98: Total Boredom

281 7 2
                                    

Jade

Ngayong araw, nag-arrange ng meeting yung pulis na in charge sa investigation ng aksidente ni Kuya at Jairus. Dapat nga, kahapon pa, pero kakagising lang ni Jairus at shocked pa siya kaya sinabi ng doctor na ipagpabukas na.

Hinatidan si Jairus ng pagkain ni Ate. Ako naman lumabas sandali para bilihan ng maiinom yung mga pulis.

Pabalik na ko ng kwarto nang bigla na lang may narinig akong nabasag sa loob ng kwarto ni Jairus. Pumasok ako agad para malaman kung anong nangyayari.

"Labas!" Sigaw ni Jairus. Nakita kong may basag na plato at platito sa sahig. Tinulak ni Jairus palayo yung pagkain na hinain sa kanya ni Ate.

"Labas sabi!" Sigaw ulit ni Jairus. Kinuha niya yung baso sa may sidetable niya at hinagis sa pinto.

"Jairus." Di makapaniwalang sabi ni Ate Amber.

Pumasok yung mga nurse sa loob at kinausap kaming lahat na lumabas.

Gulat kaming lahat na lumabas sa kwarto. "Pasensya na po." Malamya kong sabi sa mga pulis.

"Sorry po." Sinabi naman ni Ate Amber. "Masyado pa po yatang maaga. Hindi pa po gustong makipag-usap ni Jairus about the accident."

"Naiiintindihan po namin. Hindi naman first time nangyari 'to sa amin kaya ayos lang. Ang concern lang po namin, para mas mabilis ang imbestigasyon, kailangan naming makausap si Jairus. Siya lang ang nag-iisang eye witness." Sagot nung pulis.

"Kakausapin po namin siya." Sabi ni Ate.

Hinawakan ni Ate yung kamay ko. Naramdaman kong nanginginig yung kamay niya. Ngayon lang niyang nakitang ganon si Jairus. Ako, nakita ko na siyang magrebelde pero hindi ganito kalala.

Naghintay muna kami na lumabas yung mga nurse. Nung lumabas na sila, sinabihan nila kami na mas mabuti kung huwag muna istorbohin si Jairus. Binilin din ni Jairus na huwag magpapapasok ng kahit sino sa kwarto.

Hindi ko mapigilang maawa kay Ate Amber. Hindi naman niya kasalanan pero kailangan niyang mag-suffer ng ganito. Nawala na lahat yung feelings ko ng paninisi kay Ate dahil kita ko naman yung paghihirap niya. Ang may kasalanan, yung mga taong di makuntento sa sarili nila ng buhay at kailangan pang agawin yung buhay ng iba.

Hindi ko tuloy mapigilang isipin. Sinisisi ba ni Jairus si Ate? Napaka-close nilang dalawa. Hindi aarte ng ganon si Jairus ng walang dahilan.

Wala na lang akong magawa kundi titigan yung pintuan ng hospital room ni Jairus.

Alam kong lahat tayo nahihirapan, pero Jairus, 'wag kang ganyan. Ngayon namin kailangan yung personality mong nagpapagaan ng lahat ng sitwasyon. Ngayon namin kailangan yung mga kagaguhan at kalokohang ginagawa mo dati.

Bumalik ka na sana sa dati, Jairus. Para kahit papano, mabawasan 'tong mga bagay na hinaharap natin ngayon.

Amber

Tristan hasn't called for almost two weeks. Siguro busy siya. He just started a new project and he's been keeping an eye on Mom. He told me that he will call me para makibalita tungkol kay Casper. Siguro nakalimutan niya kasi masyado siyang maraming ginagawa.

I looked at Casper. "Hoy, ikaw. Gumisig ka kaagad a. Siniswerte ka naman yata. Ako, nagpapakahirap dito tapos ikaw patulog-tulog lang. You're so unfair." I joked.

I smiled as I take the hand cream out of my purse. Nilagyan ko yung kamay niya and I started to massage it. "Sabi ng doctor, kapag bagong gising daw sa coma mahihirapang gumalaw yung patient. He also said that it's advisable to give massages to the patient while he's still in a coma. Mas mabilis daw ang improvement once nag-start na siya ng rehab." Paliwanag ko.

Kidnapped (A Romance Story for Filipino Wattpadders)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon