122: Casper's Girlfriend

231 7 4
                                    

Casper

Hindi ko na sinundan si Amber at bumalik na lang ako sa bahay. Nasisiraan na naman yata ng ulo yung babaeng yun e. Kung anu-anong sinasabi na hindi ko maintindihan. Ano daw? Nagseselos daw siya? Kay Gabby? Tama nga ba yung pagkakarinig ko? Sa tono ng pananalita niya, para naman siyang seryoso...

Ay bahala na... Malaki naman na si Amber, at kina Kristie lang naman daw siya pupunta. Hindi naman kalayuan yung bahay. Hindi ko kailangang mag-alala nang sobra.

Pagkauwi ko, si Jairus agad ang sumalubong sa 'kin. "O, Kuya. Ba't nag-iisa ka? Si Ate, nasan?"

"Matutulog daw kina Kristie." Sagot ko.

"I guess she hate me that much, huh..." Sabi ni Gabby sa likod ni Jairus.

"Hindi 'yon ganon. 'Wag kang mag-alala... Medyo tinotopak lang. Hindi naman first time nangyari. Minsan talaga trip lang niyang mag-walk out." Sagot ko.

Hindi na nagsalita si Gabby. "I'm going to wash up, Cas. Can I borrow a towel?" Tanong niya.

"A. Merong extra dyan sa cabinet sa kuwarto ni Amber at Jade." Sabi ko habang tinuturo yung kwarto. Pumasok siya sa kwarto, lumabas na may hawak na light pink na towel, (lagot, kay Amber 'yon) at dumiretso sa bathroom. Pipigilan ko sana siya para sabihing ibang towel na lang yung gamitin niya pero naisip kong 'wag na lang. Maarte si Amber pero hindi naman siya magwawala dahil lang pinagamit ko yung towel niya kay Gabby, di ba?

"Magwawala si Ate Amber kapag nalaman niyang pinagamit mo yung towel niya kay Ate Gabby..." Sabi bigla ni Jai sa likod ko.

"Ay, takte. Ano ba, para kang multo kung sumulpot..." Pagalit ko sa kanya. Nakakagulat yon a. "Hindi yon magwawala..." Dagdag ko para sagutin yung sinabi niya.

"Magwawala yon. Pustahan pa tayo." Sagot ni Jairus. Papunta na siya sa dinner table nang lumingon ulit siya para sabihin, "Alam mo ba kung bakit nagagalit sa 'yo lagi si Ate Amber kapag kasama mo si Ate Gabby?"

"Hindi nga e. Bakit? Bakit nga siya nagagalit? Pano ko malalaman kung walang nag-eexplain sa 'kin?" Nabubwiysit kong sagot.

Nagbuntong-hininga lang ang gago at pumunta na sa dinner table.

Sinundan ko siya at umupo sa kabilang upuan.

"Bakit nga kasi?" Tanong ko ulit.

Kinuha ni Jairus yung pitsel at diretso dun uminom ng tubig.

"Gumamit ka nga ng baso..." Sabi ko.

"Sasabihin ko sa 'yo kung ipa-promise mo na itataas mo yung allowance ko 'pag pwede na ko makabalik sa school..." Nakangiti niyang sagot.

Ang negosyante kong kapatid, humihingi na naman ng kapalit...

"Five percent." Sagot ko.

"Fifteen percent." Sabi niya.

"Ten percent, huling tawad." Hirit ko.

"Twelve percent. Kasing dami ng tax ng Pinas, di na pwede tumawad." Sagot naman niya.

"Deal." Sabi ko. Nakipag-hand shake siya sa 'kin.

"Ano nga?" Tanong ko ulit. Nauubos na pasensya ko e. Kumuha ako ng mug at nagsimulang magtimpla ng kape.

"Ang dahilan, kasi naman, tuwing nandito si Ate Gabby, inuuna mo siya." Sabi ni Jairus.

"Panong inuuna? Wala akong inuuna no." Pagtanggi ko naman. Totoo a. Wala akong ipina-priority. Mas problemado lang si Gabby ngayon kaya ayoko sanang dagdagan pa kung ano mang pinoproblema niya.

"Ah, ganon ba? Teka nga lang... Iba ata yung pagkaka-alala ko e... Nung minsang nag-away si Ate Amber at Ate Gabby, sino nga uling kinampihan mo? Ah, si Ate Gabby..." Sabi ni Jairus na sarcastic ang boses. "Tapos tuwing nag-aaway kayo ni Ate Amber tungkol kay Ate Gabby, sino ulit ang pinagtatanggol mo? Ah, si Ate Gabby nga pala..." Sinimulan na niya na magbilang sa mga daliri ng kanang kamay niya. "Tapos nung bigla na lang tumawag si Ate Gabby habang problemado, iniwan mo sa bahay si Ate Amber, so sino yung pinili mo? Ah, si Ate Gabby ulit." Sabi niya.

Kidnapped (A Romance Story for Filipino Wattpadders)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon