Jacob the beast

1.7K 37 0
                                    

Chapter 9

Jacob Pov.

Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong napapatingin sa aking relo, Naiinip at sumasakit ang ulo ko sa huling klase. Naninibago ako ngayon dahil bigla ay nais ko ng umuwi, Ayaw tanggapin ng sistema ko kung anong dahilan.

Hindi maalis sa isip ko ang babaeng baguhan, Napapaisip ako kung ano na ang ginagawa niya. Lumabas ba ito o tumakas na, D*mn. Mababaliw na ako sa sariling problema.

Wala naman siguro akong nararamdaman sa babaeng iyon, Hindi ko alam. Siguro ay pag-aalala lamang ito. Tama, Nag-aalala lamang ako sa kanya kung sakaling lumabas siya. Paano kung mapahamak siya bigla, Ako ang huling kasama niya. Hindi malalayong ako ang sisihin, Tama. Iyon lamang ang concern ko sa probinsyanang iyon.

Nang sandaling palabasin kami sa klase ay nagpauna na akong lumabas, Gusto 'kong batukan ang sarili sa inasal. Hindi dapat ako masyadong nagpapa-apekto sa baguhang iyon.

Maganda lang naman siya.

F*ck,

Medyo binagalan ko ang paglalakad, napapabuntong hininga ako habang tinatahak ang maingay na hallway. Nagsisilabasan na rin ang mga ibang studyante at ito ang pinaka-ayaw ko sa lahat.

Ayoko iyong agaw eksena, Ayoko ng maraming tumatawag sa pangalan ko at tumitingin sa'kin. Lalo na ngayon, Magtatama na naman ang landas namin ng babaeng ito. Gusto 'kong lumiko ngunit mapapalayo lamang ako ng daan kung doon ako mismo dadaan sa likuran.

"Hey, Jacob.." bati nito, Si samantha. Hindi ko siya pinansin. "How's your day, you look good.." akma akong lilihis ng daan ng bigla ay harangan niya ako, Sinamaan ko ito ng tingin.

"Get out!" napapanguso ito sa pagsigaw ko, Ang mga nagdadaanang studyante ay hindi na tinangkang dumaan sa pwesto namin. "Don't show your face in front of me!" Muli ay humakbang ako, hindi pa man ako nalalayo ng higitin niya ang kamay ko upang maiharap sa kanya.

"Jacob please, I want you back.." Aniya sa nagmamakaawang tono, Binawi ko ang kamay at mariin itong tinitigan.

"I didn't love you anymore.."

"Why?"

"Don't question my feelings." I uttered, She look at me with a begging emotion. But I didn't care at all. "Stop bothering me today.."

"Why your suddenly change?"

"People change, specially feelings.."

"You love someone else?." hindi ko ito sinagot, ang mga titig ko ay nanatiling malamig. Hindi ko makakalimutan ang gabing kal*k*hang ginawa niya.

Ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay ang manlol*k*

"Who's that girl, the prostitute one! Isn't it!" sinamaan ko ito ng tingin, ng sandaling sabihin niya iyon ay hindi ko alam kung bakit bigla ay nag-init ang tenga ko.

"Just shut your mouth, samantha!" muli ay sinigawan ko ito, "Mas malubha ka pa sa kanya kung tutuusin! Hindi mo hawak ang buhay ko, Noong gabing niloko mo ako ay iyon na rin ang huling koneksyong meron ako sa'yo!"

"B-but jacob, I didn't mean to do that. I love you, Im still love you.."

"I dont care, Dont talk to me anymore.." nilagpasan ko na ito, Mabibigat ang mga yapak 'kong patungong parking lot. Maging ang paghinga ko ay hindi ko makontrol, Naiinis ako sa babaeng iyon. Ang lakas ng loob niyang sabihing mahal niya ako, F*ck. She didn't know what the meaning of love!

Matulin ang pagpapatakbo ko sa kotse, halos liparin ko ang daan para lamang makauwi sa condo. Nang marating ang hotel ay hindi ko na nagawang makipag-batian sa mga kakilala ko, diretso ang paningin ko hangga sa maakyat mismo sa kwarto.

Meet the Promdi-Girl (Adonis Series 1)  COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon