Jacob Ex GirlFriend

3.1K 46 0
                                    

Chapter 3

Shaira Pat Valdez pov.

Maaga pa lang ay mulat na ang aking mata, Pero pinanatili ko ang sarili sa higaan. Tamad na tamad ako, at sobrang sakit ng ulo ko sa hindi maayos na pagtulog.

Naiinis ako sa kadahilang naiisip ko siya. Sobrang laki ng epekto sakin ng ginawa nito, Parang hangga ngayon ay ramdam ko pa ang kanyang labi na nakadampi sa akin.

Sobrang lambot nito,

Amoy na amoy ko ang mint ng kanyang hininga dahil sa paghalik niya sakin, Halatang maalaga sa  kanyang sarili.

Tch, Bakit ba pilit iyong pumapasok sa isip ko.

Maleleche pa yata ako sa lalakeng iyon.

Nagpagulong ako sa kama baka sakaling maalis sa isip ko iyon, ngunit nakatatak na sa isip ko ang pangyayaring ginawa niya. Hinalikan niya ako!

"Ninakawan niya ako ng halik! S*ra na ba ang ulo mo!!" kinuha ko ang unan at pinagsusuntok iyon, iniisip ko na hawak ko ang kanyang ulo at pinupuno ng batok.

Nang-gigigil ako!

Hindi lang basta halik iyon, Dahil first ko ang kinuha niya! First kiss ko iyon!

Akala niya ba tutugon ako porket gwapo siya! Walang hiya, Nang-gigigil ako sagad hangga sa aking likod. Hayst!

Bigla ay natigil ako sa biglaang pagkatok, nakalock ang pinto dahil wala pa akong tiwala sa mga kasamahan naming lalake na nagbabantay dito. Mas mabuting magduda muna bago magtiwala.

"Shai kakain na!" Sigaw ni natasha mismo sa pinto, tinapon ko ang unan sa dulo ng kama bago tumayo.

"Nariyan na!" sagot ko, hindi ko na inabalang mag-ayos dahil wala ako sa kundisyon upang asikasuhin ang aking sarili.

Hindi na importante kung ano ng itsura ko.

Paglabas ko ay siyang bumungad sakin, para akong lantang gulay na nakatayo habang ito ay nakangiwing nakatingin.

"Mukhang hindi ka nakatulog sa itsura mo, Anong oras ka ba pinapasok ni ma'ma?"

"Ala-una Y' media yata iyon." tumango ito habang palabas kami ng aming silid.

"Sayang at nakatulog ako, Nakasama niyo pala ang mga gwapong costumer. Anong nangyari sa inyo?"

Nag-iwas ako ng tingin. "W-wala namang nangyari.." tinaasan niya ako ng kilay.

"Talaga ba? Bakit namumula ka bigla? Tch, Bakit hindi mo sabihin kung saan ka dinala ni Jacob, Sabi ni kate sa 'akin ay hinila ka daw nito palabas.."

Napapikit ako "Wala naman talagang nangyari, Halika na nga ang dami 'mong tanong.."

Inakbayan ako nito. "Huwag kang mag-alala, Kung ano man ang nangyari sa inyo ay hindi ko ipagsasabi.." sinamaan ko siya ng tingin, bakit ba pinipilit niyang may nangyari.

Tch, meron nga, Ngunit isang mabilisang halik lang.

"Masyado 'kang mausisa natasha.." nauna na akong lumabas at dumiretso sa labasan kung saan naroon ang mga nag-aayos na waitress.

Meet the Promdi-Girl (Adonis Series 1)  COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon