Casper
Ang aga-aga, nanggugulo na kaagad 'tong mokong na 'to. "Oy, ayusin mo nga." Sabi ko sa kanya.
"Ikaw 'tong mag-ayos ng mga ginagawa mo." Sagot naman niya.
"Tumigil na sabi kayong dalawa. Akala ko ba, you're going to get along well just for today?" Sabi naman ni Amber.
"'Getting along well' na 'to sa 'kin." Sagot ko.
Si Jade naman, binibusy ang sarili sa pagkakabit ng mga decors sa pader. "Magluluto na po ako, Ate." Sabi niya kay Amber. Nginitian siya ni Amber at tumango. Pumunta na ng kitchen si Jade.
Bigla na lang may nag-doorbell.
"Andyan na ata si Cypress." Sabi ni Tristan.
"Sinabi na ngang Jairus, hindi Cyrus at mas lalo namang hindi Cypress!" Sigaw ko sa kanya. "Atsaka kung kapatid ko yun, bakit naman siya magdodoorbell?"
"Both of you just shut up and open the door." Sabi ni Amber habang tinititigan kami ng masama.
"Oy, mas malapit ka, ikaw magbukas." Sabi ko kay Tristan.
"Bahay mo 'to, so you open the door." Sagot naman niya sa 'kin habang nakangiti. Sarap sapakin.
Nagbuntong-hininga lang si Amber at siya na yung pumunta para buksan yung pinto.
"Tsk, tsk, tsk... Ayan... Ikaw kasi." Paninisi ni Tristan.
"Ako? E ikaw 'tong—" Di na natuloy yung pagganti ko.
"Jeremy?" Sabi ni Amber pagkabukas niya nung pinto.
Ano? Jeremy daw? Araw ba ngayon ng sabay-sabay na pagdating ng mga mokong sa bahay ko?
"Can't you at least let me in? These are heavy, you know." Narinig ko yung boses niya sa labas ng pinto.
Pinapasok ni Amber si Jeremy at nakita kong may mga dala siyang kung anong nakapaper bag.
Tiningnan ako ni Tristan ng parang nalilito. Ngayon pa nga lang pala sila magkikita ni Jeremy.
"At ano na namang ipinunta mo dito?" Tanong ko sa kanya.
"Just hanging around. And I hope you won't be hostile to me. I brought food for compensation." Sagot niya.
Binaba niya yung mga dala niyang paper bag at ang laman pala puro take out boxes. "Hold this." Sabi niya kay Amber. Tapos, lumabas siya ng bahay at may kinuha sa kotse niya na naka-park sa tabi ng kotse ni Tristan. Sige na, kayo na may kotse...
"They sell this too. What's this called again? Oh, right... Bilao." Sabi niya habang may dalang isang bilao ng spaghetti. "I heard this is what people here usually buy for birthday celebrations." Sabi pa niya.
"Teka. Alam mo na merong may birthday ngayon dito?" Gulat kong tanong. Tapos tiningnan ko ng masama si Amber. Ah, ganon pala... Sa akin ni hindi man lang mabanggit yung birthday niya, pero dito sa mokong na 'to, naikuwento niya.
Parang naintindihan ni Amber yung pagtitig ko sa kanya. Mukhang gulat din siya at tumitig pabalik sa 'kin na parang nagsasabing 'Di ko 'to alam a. Wala akong kinalaman dito.'
"What the heck are you talking about, Casper? There's someone here celebrating a birthday? Birthday ko ngayon, so I just thought I'll give you guys a treat. I have no one to celebrate with." Sagot ni Jeremy.
"Ano? Birthday mo ngayon?" Tanong ko.
"It's really your birthday today?" Paninigurado naman ni Amber.
"Yes. Why else would I buy all of these?" Sabi ni Jeremy habang binababa sa sofa yung bilao ng spaghetti. "What's wrong? Ganon ba sobrang nakakagulat? Everybody has a birthday you know, it's not that surprising na meron din ako." Tumingin siya kay Amber. "Or maybe you want to say that aliens don't have birthdays..." Sabi niya.
BINABASA MO ANG
Kidnapped (A Romance Story for Filipino Wattpadders)
RomanceAmber Conrad is a girl with a perfect life. She's an eighteen-year-old award-winning star and an heiress. Kasikatan, kayamanan, kagandahan, katalinuhan... Lahat nasa kanya na. Almost every teenage girl looks at her with envious eyes. There are times...