37: Instant Ligo at Hypertension

1.5K 13 0
                                    

Jairus

Naku, lagot ako nito kay Kuya. Hindi ako nakapagpaalam na gagabihin ako e. Dapat nga dun na ko sa classmate ko matutulog e kung di lang kami nag-away. Ayun, napauwi tuloy ako ng di oras. Bwiysit yung Jay na yon. Ni hindi man lang ako pinaligo bago ako awayin. Amoy pawis ako sa pagbabasketball. Makaligo nga bago matulog...

Madaling araw na. Buti na lang wala si Jade dun sa bahay. Walang manenermon sa ‘kin. Naglakad na ako paakyat ng hagdan. Naka-lock na yung pinto. Hala... Pano na? Wala pa naman akong duplicate.

Tiningnan ko yung mga laman ng backpack ko. Susi ng kuwarto ko, pabango, wallet, isang set ng hairpin tsaka— Wait... Isang set ng hairpin? Ba’t naman may ganito sa backpack ko? Siguro kay Jade ‘to.

Teka nga lang... Ano ba yan Jairus! Hindi ka man lang nag-iisip. Tiningnan ko yung hairpin. Di ba sa mga palabas nagagamit ‘tong pang-pick ng lock? Sige nga hairpin, magpakitang gilas ka ngayon ha. Tingnan natin yang galing mo.

Amber

Nahulog ako sa sahig at nagising ng wala sa oras. Ang sakit ng pagkakahulog ko. Hindi kasi ko comfortable sa sofa kasi malikot akong matulog. Kaya nga hindi lang basta queen yung four-poster bed ko at home. King yun kasi pagulong-gulong ako kung matulog. I scanned my surroundings. It’s still dark. Anong oras na kaya?

Tumayo ako para buksan ang ilaw. I opened a window and peeked outside. It’s still dark. And quiet... Or so I thought.

Bigla na lang ako nakarinig ng pagkalansing in the direction of the door. Like the sound of someone picking the lock...

Wait. Someone picking the lock? I listened carefully. Oh my gosh... Someone IS picking the lock!

I started shaking Casper. “Wake up...” I hissed urgently. “May magnanakaw...” I whispered.

Ang pobreng lalaki, walang ginawa kundi gumulong at mag-mumble ng ‘Oo na, mamaya aasikasuhin ko...’

Anong aasikasuhin? Ano pang aasikasuhin niya ‘pag nanakaw na lahat ng gamit sa bahay? And an even worse scenario, me lying on the floor with a stab wound. Anong aasikasuhin niya? Cleaning up my blood?

I heard the thief say ‘Bwiysit...’. Hindi niya ata maisaayos yung pag-pick ng lock. Oh no. Beginner pa ata ‘to. From what I’ve heard, ang mga baguhang magnanakaw, ‘pag may nakitang taong gising sa ninanakawan nilangbahay, magpapanic at bigla na lang mananaksak.

“Casper...” I whispered urgently. Ayaw magising. I have to do something!

I have no choice! I have to defend myself. And the house.

I hurried to the comfort room and fetched water with a pail. Humanda kang magnanakaw ka! Papaliguan kita ng di oras!

I posed myself in front of the door. One torturous minute passed at yun. I heard the lock click in place. The doorknob turned... And the door creaked open...

Jairus

Ang hirap naman kalikutin ng bwiysit na lock na ‘to... O baka wala lang talaga akong talent sa pagkalikot ng lock...

Click.

Uy! Naks, nakuha ko!

Papasok na ko at pasigaw ng ‘Ate’ kaso hanggang dun lang ako sa ‘A’. Parang bahang kung san nanggaling, may rumagasang tubig na bumasa sa ‘kin. Nagkataon pang nakabuka yung bibig ko so yun, pasok din yung tubig sa bibig ko. Instant ligo at instant mumog.

Dumilat ako para tingnan kung saan nanggaling yung tubig at nakita ko si Ate Amy na may dala-dalang timba. Nilabas ko yung tubig na nasa bibig ko para makapagsalita.

Kidnapped (A Romance Story for Filipino Wattpadders)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon