83: Stampede of Crazy Bitches

857 17 16
                                    

Casper

Nasan na kaya si Amber? Anong oras na a... Wala pa rin siya.

"Alam mo ba kung san siya pumunta?" Tinanong ko si Jairus.

"Hindi e." Sagot niya.

Grabe talaga yung babaeng yun. Napaka-gala. Kinuwento sa 'kin ni Jairus na may mga galos daw yung mga binti niya. Injured na nga, kaya pang gumala. Hay... Ibang klase talaga siya.

Pumunta ko sa kusina para magluto na ng hapunan. Matatapos na sana ko sa pagbabalat ng patatas nang bigla akong mapatigil. Naalala ko kasi yung pinag-usapan namin ni Gabby kanina pagkatapos ng contract-signing.

"I have to talk to you about something. Something really important." Sinabi niya sa 'kin.

Tinanong ko siya kung tungkol saan at sumagot naman siya ng: "About Amber."

Sa sobrang katangahan ko at dahil mas sanay ako na tawagin si Amber sa totoo niyang pangalan kaysa sa Amy, hindi ko napansin yung tanong niya. Napasagot tuloy ako ng: "O, anong tungkol kay Amber?"

Grabe, kinabahan talaga ko nun. Akala ko alam na ni Gabby ang tungkol kay Amber. May kung ano dun sa ngiti niya kanina e.

Nakahinga na ko ng maluwag nung sumagot na siya. "Well, since I'm going to be the new face of BRILLIANCE, dapat marami akong alam tungkol kay Amber Conrad. Siya yung dating face of BRILLIANCE e. I think I have to do a little research about her para malaman ko kung pano ba dapat kumilos ang nag-pe-present ng company." Sabi niya.

"Ganun ba?" Sinabi ko.

"I know little about her kasi, even though we're cousins. I grew up with my Dad, remember? So I haven't really met her. At kung na-meet ko man siya, I must have been really, really young back then 'cause I can't remember a thing. Nung nasa peak naman siya ng fame, nasa States ako." Paliwanag niya.

Sinabi ko sa kanya na next time na lang namin yun pag-usapan at pumayag naman siya. Sa sobrang kaba ko nga, dumiretso kaagad ako sa bahay at hinanap si Amber para sabihin sa kanya yung nangyari. Kaso nga lang, nung nakauwi na ko, wala naman siya sa bahay.

Hay... San na naman kaya pumunta yun? Teka... Hindi kaya pumunta na naman siya sa mokong na Jeremy na yun?

Ilang beses ko ba siyang kailangang pagbawalan? Lagi na lang siyang bumabalik sa nakakaasar na mokong na yun.

Wala na kong ibang maisip na pwede niyang puntahan e. Kung wala siya dun sa
Jeremy na yun, baka kasama niya si Tristan. Teka, medyo imposible yun. Hindi naman ganun katanga si Amber para sumama kay Tristan Vaughn. Alam naman niya kung gaano kadelikado e. Baka may makakita sa kanila at makilala siya. E di tapos ang disguise niya.

Tama. Hindi nga ganun katanga si Amber. Gala nga siya pero hindi naman siya bobo. So ibig sabihin, kasama nga niya si Jeremy. Hay, naku. Kapag nalaman ko na pumunta nga siya sa bahay ni Jeremy, lagot talaga siya sa 'kin.

"Hoy, Kuya! Nilagang baboy yung iluluto mo hindi mashed potatoes." Biglang sumigaw si Jairus.

"Ano?" Tanong ko.

"Tingnan mo nga yang patatas na hawak mo. Tinadtad mo na." Sagot niya.

Tumingin ako sa chopping board at nakitang natadtad na nga yung patatas. Sa sobrang galit ko dun sa Jeremy na yun, nadamay pa tuloy yung patatas. Hay, kasalanan 'to ng mokong na yun e.

"Malala ba yung mga sugat ni Amber?" Tanong ko.

"Hindi naman. Puro galos lang naman e." Sinabi niya habang hinuhugasan yung repolyo. "Pero marami. Halos buong binti nga niya yung nagalusan. Nagreklamo nga siya na baka magkapeklat siya." Dagdag niya.

Kidnapped (A Romance Story for Filipino Wattpadders)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon