Casper
Sinundan ko si Amber sa labas. Sumobra na talaga siya this time. Maling-mali talaga ako dahil inakala ko na kaya niyang magtrabaho ng maayos. Lalabas at lalabas din naman pala ang kamalditahan niya.
“Bakit mo ginawa yun ha? Ba’t mo ginawa yun?” Tanong ko.
“E sa gusto kong gawin e. Anong pakialam mo? Isa pa, she deserved it!” Sigaw niya pabalik.
“Ano ngang dahilan mo? Syempre may pakialam ako kasi best friend ko yung taong binuhusan mo!”
“Talaga? Wow. Concerned ka sa kanya? Sabihin mo sa kanya ngayon yun para tumigil yan sa kaartehan niya. Alam mo namang patay na patay siya sayo di ba?”
“Kung totoo man yan, ano bang pakialam mo? E hindi naman kita totoong girlfriend di ba?” Sigaw ko.
“WOW! Wow ha. Ang taas mong mangarap. Sa tingin mo ginawa ko yun dahil sayo? Dream on!” Sigaw niya.
“Bakit mo nga ginawa yun?”
“Kahit naman sabihin ko sayo yung dahilan, siya pa rin yung kakampihan mo di ba?”
“Syempre naman. Alam mo kung bakit? Kasi best friend ko siya e. E ikaw! Ano ba kita? Hindi naman kita kaano-ano a!”
Napahinto siya sa sinabi ko. Hala. Parang sumobra ata yung sinabi ko a.
“Alam ko. Alam ko namang wala kang pakialam sa ‘kin e. Hindi naman tayo related di ba? Kaya nga hindi ko maintindihan kung bakit may pakialam pa rin ako sayo e. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit pilit pa rin akong umaasa at dumepende sayo!”
“Amber...” Sinubukan kong magpaliwanag pero natulala na lang ako nung makita kong umiiyak na siya.
“Akala mo ba madali lang ‘to? To live alone in a world that is all so new and foreign? Nakakasurvive lang naman ako kasi I kept on convincing myself that I’m not alone. That you’re always there for me. Maling-mali pala ako. Kasi to you, I’m nothing. I’m nothing but a big chunk of possible wealth!”
“Sorry... Hindi ko naman sinasadyang—”
“Wag na ‘wag mong palalabasin na ako lang ang may kasalanan dito dahil wala kang alam sa nangyari. Alam kong alam mo na suplada ako pero akala ko naman, alam moring hindi ako ganun kasama para gumawa ng ganung bagay ng walang dahilan! That best friend of yours insulted my mom! She called my mom a jerk for raising a mudfish of a daughter! Pasensya na ha. Pero hinding-hindi ko mapapatawad ang babaeng yan sa ginawa niya kahit palayasin mo pa ko!” Tumakbo siya palayo.
Amber
I wiped the tears out of my eyes. Buti na lang, waterproof yung make up ni Jade na ginamit ko. Walangya yung lalaking yun. Walangya talaga.
I felt tears stinging my eyes again. Totoo naman e. Hindi ako kaano-ano ni Casper and he’s only keeping me for his own gain. Totoo rin na kung wala siya, I won’t last a day here in the outside world.
But now, I can’t possibly come back. I won’t. And no one can make me. Kaya ko ang sarili ko! I’ll prove it!
I continued walking hanggang sa mapansin ko na it’s getting dark na pala. Ang bilis ng oras. Gaano na kaya kalayo ang narating ko? I’m in a foul mood to even think of that. I feel so lost...
Bigla na lang, may nadaanan akong bar na may event. A drinking event.
‘Winner of the contest wins an all-you-can-drink and all-you-can-eat coupon’
As if on cue, narinig kong kumalam yung sikmura ko. Napahawak na lang ako sa tiyan ko, realizing that I didn’t even eat lunch ng maayos kanina.
I entered the bar at may humarang na lalaki sa daraanan ko.
BINABASA MO ANG
Kidnapped (A Romance Story for Filipino Wattpadders)
RomantikAmber Conrad is a girl with a perfect life. She's an eighteen-year-old award-winning star and an heiress. Kasikatan, kayamanan, kagandahan, katalinuhan... Lahat nasa kanya na. Almost every teenage girl looks at her with envious eyes. There are times...