65: Modelling is an art. It's a profession.

1K 19 9
                                    

Jairus

Pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto, humiga kaagad ako sa kama. Hay... Grabe, pagod na pagod na ko.

Tinabunan ko yung ulo ko ng unan at sinubukan nang matulog. Buti na lang nahanap ni Kuya si Ate Amy. Nag-alala talaga ko ng sobra sa kanya e.

Napangiti ako bigla nang maalala ko yung usapan namin ni Kuya kanina. Napakasinungaling ko talaga kahit kelan...

Hindi totoo na natulog ako kila Jay. Hindi kasi ako nag-give up kaagad sa paghahanap kay Ate e. Buong magdamag ko siyang hinanap kahit na umuulan. Actually, ngayon pa nga lang talaga ko matutulog.

Buti na lang talaga nakauwi ng ligtas si Ate. Isa pa, mukhang bati na sila ni Kuya. Ayos yun... Yun naman talaga ang gusto kong mangyari di ba? Masaya talaga ko...

Pinatong ko yung braso ko sa mata ko. Teka... Ba’t parang basa? Tinanggal ko yung braso ko at hinawakan ko yung pisngi ko. Ano ‘to? Ba’t ako umiiyak? Bakit ako umiiyak ha? Good news nga lahat e. Ba’t ako nagkakaganito?

Ano ba, Jairus... Hinanap mo lang naman siya buong magdamag hanggang sa mag-umaga e. Nabasa ka lang naman ng konti. Oo, medyo nasayang nga yung effort mo pero at least sinubukan mo di ba? At least hindi ka sumuko...

Pinilit kong kumbinsihin yung sarili ko na okay lang lahat at alam ko namang okay lang talaga ang lahat. Pero bakit ganun? Bakit parang hindi okay yung pakiramdam ko?

Ang daya-daya naman e! Bakit hindi ako yung nakahanap sa kanya? Mas nag-effort naman ako a... Maganda naman yung intensyon ko. Hinanap ko kaya siya para kay Kuya!

Masaya ko para sa kanila. Masaya ko para sa kanila! Ano ba! Nakakaasar na a! Ba’t ayaw makinig sa ‘kin ng katawan ko? Bakit iba yung nararamdaman ko? Sinabi na ngang masaya ko para sa kanila e! Ba’t ayaw pa rin tumigil ng mata ko sa pag-iyak ha?

Ano ba ‘tong mata ko? May sariling utak? Hoy, mata! Ang tigas ng ulo mo ha! Tumigil ka na nga...

Please lang... Tumigil ka na.

Jairus... Napakasinungaling mo talaga. Buti pa yung mata mo, nagsasabi ng totoo.

Amber

“Wait! Wait lang!” I yelled as we ran towards the elevator. We reached it before the elevator door closed.

“Kasya pa ba?” Casper asked me.

“Carry pa yan.” We pushed ourselves through the bunch of people inside the elevator. Shucks... Sobrang siksikan. Parang hindi na ko makahinga.

We move past one floor and on the second floor, more people streamed in. Nag-overload na nga kaya may hindi nakasakay na isa e.

Ay, grabe... Hindi na ko makagalaw. Oh... This is sooo inconvenient!

“Uy, Casper. Umusog ka dito o. May space pang konti.” I whispered.

“Grabe... Ayaw mo talagang mahiwalay sa ‘kin ha. O ito na, tatabi na po ako sa inyo.” He teased. Grabe talaga ‘tong si Casper, hindi na nga makahinga, kaya pa ring mang-asar.

“Ewan ko sayo.” Hay... Hindi ko na kayang makipag-asaran sa sitwasyong ‘to no.

Casper moved towards me. He placed his hand on the wall for support. Grabe... Sobrang lapit namin sa isa’t isa. Konting galaw lang nung ibang passengers, bigla na siyang napapalapit sa ‘kin.

As the elevator goes up floor by floor, nasisiksik kami lalo dun sa corner. I looked at Casper’s embarrassed face and smiled.

He smiled cheekily when he noticed my expression. “Anong nginingiti-ngiti mo dyan? Ine-enjoy mo talaga no?” He teased again.

Kidnapped (A Romance Story for Filipino Wattpadders)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon