PROLOGUE

7.4K 93 1
                                    

PROLOGUE..

Kasalukuyan akong nag-iimpake ng mga dadalhin 'kong damit patungong manila ng pumasok sa kwarto si mama.

Malungkot itong naglakad patungo sa' kin. Umupo siya at hindi niya natiis sabihin ang nais niyang ihayag sakin.

"Anak, Sigurado ka na ba talaga? hindi na ba kita mapipigilan sa desisyon mo?" tanong niya, gaya kanina ay malungkot pa rin ito.

Sa totoo lang ayokong mawalay sa kanila ngunit para din naman ito sa kinabukasan ko at maging sila ay matulangan ko na rin sa kahirapan.

Balak 'kong sumama sa tiyahin ko papuntang manila. Sabi niya ay may ka-kilala itong owner ng restaurant at naghahanap ng waitress. Interesado ako roon kaya hindi na ako nagdalawang isip pang pasukin kahit walang kasiguraduhan ang magiging buhay ko doon.

"Opo ma, sabi ko naman sa inyo kailangan 'kong mag-ipon para makapag aral ako ng kolehiyo. Malay niyo swertehin ako sa manila." anas ko na may ngiti sa labi.

Dito kasi sa probinsya namin ay tanging pangingisda lamang ang hanap buhay ng aking tinuturing na ama, Hindi ko siya tunay na ama. pangalawa lang na asawa ni mama, Pero tanggap ko naman ito dahil sa kabila ng lahat ay masipag siya at sobrang maalaga sa'aming magkakapatid.

Samantalang si mama ay nagtitinda sa palengke ng gulay pati na rin ang mga nahuhuling isda ni papa ay ginagawa niya ng pagkakakitaan, Kaya halos salat kami sa pera kung iisipin.

Paglabas ko sa sala naabutan ko ang dalawa kong kapatid na kapwa naghihintay. Nagkaroon ulit ako ng kapatid na babae sa amahin ko, At kahit ganun ang aming sitwasyon ay hindi naging hadlang iyon upang hindi ko sila mahalin gaya ng pagmamahal nila sa' kin.

"Jiji ikaw na ang bahala dito sa bahay, ikaw muna ang panganay." ani ko sa pangalawang nakakatanda.

"Naku ate huwag kang mag alala dahil kaya na namin dito, basta ate pag nakauwi ka dapat sayo na ang restaurant na pinapasukan mo, Charot lang" Naiiling akong natawa dahil dito.

Si jillian ay kinse anyos pa lang, nasa 3rdyear highschool na ito. Wala akong masabi sa kanya dahil masayahin at matalino ang kapatid 'kong ito.

"Sa tingin ko naman ate ay makakahanap ka ng mayaman na lalake sa syudad at dadalhin ka niya sa mansyon nila at magiging happy ending ang lovestory niyo." mas lalo akong nailing sa inusal ng aming bunso..

"Hoy mayumi tigil tigilan mo na ang pagbabasa ng mga pocketbook na iyan at hindi totoo yang mga nababasa mo.."

Napanguso ito at inikot ang kahabaan niyang buhok. Nilapitan ko ito at inakbayan sabay martsa papunta sa kinaroroonan ni mama na abalang nagbabalot ng turon sa plastik.

Tch, Si mama talaga.

"Bitbitin mo ito anak at mahaba ang biyahe papuntang manila baka gutumin ka sa daan." lumapit siya sakin at inabot ang naka plastick na turon, natawa ako ngunit kinuha rin iyon.

"Siguradong pagtatawanan ako ni tiyahin mercy ma at pinagbitbit mo pa ako ng tinda mo."

"Dahil ayaw 'kong magutom ang anak ko, basta tumawag ka agad pag nakarating na kayo ng manila. Huwag 'mong kakalimutan." Tipid akong ngumiti bago tumango sa sinabi nito.

Humalik pa muna ako sa kanila bago magtungo sa labas kung saan naroon si tita mercy na naghihintay.

____

"Hija wala ka na bang nakalimutan? "

"Wala na po." tugon ko habang nakatingin sa cellphone ko na di keypad.

Bumili kasi ako ng simcard at ipinasok ang mga numero ni nanay at jiji para matawagan ko mamaya sa oras na makarating kami.

"Paniguradong  maraming mag-kakagusto sa iyo doon, maganda ka at makinis." Nakatingin si tita sakin habang naglalagay siya ng lipstick.

"Wala po muna akong panahon sa mga ganyang bagay, Mag-iipon po ako para makapag aral sa kolehiyo."

"Alam mo ba kung anong restaurant ang papasukan mo Hija, madaming costumer doon at paniguradong maibibigay nila ang gusto mo ."

"Di ba ho isa lang akong waitress? Ano po bang klaseng restaurant iyan?" Nagduda ako kay tita dahil sa mga binabanggit niya.

Nagkibit balikat lang ito sabay tipa sa kanyang cellphone, nag-umpisa na akong kutuban dahil sa ikinikilos niya..

Matapos ng ilang minuto ay may in-spray ito sa loob ng kotse, binalewala ko lang iyon maging ang pagsuot niya ng facemask ay hindi ko binigyan pansin. Ang nais kong malaman kung saan at anong klase trabaho ba ang papasukan ko.

"Tita ano ba ang pangalan ng restaurant."

Hindi siya kumibo at tiningnan niya lang ako.

Bigla naman akong nakaramdam ng pagkahilo at biglaang nawalan ng malay...

------



NOT EDITED.
All rights reserved 2020

DISCLAIMER:

Don't expect too much from the story because the author is not very heroic, sorry for the errors and grammatical .

This story is just a fiction, if there is a name that resembles or a place, the event is just an incident, all the events told in the story are only from the mind of the writer.

If you don't like the story, you are free to switch to another story.

The writer's attitude is bad sometimes, she is also spoiled on facebook and you should join her group if you support it.

The story is suitable for ages 18 and up, there are violent words here and retad often, if you continue to support, please refrain from voting and feedback on each chapter.

Thankyou,

hope you enjoy the story even though my update is a bit slow.

Follow me on facebook: Labzaza WP

Date Started: February 2021
Date Finished: May 18 2021

Meet the Promdi-Girl (Adonis Series 1)  COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon