Paghihiwalay

878 17 1
                                    

Chapter 53

Shaira Pov.

Malaki ang bawat hakbang ko palabas ng hotel, naluluha at may kabigatan ang dibdib. Hindi ko alam kung paano ko narating ang parkinglot na nasa maayos pa rin ang tayo ko.

Gulong gulo ang aking isip, ang daming tanong na pumapasok sa'kin ngunit walang sagot ni isa. Ang imahe ni jacob na may kasamang babae ay tila isang panang tumasak sa puso ko.

Malalim ang pagkakabaon at nagdudulot iyon ng hirap sa'king paghinga.

Ngunit hindi nais tanggapin ng isip ko ang nakita, hindi ako magagawang kalimutan na lang basta ni jacob. Mahal niya ako, hindi niya kaya akong ipagpalit sa iba. Ramdam ko iyon, pinanghahawakan ko ang salita niyang ako lang ang babaeng mahal niya.

Hindi niya ako magagawang lokohin.

Napasapo ako sa'king noo, diretso pa rin ang lakad ngunit natigilan din ng masalubong si natasha.

”Nakabalik ka na..” tumango ako, naiwan siya sa kotse kanina dahil hindi nito nais sumama sa loob. Hindi ko alam kung bakit, ngunit sa'king pandinig ay tila nagtatalo kanina ang dalawa.

”Umuwi na tayo..”

”Nakausap mo ba si jacob?” hindi ako naka-imik sa tanong niya, nag-iwas ako ng tingin. ”Payag ba ito? Maipapahiram ka ba niya ng pera?”

Umiling ako, iwas pa rin ang tingin. ”Hindi kami nag-usap..”

”Bakit?” bumuntong hininga ako, hindi ko na nasagot ang katanungan niyang iyon ng sumulyap ito sa likuran ko.

”Patty!” lumapit sa'kin si noah, hinawakan niya ang magkabilang balikat ko habang titig na titig sa mata. ”Ayos ka lang?” pinilit ko'ng tumango, ngunit sobrang durog ako ngayon. Pinong pino at tila baon na baon sa sakit, hindi ko alam kung paano pa ako magiging matatag sa susunod na araw pa.

Ano ba ang mga pagsubok na ito?

”May nangyari ba sa loob?” umiling ako kay natasha, magaan ang loob ko dahil sinamahan nila ako dito. Ngunit hindi niya na kailangan malaman pa, alam ko'ng may problema din ito sa pamilya at hindi ko na nais dumagdag pa sa kanyang iniisip.

”Dumiretso muna tayo sa shop..” iyon ang sinabi ko, pilit pinapalakas ang loob. ”Mag papahinga lang ako ng ilang oras, ngunit hindi niyo na ako kailangan samahan pa, masyado ng gabi..”

”Sasamahan ka pa rin namin sa ospital..”

”Ngunit..” umiling si natasha.

”H'wag ka ng umangal pa, iyon ang nais ko..” tumango rin si noah sa sinabi nito.

”Nakapag-pahinga naman ako kanina, Ayos lang 'yon..”

Wala akong nagawa kundi pumayag, ngunit hindi ko maitangging nagdaramdam ako sa nangyari.

Ano ang totong eksena sa nakita ko?

Sapilitan ba iyon o kagustuhan?

Sumakay ako sa likod ng kotse, malalim ang aking iniisip habang binuksan ni noah ang passengerseat sa harapan.

"Sumakay ka na..” inuutusan nito si natasha, nagdadalawang isip ito at nais sanang tumabi sa'kin ng muli ay magsalita si noah. ”Dito ka maupo..” hinawakan niya ang pulsuhan ni natasha at sapilitang ipinasok doon, napabuntong hininga ako ngunit biglang napalingat sa bintana ng makita ang tumatakbong si jacob.

Napamaang ako, naluluha ako sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Bukod tanging itim na slacks ang kanyang suot, walang sapatos at suot pang itaas. Nilingon niya ang pwesto ko, alam ko'ng nakikita niya ako dahil maliwanag ang bintana.

Meet the Promdi-Girl (Adonis Series 1)  COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon