sa field ng business para kidnapin ang anak niyang si Amber at humingi ng ransom na fifty million. Binalak niyang patayin si Kuya pero nakaligtas siya kahit nabaril siya. Miracle nga daw e.
Dahil sa nawalang fifty million medyo nahirapan si Kuya sa pagpapatakbo ng kompanya. May crisis kasing hinaharap ang company nun at hindi in good shape ang BRILLIANCE. Dahil doon, I took the initiative to hold illegal transactions at ipinangalan ko kay Kuya David ang lahat ng transactions. After nun, lahat ng kinita ko ay ibinigay ko kay Kuya. Pati yung portion ko dun sa fifty million na nakuha namin kay Kuya, binigay ko din sa kanya. Napakalaki ng pasasalamat ni Kuya at dahil salaki ng kinita kong pera, I got promoted. Hindi niya kasi alam na nakuha ko yun sa ilegal na paraan at dun sa perang inabot niya sa kidnapper. Naging Vice President ako nun. He’s just one step ahead of me.
Pero hindi pa ako tapos. Wala pa ako sa top. I need to get there no matter what. May binayaran akong taong maglileak ng mga documents ng illegal transactions sa media. Nasira ang pangalan ni Kuya. He tried to do everything he can to fix things up. Ako, nagmaang-maangan lang.
Pinadukot ko si Kuya at pinatapon sa Japan after nun. I can’t kill him kasi kahit papaano, I love him as a brother. Napakabait niya kasi sa akin at hindi niya man lang ako pinaghinalaang sangkot sa mga nangyari kaya pinatapon ko na lang siya at ikinulong sa Japan. Sinubukan daw niyang tumakas at namatay siya in the process of doing that. Hindi ko na kasalanan yun. It was not a part of my plans. Pero ako lang ang nakaalam dun sa mga pangyayaring yun. Ang alam ng iba, nawala lang siya. Hindi pa nga na-broadcast yung pagkawala niya dahil iniingatan pa rin siya ng board.
Hanggang sa huli, he trusted me. Naalala ko pa yung mga sinabi niya sa akin nung nilabas ko yung tungkol sa illegal transactions at tinatanong ako tungkol dito ng board of directors.
“Alam kong wala kang kinalaman dito. Kahit anong sabihin mo, maniniwala ako sayo kaya sabihin mo na sa kanila na wala kang kinalaman dito. I love and trust you. I’ll always protect you little sis.” Sinabi niya yun while smiling gently. Di ba? Napakahina niya.
Maaga pala siyang gumawa ng last will and testament in case daw na may mangyaring masama sa kanya. When Amber turns twenty-one, sa kanya na ang lahat ng pagmamay-ari ni Kuya David. Yung properties ko lang ang sa ‘kin. Pero dahil hindi pa twenty-one nun si Amber, maiiwan sa supervision ng legal guardian niya ang lahat ng pagmamay-ari niya. Nababaliw noon ang nanay niya kaya ako ang legal guardian niya. I made sure na mananatili akong legal guardian niya para sa akin pa rin ang lahat ng yaman niya. Sa paningin lang ng lahat, pinapagamot ko ang nanay niyang si Erica sa mga magagaling na doctors pero sa totoo lang, hindi ko sinusunod ang prescriptions nila. Kinausap ko yung doctor at caregiver na nag-aalaga sa kanya na palitan yung gamot niya. Yung gamot na hindi makakasama sa kanya pero hindi rin makakatulong sa kondisyon niya. Walang major effects yun sa katawan niya dahil vitamin supplements and pain killers lang yun.
Dahil sa ginawa ko, hindi gumaling si Erica for eleven long years, at wala akong balak na hayaan siyang gumaling pa. Kaso nga lang, eighteen na si Amber. Malapit na siyang mag-turn twenty-one so I have to get rid of her. Binuhay ko lang naman siya kasi anak siya ni Kuya. Ngayon, wala na akong pakialam dun. Sapat na ang eleven years na pag-spare ko ng life niya.
Dapat lang na sa akin at sa anak kong si Gabrielle mapunta ang lahat ng yaman ng mga Conrads. Para hindi madamay sa gulo dati, pinaalagaan ko si Gabrielle sa Daddy niyang si Mike Esguerra sa isang bukod na bahay. When she turned sixteen, pinadala ko siya sa States at doon na pinag-aral. Yung Dad niya, sumama sa ibang babae at naglaho kung saan. Hay, naku. I don't care about him anymore. I’ll be happy as long as I have BRILLIANCE, Conrad Corporations and my daughter. Pabalik na si Gabrielle sa bansa ngayong naayos ko na ang lahat at wala ng gulo.
At ngayong patay na nga si Amber, sa akin na ang lahat! Ang lahat-lahat! Hahaha! Everything is mine now, and it’s all thanks to you, my dear Amber...
BINABASA MO ANG
Kidnapped (A Romance Story for Filipino Wattpadders)
RomanceAmber Conrad is a girl with a perfect life. She's an eighteen-year-old award-winning star and an heiress. Kasikatan, kayamanan, kagandahan, katalinuhan... Lahat nasa kanya na. Almost every teenage girl looks at her with envious eyes. There are times...