Own Her

2.5K 42 0
                                    

Chapter 6

Shaira Pov.

Masarap sa pandama ang malambot na kama,  Malamig na palagid. Nakakaginhawang matulog maghapon, Ngayon ko lang yata ito naramdaman.

At sa dulot ng ginhawang ito ay nais ko na lamang humilata maghapon. Lahat yata ng pagod na dinanas ko ay biglaang nawala, Napakasarap.

Nakangiti ako sa isiping iyon, Mahigpit ang yakap sa unan habang nakapikit. Ngunit nabura ang ngiti 'kong iyon ng may maramdamang mainit na humahaplos sa aking pisngi. Daglian akong nagmulat at halos mapasigaw ako ng makita ang hubad na katawan ng isang lalake,

"Ahhhhhhhh! Baki---" sa isang iglap ay naputol ang pagtili ko, Hawak niya ang aking bibig upang matigil sa pagsigaw.

Leche.

Akala ko pa naman nakauwi na ako!

Ang maginhawang naramdaman ko kanina ay napalitan ng matinding kaba, Idagdag mo pa ang magandang lalakeng ito na nakatapis lamang!

Ang lakas talaga ng loob niyang ibalandra ang katawan niya mismo sa pagmumukha ko! Bwist!

"Bitawan mo ako!" tinapik ko ang kamay niya na siyang kinasama niya ng tingin, Napapaiwas ako sa kanyang katawan.

Makasalanang katawan.

"Tsk.."

Iyon lang ang isinambit niya matapos maglakad sa nag-iisang cabinet malapit sa isang pinto, nasisiguro 'kong banyo iyon. Pero sandale! Nasa bahay niya ako kung ganon?

Siya nga ang nakabili sa' kin at hindi iyong lalakeng may singkit na mata. Shhet! Bakit naman siya nagpagastos ng malaking halaga. Ang bata niya pa para humawak ng ganoong pera.

Lumingon siya sa' kin, May hawak na itong damit habang nakapamewang. Aba't feeling model lang?

Parang wala lang sa kanya ang ginawa niya kagabi ha! Hinalikan niya na naman ako!

"Magbihis ka na.." ani niya, yumuko ako sa aking katawan. Iyong suot ko pa kagabi ang gamit ko.

Paano ako magpapalit kung wala akong damit.

S*raulo siya!

"Nais ko ng umalis.." anas ko, nag-angat ako ng tingin. Ang kaninang masamang titig nito ay nadoblehan pa ng todo.

Huwag niyang sabihing mananatili pa ako rito!

Bwst siya,

"Walang aalis.."

"Ano!" sigaw ko, hindi mawala ang nagsasalubong niyang kilay na halos magkapalan sa kanyang noo.

"Walang aalis.."

Inulit niya lamang ang sinabi bago maglakad palabas ng kwarto, napapamaang akong naiiling. Anong gagawin ko rito kung hindi pa ako aalis?

Pesteng gwapong iyon!

Padabog akong tumayo sa kama, Paano ko makukuha ang perang ipapadala ko ka'y mama. Wala akong numero niya at saka ayaw akong paalisin ng lalakeng 'to! Anong gusto niya.

Mabubulok ako dito!

Mabigat ang yapak 'kong lumabas ng kwarto, Paglabas ko ay bumungad sakin ang magulong paligid. Napangiwi ako, Anong klasing tao siya. Hindi man lang marunong magligpit ng bahay. Pero bahay nga ba ito, Parang pang-isahan lang yata ang maaaring tumira dito.

Meet the Promdi-Girl (Adonis Series 1)  COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon