Amber
Nakakasura talaga yung Kristie na yun. Subukan niya lang na sumugod dito ulit sa bahay, hinding-hindi ko siya uurungan. Buti na lang talaga, umalis na yun.
Hay... Bwiysit na araw. Bwiysit na buhay. Bwiysit na Kristie. Bwiysit na swordfish. Bwiysit na Casper... Bwiysit talaga.
I’m currently sitting on the couch, hugging my knees and staring into space.
“Lalim ng iniisip natin a.” I turned to see who said that and found out that it’s Jairus.
“Hey Jai.” I greeted him with a smile.
“Ate may problema ka ba? Bakit nga pala hindi ka umuwi kagabi?” Tanong niya.
“Yung Kuya mo kasi, inaaway na naman ako.”
“Ganun? Lagi naman kayong nag-aaway e. What else is new?”
“Bakit nga pala wala kayo dito ni Jade kanina?”
“Wala, gumala lang. Nagbasketball lang kami ni Jay. Si Jade naman, kasama ni Ate Arianne, pumuntang mall.” He answered.
“Oh, I see.” Tumango ako at ngumiti sa kanya.
“Ate lagi ka na lang pinahihirapan ni Kuya. Dapat nga inaalagaan ka niya e.” He sat beside me.
“Buti ka pa. You know that I’m totally worthy of being taken care of.” He’s really sweet. He makes me wish I have a baby brother like him.
“Syempre. Kung ako lang ang nasa sitwasyon niya, aalagaan talaga kita.”
I laughed. “Talaga? Baliw ka talaga...”
“Sa ‘yo.” Biro niya.
“Naks... Ganda ng mga linyahan natin dyan a.” I punched him playfully in his shoulder.
“Ate kung gusto mo, maghintay ka na lang ng four years. Four years na lang naman e eighteen na ko.”
Tumawa ko ulit. I reached out my hand and ruffled his hair. “Sira ulo ka talaga. Mag-aral ka na lang ng mabuti kaysa paglolokohin ako. May chocolate ka pa sa labi...”
“Ate, gatas yon...” He said, laughing.
“What’s the difference? Mahilig din naman ang mga bata sa chocolate a...”
Tumawa lang siya. “Sige na nga... Para unique.”
He smiled at me. Tumayo na siya at nagpaalam na matutulog daw siya kila Jay.
“Aba... Mukhang lumalalim na ang relationship niyo ng Jay na yan a...” Biro ko.
“Sira ulo ka talaga Ate. May bago kasi siyang x-box e. Maglalaro lang kami.”
“Sige na. Sasabihin ko na lang sa Kuya mo. Kita mo na, ang bata-bata mo pa. Naglalaro ka pa nga binibiro mo na kong ikaw ang mag-aalaga sa ‘kin.”
Tumawa siya at umalis na. Hay... Buti na lang nandyan si Jairus. He can really lift my worries away. He reminds me so much of Tristan. Wait... speaking of Tristan, kamusta na kaya siya? I wonder what he’s up to.
“Amber...” I heard someone call me.
“What is it?” I asked. Hindi ako lumingon pero si Casper yun. I’m sure...
“Galit ka pa rin ba?” He asked back.
I glared at him. “Galit ka pa nga.” Sabi niya.
“Bakit? Wala ba kong karapatang magalit?” I snapped at him.
“Sorry na...” He said gently. “Sobrang laki naman niyang galit mo.” Dagdag pa niya.
Medyo tama nga siya. Masyado ng OA ‘tong galit ko. Pero ano namang gagawin ko? Papatawarin ko ba siya ng ganun-ganun na lang?
BINABASA MO ANG
Kidnapped (A Romance Story for Filipino Wattpadders)
RomanceAmber Conrad is a girl with a perfect life. She's an eighteen-year-old award-winning star and an heiress. Kasikatan, kayamanan, kagandahan, katalinuhan... Lahat nasa kanya na. Almost every teenage girl looks at her with envious eyes. There are times...