2: David Conrad

4.8K 34 0
                                    

Casper

    

"Hay naku Casper, kailan ka ba titigil?" Umalingawngaw na naman ang boses ni Tita Myrna sa buong bahay. Hay, naku. Ito na naman tayo.

"Tita, alam niyo namang ito na lang ang natitira sa akin na talagang akin. Bakit ko naman 'to igi-give up ha?" Sinimulan ko na naman ang explanation na matagal ko nang rine-recite. "Pamana 'to sa 'kin ni Tatay. Simpleng negosyo na nga lang 'to, hindi ko pa ba itutuloy?" dagdag ko pa nga.

"Ewan ko sayo, bata ka! Bahala ka na nga. Lugi na nga e lulugiin mo pa! Basta 'wag mong sasabihing hindi kita binalaan," sinabi ni Tita habang umiiling pa ang ulo. "Tsk, tsk, tsk. Sayang lang ang pagod mo dyan."

Umalis na siya pagkatapos sabihin yung huling linya niya. Puro pangdi-discourage talaga 'tong dala ni Tita. Haayy..... Buti na lang umalis na siya. Pumasok na ko ulit sa loob ng shop at sinimulan nang maglinis. Isa lang 'tong maliit na shop na iniwan sa 'kin ni Tatay. Dati, malagong negosyo 'to. Dati, walang makakapagsabing ikakalugi ko lang ang pagpapatuloy nito. Dati, pati mayayaman, customer namin. Pero gaya nga ng sabi ko, DATI yun. Dati bago dumating yung David Conrad na yun at sinira ang lahat ng pinaghirapan ng pamilya ko.

Bago ko ipaliwanag ang lahat, ako nga pala si Casper Blake. Simpleng mamamayan lang ako. Nineteen years old, bread winner ng pamilya... Yung tipong life story na makikita mo kung san-san. Namatay na yung nanay ko nung bata pa ako. Naaksidente ang family van naming sinasakyan nila ni Tatay papunta sa isang special customer. Si Tatay lang ang nakaligtas. Siguro nasa six o seven years old ako nung mangyari yun.

Well, yung negosyong kanina ko pa binabanggit ay isang pagawaan ng alahas. Nagde-design at gumagawa ang pamilya namin ng mga alahas. Naglilinis at nag-aayos din sila ng alahas. Kahit sa maliit lang nagsimula ang negosyo namin, talagang lumago pa rin. Pati mayayaman nagustuhan ang mga design ng jewelries na ginagawa nila. Sumikat yung shop namin at malaki ang kinitang pera dito ni Tatay.

Isang araw, nung nine years old ako, yung sikat na kompanyang BRILLIANCE na pagmamay-ari ni David Conrad, inalok siya na magtrabaho sa kanila bilang jewelry designer. Aba, sinong tatanggi ha? Mismong yung may-ari ng kompanya ang nag-alok ng trabaho sa kanya. Akala niya big break niya na yun e.

So ayun, big break nga yung nangyari. Malaking pagkawasak! Gumawa kasi si Tatay ng design ng isang singsing. Pinangalanan niyang 'Stellar Queen' at pinasa sa head nila. Nagustuhan nung presidente yung design, kaso nga lang iba ang nag-claim ng design niya. Yung head ng design group nila, sinabing kanya daw yung design. Syempre umangal si Tatay. Alam niyang kanya yun kaya ipinaglaban niya. Sa bandang huli, yung head pa rin nila ang pinaniwalaan. Nagresign siya dahil sa sobrang pagkadismaya. Naisip niyang kung nagustuhan ng presidente yung ginawa niya, paano pa ng mga ordinaryong tao?

Gumawa siya ng mga singsing at nakabenta kami ng marami. Maraming mayamang nagustuhan yung product namin kaya sumipa ng mataas yung sales. Yun pala, panandalian lang yung swerte. Kinasuhan nung kompanya si Tatay dahil kinopya niya daw ang design ng product nila. Binalik ng maraming customers yung mga singsing na binili nila. Walang magawa si Tatay, kasi may warranty. Nasira yung pangalan nung shop at na-bankrupt pa kami. At hindi lang yun ang nawala naming pera, malaki-laki rin ang pinampiyansa sa kanya.

Pagkatapos nun, nagkasakit si Tatay. Mahina ang puso niya simula pagkabata at dahil sa mga pangyayari, inatake siya. Yung natira naming pera ay ginamit sa pagpapagamot niya pero sa bandang huli, namatay pa rin siya. Kaya kami ng mga kapatid ko, si Jade at Jairus, naiwang walang pera at walang tatay. Sa tulong ni Tita Myrna, ng scholarship ko at ng tatlo kong part time jobs, nakapagtapos ako ng kolehiyo at napag-aral ko sila. Ngayon, third year high school na si Jairus at first year college na si Jade. Kahit mahirap, pinipilit kong mapag-aral sila. Tinutulungan din naman ako ni Tita Myrna e. Siya lang kasi ang nag-iisang kapatid ni Tatay.

Yung negosyo, hindi na gaya ng dati. Wala na nga raw pag-asang bumalik pa sa dati e. Wala na kaming perang pambili ng materials na panggawa ng alahas. Wala rin kaming ipapasahod sa mga manggagawa. Maglinis na lang ng alahas ang kaya ko at ng shop na 'to.

Dapat nga sigurong isuko ko na 'tong shop, no? Pero ito na lang kasi ang bagay na natitirang akin e. Yung bahay namin dati, wala na. Nangungupahan na lang kami ngayon. Yung family van at yung sasakyan naming pangnegosyo wala na rin, binenta na kasabay nung bahay. Yung shop at lupang pinagtatayuan na lang nito ang natitira, ibebenta ko pa? Naku, 'wag na. Kung sakaling may mangyari sakin e di may matitira pa rin sa mga kapatid ko.

Sa ngayon, part time jobs pa lang ang meron ako kasi mahirap humanap ng trabahong tumatanggap ng fresh graduates. Industrial design ang tinapos ko at karamihan ng pinag-apply-yan kong kompanya, may requirement na at least five years na experience. Tapos hindi pa kilala yung college kung san ako gumraduate. Bakit ba kasi talamak ang discrimination sa alma mater dito sa Pinas? Ngayon tuloy, bukod sa shop, nagtatrabaho ako sa isang cafe bilang barista tuwing umaga at sa isang hotel bilang receptionist sa gabi. Tuwing weekends, salesman din ako sa mall, sa home appliances department.

Buti na lang gwapo ako. Hindi ako nagbibiro. Hindi rin ako nagyayabang. I am and I know that I am good-looking. O, english yun ha! Dinudumog nga ko sa mga trabaho ko. Except na lang dun sa job ko bilang hotel receptionist syempre. Pero totoo ngang gwapo ako. Marami ngang nagsasabi na dapat nag-artista daw ako.

Oh, ayan ang buhay ko. Minsan tuwing naiisip ko ang mga kamalasan ng pamilya namin, hinihiling ko na sana talaga malugi na ang BRILLIANCE, o kaya makaganti ako sa David Conrad na yan. Pero sa ngayon, tingin ko okay na sakin na magkaroon na lang ng maayos na buhay. Haayyy.....

Pagkatapos ng buntong hininga ko, napatingin ako sa TV. The Buzz yung palabas at may ini-interview silang artista. Lumapit ako. Ahhh... Si Amber Conrad pala 'to. Anak daw yan ni David Conrad at heredera ng BRILLIANCE.  Kita niyo na? Sikat na nga at maganda, mayaman pa. May mga tao talagang sadyang ipinanganak na swerte, mga 'born to be lucky'. Ako, I am 'lucky to be born.' Hindi kagaya nila Amber Conrad na namomroblema kung paano gagastusin ang pera nila, namomroblema ko kung paano magkakapera.

Wait. Parang may naiisip akong magandang idea... Tama! Tama nga, bakit hindi? Sa ganung paraan kikita ako ng pera at makakaganti kay Mr. Conrad. Hahaha. Sa tingin ko, after one week, magbabago na ang ikot ng mundo ko. Tumingin ako ulit sa screen ng TV at sa mukha ni Amber Conrad. Ngumiti ako sa kanya at sinabing, "Sa pamamagitan mo."



Kidnapped (A Romance Story for Filipino Wattpadders)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon