67: Pa'no ba maging artista?

1K 14 18
                                    

Arrrgghh... My other usb won't open... It contains more of the updates... T.T Guys, bear with us... next tym nlng po ipost ung other updates...

~~~

Amber

Finally! Jade’s done with her blabbers! Sa sobrang dami ng tinanong niyang intriguing questions sa ‘kin, pakiramdam ko ten years akong ininterview ni Boy Abunda ng tuloy-tuloy... Hay... Nakakaloka!

Jade fell asleep a few moments after the commotion. I guess all of the excessive, indiscreet talk wore her off. I sat on the floor, leaning my back against the foot of the couch.

“Grabe yung kapatid mo. Nakakabaliw!” I told Casper.

“Sinabi mo pa...” He agreed.

“Nga pala guys, ano nang plano niyo? Di ba kailangang makabalik ni Amy— I mean, ni Amber sa buhay niya? Ano nang balak niyong gawin?” Kristie suddenly asked.

I filled her in with the plan and she squealed excitedly.

“Talaga? Balak mong mag-artista? Emegesh! E di someday, magiging girlfriend pa pala ko ng isang star? Emegesh talaga... Nakakaloka!” She exclaimed.

“Mas nakakaloka ka. Hindi ka pwedeng maging girlfriend ng isang star ‘te. Baka magmukha kang alalay.” I snapped at her. Tumawa naman si Casper.

Kristie rolled her eyes. “Ewan ko sayo. Inggit na inggit ka na naman sa beasting beauty ko.”

I scoffed. “Wow ha. Ako pa ang naiinggit? Anong beasting beauty? Beasting lang, walang beauty.” Pang-aasar ko sa kanya.

“A basta... Game ako dyan. Count me in. Gusto kong maki-join!” She said cheerfully.

“Kung sabagay. Three heads are better than two.” I commented. Malaki din ang maitutulong ni Kristie kung saka-sakali. She’s good at her profession and she has good fashion skills. Hindi lang talaga halata sa mukha niya pero magaling siya. She can be Casper’s personal stylist.

“I think that’s a great idea.” I added.

“Yay! So ano? Kailangan mo ng tips para maging effective na artista?” She asked Casper.

I rolled my eyes. As if naman may alam siya dun.

“Ha?” Casper looked at her with a confused expression.

“Alam mo, madali lang namang maging arista e. Kailangan lang magaling kang magsinungaling. E sa dami ng kasinungalingan niyo ni Amber, sa tingin ko, check na yung requirement na yun e.” Sagot niya.

“Kristie... Artista yung pinag-uusapan natin, hindi scammer.” Sinabi ni Casper.

“Magaling naman talaga magsinungaling ang mga artista e. You must master the art of ‘deadma’ and ‘denial’. ‘Wala kaming relasyon.’ ‘Hindi ako buntis.’ ‘Wala akong pinagawa sa mukha ko.’ ‘Tunay yung dibdib ko.’ ‘Hindi ako nagda-drugs.’ Yung mga ganun...”

“Hoy! Ang kapal ng mukha mo a. Artista kaya ako.” I complained.

“E magaling ka din naman magsinungaling a. To the highest level pa nga ‘te e. Gumawa ka pa ng fake identity! Anong tawag mo dun?” She snapped back.

I glared at her. “Ah... Ganyanan tayo? Insultuhan tayo ngayon? Ganon?” I told her with a sarcastic smile.

She smiled back. “Joke lang.” Nag-peace sign pa siya at ngumiti sa ‘kin.

Itong babaeng ‘to. Para na ngang sinagasaan ng truck yung mukha, may gana pang mang-insulto. E yung mukha nga niya ang kainsu-insulto e!

“By the way, Casper’s going to apply as a model at BRILLIANCE. We have plenty of time to plan things out. Basta, pumunta ka dito sa bahay bukas. Tapos sumama ka na rin sa ‘min sa company. Alright?” Sinabi ko sa kanya.

Kidnapped (A Romance Story for Filipino Wattpadders)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon