Hey, guys... Sorry po at 1 day late... 2 chaps lang rin kinaya coz we were pretty distracted lately... We hope you enjoy the new chaps... :D
~~~
Amber
Sa wakas, umaga na. Puwede ko na maitanong kay Casper yung tungkol dun sa Gabby na binanggit niya kagabi.
Si Jairus, pumunta sa tindahan kasi bibili daw siya ng sugar. Ubos na kasi e. After kong magtimpla ng coffee, (Pagtitiisan ko yung instant at hindi ko na nilagayan ng sugar) nagising na rin ang walang kuwentang lalaking yun.
Pagkagising na pagkagising niya, pumunta siya agad sa table at umupo dun habang nagkakamot ng ulo.
“Nakapagtataka...” He mumbled.
“Ha? Anong nakapagtataka?” Hala. Nasira ata yung ulo nito sa lakas ng pagkakapalo ko kagabi a. Nabaliw ng di oras ‘tong lalaking ‘to. Kung anu-anong pinagsasabi, ang aga-aga e.
“Kasi nanaginip ako ng masama e.” He explained.
“Ano bang napanaginipan mo?”
“Hindi ano, sino.”
“E di sino ba yung napanaginipan mo?”
“Ikaw. Kaya nga ang sama ng gising ko e. Nagka-nightmare ako.”
“Ang kapal ng mukha ng panaginip mo ha. Teka, ba’t mo ba ko napanaginipan. Wait... Grabe ka, hanggang panaginip mo, pinagpapantasyahan mo ko.” Pang-aasar ko. I took a sip of my coffee and listened to his story.
“Asa ka pa. Managinip ka na lang. Sa panaginip ko kasi, hinampas mo ko ng hinampas ng magazines sa ulo hanggang sa hinimatay ako.”
I spat the coffee and coughed. What the hell!
“Uy, okay ka lang?” He asked.
“Yeah, yeah. I’m fine.” I said in between my coughs.
“Bakit? Ano bang nangyayari sayo? Dahan-dahan lang kasi ang lunok.”
“Nabigla lang ako sa init ng kape.” Palusot ko.
“A... Alam mo, ang weird nga e. Kasi pagkagising ko, may bukol ako dun sa part na hinampas mo ng magazines sa panaginip ko. Nakapagtataka tuloy.”
I was taking a sip of coffee, nung sabihin niya yun at naidura ko na naman yung kapeng iniinom ko. I coughed and coughed as I hit the table with my fist.
“Uy, okay ka lang?” Tanong niya ulit.
“Yeah, I’m fine. Nabigla lang ulit ako sa init ng kape.” Palusot ko ulit.
“Akin na nga ‘to. Nabibilaukan ka na sa kabaliwan mo e.” Inabot niya yung mug ng coffee at inilapit sa kanya. “Pinagloloko mo ba ko? E ang lamig-lamig na nga nitong kape mo. Anong nabigla-bigla sa init yang sinasabi mo?”
Nag-isip ako ng puwedeng palusot. Oh my! I’m trapped. Habang nag-iisip ako ng puwedeng idahilan, dumating si Jairus galing sa tindahan.
“Kuya naman...” He said, putting what he bought on the table. “Ang aga-aga pinapagalitan mo si Ate. Ganyan mo ba talaga tinatrato yang girlfriend mo?”
Yes! Lifesaver! Jairus, I love you!!
Tumayo ako and gave Jairus a hug. “Awww... So sweet... Kung meron akong baby brother, I want him to be just like you.”
“Ate naman!” He said, pushing me away.
“Bakit? Uy ikaw bata ka, umayos ka a. I’m the girlfriend of your Kuya so be good to me. Bakit walang galang yung speech mo?” I said playfully.
BINABASA MO ANG
Kidnapped (A Romance Story for Filipino Wattpadders)
RomanceAmber Conrad is a girl with a perfect life. She's an eighteen-year-old award-winning star and an heiress. Kasikatan, kayamanan, kagandahan, katalinuhan... Lahat nasa kanya na. Almost every teenage girl looks at her with envious eyes. There are times...