Tristan
"Amber? Amber, where are you?" Yan na lang ang naisigaw ko nang ma-realized kong nawawala na yung date ko. Nasaan na kaya si Amber? Parang kumuha lang siya ng drink kanina a. Nakita ko pa nga siyang kausap si Bryan Kent. Bryan Kent, Bryan Kent! Nakakaasar, ako yung date niya tapos-Well, it's only normal to communicate with other stars. Nonsense yung mga iniisip ko. Maybe I'm just a little tipsy. Yeah, that should be it. I'm tipsy.
Nasa labas ako ngayon, nag-iikot at naghahanap. Hinanap ko na siya sa pool at sa garden kanina pero wala siya dun sa mga lugar na yun. If it wasn't for my stupid, die-hard ex-girlfriend, we won't get separated from each other. Si Tara kasi!
Delikado pa namang maiwan siyang mag-isa. She's a big star and an heiress. Nasaan na ba yung mga body guards niya? Yung mga P.A. niya? Kapag may nangyaring masama kay Amber, lagot talaga sila!I have to stop thinking at hanapin na lang siya. Bigla na lang nakita kong tumatakbo papunta sa 'kin si Bryan Kent. Oh, great. Bryan Kent...
Bryan
Another party. Another four hours wasted. Kung pwede lang na di pumunta... But lately, okay na sa 'kin. Amber is here anyway. Tumingin ako sa paligid ko. Well, in here somewhere. I just have to look for her. Naglibot-libot ako at nakita ko na siya. Red dress, red necklace, red heels. My sweet lady in red.
Lumakad ako papunta sa kanya. Nakita ko na medyo awkward ang situation niya. Caught in between Tara and Tristan. Nakita ko na hawak-hawak ni Tristan yung braso ni Amber. The nerve of that guy... Who does he think he's holding?
Nilapitan ko sila. Napalingon si Amber and our eyes met. Just the motivation that I needed. Nilapitan ko siya.
"Magulo na dito. Want to run away with me?" Tanong ko sa kanya, mustering my most brilliant smile.
"I can run away by myself. Thanks for asking." Sagot niya sa 'kin.
Oops... Wrong move... Ayaw nga pala niya ang sinasabihan ng mga ganitong bagay.
I watched her go away at napabuntong-hininga na lang ako. Why do you need to be so difficult, Amber? I just stared at her wonderful figure getting farther away from me.
Kaso may napansin ako. Bakit parang may sumusunod sa kanya? Oh, right. Artista at heredera.
Nasaan na yung mga body guards niya? Don't tell me na sila ang nag-eenjoy dito sa party at pinabayaan nilang mag-isa si Amber?
I decided to watch her a bit. Just in case. A few moments later, nawala siya sa paningin ko. Yung mga lalaki, patingin-tingin sa paligid. Parang nawala rin sa paningin nila si Amber. That's good. Hinanap ko siya.
Thank God, she's safe. Yun ang inisip ko nang makita ko ang figure niya sa labas ng party venue... At yun din ang iniisip ko when I saw a man in black grab her at parang may tinutok pa sa tagiliran niya.
I ran. Sa tanang buhay ko, hindi ako tumakbo ng ganon. Pero, a van stopped in front of them. Gray at luma. Pinasok doon si Amber and it sped away. I took the initiative na kunin yung number ng plaka nung sasakyan.
I have to get help! Fast! The parking lot is all the way to the other side of the entrance. I can't possibly get my car from there at maabutan pa yung van...
Ba't ba walang guard dito sa labas? Puro sa loob! Ano? Mas mahalaga makiparty at makakita ng artista kaysa sa trabaho? Sobrang inis ko talaga at kumakabog na yung dibdib ko.
Every second dwindling means danger to my lady in red. Pumasok ako sa loob at ang unang-unang mukhang nakita ko ay kay Tristan. Okay na 'to, kaysa wala!
"Tristan!" Sigaw ko. Lumapit siya nang parang napipilitan lang.
"Anong problema mo?" Tanong niya, mukhang nabubwisit.
Binulungan ko siya. "I don't want to cause a ruckus. Kaya wag kang magulo. My lady in red..." Napahinto ako. "I mean, Amber... Nakita ko siyang pinasok sa van ng lalaking nakaitim. I wasn't able to make it in time. We have to do something!" Sabi ko sa kanya.
Nanlaki ang mga mata ni Tristan. Walang tanong-tanong, humanap kami ng masasabihan. Para walang kaguluhan sa party, pinatawag ang mga guard sa isang kuwarto.
"Amber has been kidnapped!" Sigaw ni Tristan sa mga mukha nila the minute they assembled. "Ano bang mga pinaggagagawa niyo?!" Tanong niya.
"Man... Stop. You're making things worse. Di nito matutulungan si Amber." Sabi ko sa kanya.
Tumawag sila ng mga pulis at ibinigay ko sa kanila yung plate number. Matapos ang ilang tanong, iniwan nila kami sa kwarto.
Inside a room with Tristan Vaughn... Wala nang mas awkward kaysa dito.
"Ikaw kasi. Ba't wala kang ginawa?" Sabi sa 'kin ni Tristan.
"Ha!" Sabi ko sa tonong di makapaniwala. "Hinabol ko yung kidnapper. Hinabol! At nakuha ko yung plate number. E ikaw, anong ginawa mo, huh?" Sagot ko sa kanya. Hindi siya makasagot.
"Well..." Sabi niya. "If I were there, I will be able to do much more than you." Bwelta niya.
"If you were there... And you weren't, kaya wag kang magsalita dyan na parang girlfriend mo si Amber." Sabi ko sa kanya.
"She isn't. And she ain't yours either. May pa-'my lady-lady in red' ka pa dyan? Who do you think you are?" Sigaw niya sa 'kin.
"Aba, anong pake mo? Ikaw nga 'tong naghahatak kay Amber sa mga walang kwentang bagay! Imbis na idamay mo siya e gawan mo na lang ng paraan yung eskandalosa mong ex-girlfriend!" Sigaw ko sa kanya.
We got interrupted nang may pumasok sa kwarto. "O, ano?" Tanong namin. "We're working on it, sir." Sagot ng security guard. "Well, you better be." Sagot ni Tristan.
We waited until morning. They said they did their best, but the culprit and my beloved were nowhere to be found.
"So ano? Paano na si Amber?" Reklamo ko.
"Sir. Hindi kami titigil hangga't hindi siya nahahanap. Kung pwede lang po, pakiusap lang namin sa inyo na huwag niyo pong hahayaang mag-leak ang nangyari." Sabi ng police officer.
"Di niyo na kailangang sabihin yan. We intend to keep everything secret for the sake of Amber." Sagot ko sa kanya.
Umuwi ako nang malalim ang iniisip. "Please... Be safe, Amber..." I whispered to myself.
Pricilla
"Mga tanga! Worthless!" Sigaw ko sa mga walang kwentang nasa harapan ko. "Ang sabi ko, kidnappin yung magandang babaeng may suot nung pulang necklace, di ba? Ganon ba kahirap gawin yon, huh?" Sabi ko sa kanila. "At di lang yon, naunahan pa kayo ng ibang kidnapper... Kung alam ko lang na mas professional yung kung sino mang dumukot kay Amber, e di sana siya na lang yung hinire ko! Yung kwintas na yon, mas mahal pa sa mga buhay niyo. It's worth millions and I wanted it back!" Dagdag ko pa.
"Pero Ma'am, masyado kasing maraming tao nung una namin siyang sinundan tapos bigla-bigla na lang siyang nawala." Sabi ng isa.
"I don't need your escuses! You don't even deserve to be paid! Get out before I go crazy!" Sigaw ko sa kanila. Nagsilabasan ang mga walang kwenta.
Hinilot ko ang noo ko. Sumasakit ang ulo ko sa kapalpakang ginawa nila. Paano na ang plano ko to take over the company completely?
Si Amber na lang ang humahadlang sa 'kin. I have to get rid of her somehow. Binigay ko sa kanya yung necklace for two reasons. Una, para madali siyang mahanap ng mga gunggong na kidnapper at pangalawa, as a farewell gift. The chance to feel like a heiress for the last time.
Madidispatsa ko rin ang magaling kong pamangkin. It's either sooner or later.
BINABASA MO ANG
Kidnapped (A Romance Story for Filipino Wattpadders)
RomanceAmber Conrad is a girl with a perfect life. She's an eighteen-year-old award-winning star and an heiress. Kasikatan, kayamanan, kagandahan, katalinuhan... Lahat nasa kanya na. Almost every teenage girl looks at her with envious eyes. There are times...