Casper
Ano ba naman yan. Kanina ang aga-aga e nag-iinarte na naman si Amber. Nasigawan pa ko nang di oras a. Ang sagwang breakfast naman nun.
Sa ngayon naglalakad kami papunta sa isang beauty parlor. Kailangan nang mag-disguise nitong si Amber kung ayaw niya na may makakilala sa kanya.
“Uy, saan ba kasi yung sinasabi mo? Kanina pa tayo naglalakad a.” Reklamo niya.
“Pasensya naman ha. Ayan na, malapit na tayo o.” Itinuro ko yung parlor. Puro pa reklamo, siya na nga ‘tong tinutulungan.
“Ang dami naman kasing iba diyan, dito mo pa ko dadalhin sa malayo. Oh, dang it! My feet are killing me!” Sigaw niya with matching padyak at pa-cute na pout.
“Mas mura kasi dito tsaka may crush sakin yung may ari nito kaya makakahingi pa tayo ng discount.” Paliwanag ko. Inirapan niya lang ako.
Nakarating na kami sa harap ng parlor at pumasok na kami sa loob. “Hi, sweetie pie!” May bumati agad sa ‘kin na isang bakla. Yuck.
Lumapit sa ‘kin si Kristie. Yung babaeng sinasabi kong may crush sa ‘kin. “Honeybunch Casper!” Bati niya. Lumapit siya sa ‘kin at yinakap niya ako bigla.
“Hoy! Lumayo-layo ka nga!” Sigaw ko habang tinutulak siya palayo.
“Honeybunch naman, na-sha-shy ka pa!” Sabi niya habang nagpapa-cute. Waepek yan sa ‘kin. Tumigil ka nang hipon ka.
Napatingin siya bigla kay Amber. “Oh my gosh. Sino naman ‘tong pretty girlash na dala mo?” Tanong niya nang nakangiti.
“Pinsan ko. A, magpapaayos sana siya.”
“Anong klaseng ayos ba? Rebond? Perm?”
“Yung tipo ng look na walang makakakilala sa kanya.” Paliwanag ko.
“Bakit? May tinatakasan kang inutangan mo no?” Pabirong tanong niya kay Amber.
“Parang ganon na nga.” Sagot ni Amber.
“Ayy... Don’t worry. Carry yan ng powers namin.” Pumalakpak siya ng dalawang beses at sumigaw. “Uy, mga beks magsilapitan nga kayo. Dapat pag-effortan niyo ‘tong girlaloo na ‘to. Pinsan yan ng honeybunch ko. Alam niyo naman, dapat mapa-impress ko ang mga kapamilya niyang someday magiging kapamilya ko rin!” Yuck. Nakakaasiwa. Kung hindi lang mura dito lilipat na talaga kami sa kabila. Nakita kong tumawa si Amber. Tiningnan ko siya nang masama at binelatan niya lang ako.
“Naman Madam! Carry ko ‘to. Ako na rito kay ganda.” Hiyaw ng isang bakla. “Umupo ka na ganda.” Sabi niya kay Amber. Umupo na siya at tiningnan ang sarili niya sa salamin. “Ano bang gusto mo? I-perm natin o gupitan o i-dye, lagyan ng highlights... Ano bang gusto mo ha?” Tanong ng beautician.
“Ummm... Uy, Casper. Ano bang babagay sa ‘kin?” Tanong ni Amber.
“Ewan ko. Bahala ka.” Sagot ko pero nag-isip ako nang konti at sumagot ulit. “Alam ko na, yung hairstyle na lang ni Dora. Paiksian natin ng pa-square tapos bangs. For sure, walang makakakilala sayo.”
“Sira ulo ka talaga! As if naman gugustuhin ko yun! Kung gusto mo, ikaw na lang ang magpa-style ng ganun.” Hala nagalit. Ang OA talaga nitong babaeng ‘to.
“O sige hairstyle na lang ni Boots.” Hindi na niya kinaya. Kinuha niya yung malaking suklay sa harapan niya at hinagis sa ‘kin.
Nag-isip na lang ulit ako. “Uy, pili ka: semi-kalbo with bangs, yung may upod sa gilid tapos mahaba sa kabila o hairstyle ni Goldilocks.”
“Ikaw rin mamili ka. Gunshot, stabwounds, drowning or choking? Paano gusto mamatay?” Sigaw niya sa ‘kin. Tumawa lang ako.
“Ako na bahala ganda. May naiisip akong bagay sayo.” Sabi ng bakla.
BINABASA MO ANG
Kidnapped (A Romance Story for Filipino Wattpadders)
RomanceAmber Conrad is a girl with a perfect life. She's an eighteen-year-old award-winning star and an heiress. Kasikatan, kayamanan, kagandahan, katalinuhan... Lahat nasa kanya na. Almost every teenage girl looks at her with envious eyes. There are times...