New Model

1K 18 2
                                    

Chapter 62

Shaira Pov.

”Go to my office now, Shaira Monteclaro..” napamaang ako sa tinig ni jacob, kung pormado si sebastian ay tila naging kulelat siya sa dating ni jacob ngayon.

He's wearing a dark suit who really fit on his body, ang mga paa niyang kay haba ay animoy ang gandang tingnan sa kanyang black slack. Ang nagsasalubong niyang kilay, ang kunot noo na permanente na yata sa kanyang mukha ay naroon na naman. He clenched his jaw when he start walk to hold me, hindi ako makapagsalita ng ilayo niya ako kay sebastian na tulala rin.

”Goodmorning, director..” sa kabila ng gulat ay nakuhang bumati ni sebastian, may pag-galang ngayon dahil nasa teritoryo lang naman siya ng surot.

But jacob ignored him, tinalikuran niya iyon na hindi man lang sinasagot. Hila niya ang aking kamay at ipinasok sa elavator.

And one more thing i knew, there all employee here is watching us.

”Ang aga mo namang makipaglandian?” namilog ang mata ko sa sinabi niya, ngunit ang tingin niya sakin ay napakasama

”Ano 'bang sinasabi mo?!”

”Pumunta ka ba dito para kay sebastian, ang ganda ng ngiti mo kanina ha..”

Nailing ako sa sinabi niya, natatawa. ”Pumunta ako dito para makipag-meeting!”

”Talaga?” tumaas ang kilay niya. ”Mas gusto mo ba na si sebastian ang makasama 'mong magbasa tungkol sa topic?”

”E ano ngayon sayo?” ngumisi siya, naging diretso ang tingin nito ng mag-iwas siya ng tingin.

Don't tell me, nagseselos siya?

Paano siya magseselos kung may nobya siya?

”Lagi mong pinipili ang iba kesa sa akin..” tuluyan akong naging tulala sa kanyang mukha, I don't know why i seen sadness on his eyes. O, baka naman guni-guni ko lang 'yon.

Bumuntong hininga siya ng hindi ako makasagot, nasasaktan ba siya dahil mas pinipili ko si sebastian. Pero ayos lang naman kung siya ang makasama ko, ngunit iniisip ko rin ang kanyang nobya.

Lumapit siya sa' kin, natigalgal ako kaya hindi makagalaw sa kinatatayuan. Ang mga mata ko'y nanatiling titig sa kanyang mata na tuluyang bumababa sa kasuotan ko.

Napalunok ako.

”Mas bagay pa rin ang apelyidong monteclaro sayo, alam mo ba?” hindi nilubayan ng mga mata ko ang gwapo niyang mukha, tuluyan iyong dumapo sa labi nitong kay pula na tila sinadyang pagandahin sa aking paningin.

”Shaira..”

”Ha?”

”Excuse me, the door is open. Dadaan ako..” napakurap ako ilang beses, nakita ko ang pag-ngisi niya ng umayos ako ng tayo. Ngayon ko lang nalaman na kanina pa huminto ang elevator na sinasakyan namin.

Sh*t.

Halata na ba ako, baka isipin niyang malakas pa rin ang epekto niya sakin. Pero totoo naman, iyong mga labi niya. Tuluyan akong inaakit, ang mabango niyang hininga ay nanatili na yata sa pang-amoy ko.

Nakahinga ako ng maluwang sa paglabas niya ng elevator. Iniwan niya ako at hindi na nilingon pa. Matapos niya akong hilain at ilayo kay sebastian ay ito ang gagawin niya, iiwan niya lamang ako dito.

Nakakainis!

Dumiretso ako sa opisina ni daddy, hindi ko siya sinundan kahit pa na pinapapunta niya ako sa kanyang opisina. Bahala siyang manigas doon, pakialam ko sa kanya! Kaya ko'ng aralin mag-isa ang pag-pupulungan mamaya.

Meet the Promdi-Girl (Adonis Series 1)  COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon