Jairus
"Kuya..." Nakaupo ako ngayon sa tabi ng hospital bed ni Kuya. Isang araw na siyang gising ngayon.
"O. 'Wag kang iiyak a." Biro niya.
"Anong iiyak? Di ako iiyak no. Baka ikaw pa nga 'tong umiyak e..." Sagot ko naman.
Naalala ko kasi na pinrotektahan ako ni Kuya nung nangyari yung aksidente kaya hindi naging life-threatening yung kondisyon ko. Akala ko talaga non, mamamatay na si Kuya.
"Tsaka, alam kong di ka mamamatay nang ganon lang." Dagdag ko pa. "Masamang damo ka kasi e."
"Anong masamang damo... Ikaw bata ka—" Sinubukan akong abutin ni Kuya pero umilag ako. Isa pa, hindi pa kaya siya makakilos ng maayos. Kung gusto niya kong sapakin, maghintay muna siya. Ang sabi ng doktor, imomonitor muna daw nila yung kondisyon ni Kuya bago mag-decide kung ngayon linggo o sa susunod na linggo siya magsisimula ng rehabilitation.
Pakonti na ng pakonti yung mga problema namin. O siguro inakala ko lang.
Nakita ko kasi si Ate Amber at Tita Myrna na nag-uusap.
"Ito yung mga bayarin natin dito sa ospital sa nakaraang dalawang buwan." Sabi ni Tita, tapos iniabot niya kay Ate Amber yung papel.
Sa itsura ni Ate, mukhang talagang malaki yung kailangang bayaran.
"Pasensya na po, Tita." Buntong-hininga ni Ate. "Kung wala ako dito, this wouldn't have happened."
"Hija, sinabi ko na sa 'yo, at sasabihin ko ulit, hindi mo kasalanan. Kasalanan ng mga taong walang pagkakuntento sa kung anong meron sila." Sagot ni Tita.
"When I was still rich, this amount of money is something extremely trivial. Napakaliit lang. But now, I realized how difficult it is to earn money and to keep money." Sabi ni Ate habang nakatingin dun sa papel.
"Ang pera, dadating at mawawala. 'Wag kang mag-alala at magagawan din natin 'to ng paraan." Sinabi ni Tita habang hinahawakan yung balikat ni Ate Amber.
Tapos, umalis na si Tita. Si Ate naman, naupo lang sa isang tabi habang tinititigan yung hospital bill. "Where will we get this amount of money?" Bulong niya.
Wala naman akong magagawa para makatulong.
Simula nang makilala ko si Ate, ilang daang beses kong hiniling na sana magkasing-edad kami. Kung hindi ako isang high school student, kung kasing-edad ko si Kuya at may kakayahan akong kumita ng pera, mas makakatulong sana ako kay Ate Amber. Pero alam ko naman, puro 'kung' lang yon lahat. Imposible namang tumanda ako overnight.
Ang kaya ko lang gawin, huwag magpabigat sa kanila.
Bryan
I heard the news that Casper finally woke up. I never made contact with Amber for the last two months because she asked me that favor. Pero ngayon, pwede na kong makipagkita ulit kay Amber. It's been so long and I've been missing her too much.
I showered and selected my best casual outfit from my closet. Patapos na kong magbihis when someone knocked on my door.
"Sir, si Diether po 'to." He called from behind the door.
"Pasok." I said.
"Sir, pupunta po kayo ng hospital ngayon?" Diether asked.
"Of course." I smiled.
"Nang walang dala?" He added.
"Anong dala?" I asked back.
"Sir naman, ospital po yung pupuntahan niyo, hindi party." Sabi niya sa 'kin habang nakatingin sa suot ko.
BINABASA MO ANG
Kidnapped (A Romance Story for Filipino Wattpadders)
RomanceAmber Conrad is a girl with a perfect life. She's an eighteen-year-old award-winning star and an heiress. Kasikatan, kayamanan, kagandahan, katalinuhan... Lahat nasa kanya na. Almost every teenage girl looks at her with envious eyes. There are times...