16: Baliw

2.1K 20 4
                                    

Amber

This is crazy! I can’t believe that I’ll be able to watch my own death on TV. Nakakaloka!

Pero kailangan kong ayusin ‘to. Kailangan kong linawin ang lahat. At heto kami ngayon ni Mr. Kidnapper, nakasakay sa isang bus. Sa isang BUS! Nakakaloka! Wala daw perang pangtaxi, first time tuloy akong nakasakay sa bus...

Sa sobrang pagmamadali ko nga kanina, hindi man lang ako nakapagsuklay at nakapag-dry ng hair.

“Paano mo nalaman kung saan ako nakatira?” Tanong ko.

“Research lang yan. Kailangan alam ko yang mga bagay na yan bago kita kidnapin.” Sagot niya. A... Ganun pala.

Hinahangin yung buhok ko kasi nasa window seat ako. Nakakaasar! Inayos ko yung buhok kong lumilipad na kung saan-saan.

“Anong tingin mo sa buhok mo? Pasta?” Reklamo ni Mr. K. Lumingon ako para tingnan siya.

“Ano bang problema mo?” Tanong ko.

“Nakakain ko na yung buhok mo!”

“E paano ba naman kasi! Hindi ko alam na may libreng hair blower pala dito!”

Natawa siya bigla. Parang baliw talaga. Hinawi ko na lang yung buhok ko at nilagay sa balikat ko.

Bigla na lang huminto yung bus para magsakay ng mga passengers. May sumakay na mga estudyante at iba pang passengers kaya napuno na yung bus. May sumakay ring isang aleng may hawak na isang baby at may kasama siyang isa pang aleng may buhat na toddler. Marami silang hawak na shopping bags at may tig-isa pang malaking diaper bag.

Tumayo si Mr. Kidnapper para paupuin yung mga ale. “Dito na lang po kayo.” Sabi niya. Tumingin ako sa labas. Nagulat ako nang bigla na lang niya akong hatakin patayo.

“Ano ba!” Sigaw ko. Lumapit siya sa ‘kin at bumulong. “Paupuin mo na sila.”

Nakakaasar a. Nakaupo na ako e. Problema ko bang wala silang maupuan? Is it my fault na wala nang empty seats? Dang!

Tumayo na lang ako sa tabi ni Mr. K at kumapit sa bakal. “Gross... Ilan na kayang tao ang nakahawak dito? Puro bacteria na ‘to.” Reklamo ko.

“Ang arte talaga. O, dito ka na lang humawak.” Inilapit niya sa akin yung braso niya. Umiling ako.

“No thanks. Dito na lang ako sa may bacteria.” I snapped at him. He just shrugged.

Bigla na lang pumreno yung bus. “Ayyy!” Halos tangayin ako dahil sa impact. Tumawa lang siya. Haha. Sige lang tawanan mo ko. Kapag nakabalik na ako sa dating buhay ko, ako naman ang tatawa sayo. Nasa akin pa rin ang huling halakhak.

Maya-maya, umandar nang mabilis yung bus at lumiko. “Ahhh!” Halos masubsob ako a. Tinatangay ako pa-forward nung impact. Nakakatakot pala sumakay sa bus.

“Halika nga.” Hinatak ako bigla ni Mr. K at nilapit sa kanya. Pumreno ulit bigla yung bus at nasubsob ako sa dibdib niya. Nilagay ko yung mga kamay ko sa balikat niya for support at kumapit ako dito. Baka pumreno ulit kaya dapat ready ako.

“Grabe ka makakapit a. Yung expression mo pa, parang nasa horror house.” Pang-aasar niya.

“Kakaibang thriller kasi ‘to. Daig pa horror house o horror movie.” Paliwanag ko. Bigla na lang ulit pumreno yung bus at lalo akong napadikit kay Mr. K. Nasubsob tuloy yung pisngi ko sa dibdib niya at mas napakapit ako sa balikat niya. Halos mayakap ko na siya.

I blinked. Grabe ‘tong vehicle na ‘to. Pinagdidiskitahan yata ako. Inayos ko yung sarili ko at kumapit pa rin ako sa balikat niya. Never na ulit akong magboboard ng bus!!!

Kidnapped (A Romance Story for Filipino Wattpadders)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon