Amber
What? Ano ba ‘tong pinagsasabi ni Mr. Kidnapper? Ineexplain niya sa akin ngayon na pinapapatay daw ako ni Tita. And he expects me to believe him? Ha!
At saan naman siya pupunta ngayon? Tumatayo kasi siya at parang papunta sa pinto.
“Hey! Where do you think you are going?” I snapped at him.
“Kailangan ko na munang umalis. Marami pa akong kailangang i-explain sa bahay kasi... Bahala na. Hindi ko na kailangang ipaliwanag sayo kasi hindi mo naman maiintindihan.” Sagot niya. After niyang sabihin yun ay naglakad na siya paalis.
Anong hindi maiintindihan? I’m not stupid. “Don’t go.”
“Ha?”
“Stay. Please stay.” Kailangan ko ng makakasama ngayon. Grabe na kasi yung mga pangyayari.
“May kailangan pa nga akong gawin. Ay, teka...” Lumapit siya sa akin at pinosasan ako. I rolled my eyes. Para namang kaya kong putulin yung kadena. “O, ayan. Wala ka nang takas.” Dagdag pa niya.
“Wait. Sabi ko huwag ka munang umalis. Ba’t di mo maintindihan? Tanga ka ba?”
Huminto siya bigla at tumingin sa akin. “Bakit?” Tanong niya.
“Ano ba! Hindi ‘to pick-up line. Seryoso ako.”
“Bakit ba ayaw mo akong umalis?” Tanong niya ulit.
“I need someone to talk to right now. Ikaw ba naman, malaman mong pinapapatay ka ng Tita mo, will you be alright?”
“Teka, naniniwala ka?” Nagulat siya sa sinabi ko.
“Hindi naman sa ganun pero... Naguguluhan kasi ako. Please don’t leave me alone Mr. Kidnapper.” Ang desperada ko para makahanap ng kausap. Pati kriminal, pinakikiusapan ko.
“O sige.” Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko. “Mag-usap tayo.”
Tumango ako. I really, really, really need someone to talk to and I don’t have a choice. Kung nandito lang sana si Tristan, magbibiro lang yun at mang-aasar, magiging okay na ang lahat kahit sandali lang.
“A... Sige, I’ll start. Bakit mo ako kinidnap?”
“Para sa pera.”
Walang deeper reason? “E bakit ako? Marami namang ibang mayaman diyan. Bakit ako pa yung kinidnap mo?”
“Kasi... Mahabang kuwento.” Ang tipid talagang sumagot!
“Mahabang kuwento? Please elaborate.” Naku-curious tuloy ako.
“Ano ‘to recitation?”
“Bahala ka na nga! Kung ayaw mo sabihin e di wag.” I rolled my eyes at him.
“E ikaw. Alam mo ba kung nasaan yung tatay mo? Nakakapagtaka kasi na Tita mo lang ang nag-aasikaso ng lahat. Ni hindi ba manlang nagtanong yung tatay mo sa Tita mo?”
“Mahabang kuwento.”
“A... Bahala ka kung ayaw mo ring sabihin. Iba na lang itatanong ko.” Nag-isip siya sandali. “Bakit hindi ka natatakot sa akin? Kidnapper kaya ako. Bakit ang tapang mo pa rin?” He finally asked.
“Kasi... Mahabang kuwento.”
“Ano ba yan! Puro mahabang kuwento na lang a!”
“You started it!”
“Wala bang summary yan?”
I sighed. “Sige na nga. Kasi, nung first time kong makidnap, I was seven nun, I got so scared. Kasi nga first time at kung anu-ano ang iniisip ko. Nagworry ako kung papatayin nila ko or sasaktan. Pero hindi yun yung last and nung kinidnap ulit ako, I was nine siguro nun, medyo natakot pa rin ako until dumating yung third time and so on, and... hindi na ko natakot. Parang nasanay na lang yata ako kasi, alam ko namang hindi nila ako papatayin. Alam kong ransom lang yung habol nila kaya sayang lang yung pagod ko kapag natakot pa ako ulit.”
BINABASA MO ANG
Kidnapped (A Romance Story for Filipino Wattpadders)
रोमांसAmber Conrad is a girl with a perfect life. She's an eighteen-year-old award-winning star and an heiress. Kasikatan, kayamanan, kagandahan, katalinuhan... Lahat nasa kanya na. Almost every teenage girl looks at her with envious eyes. There are times...