The beast and beauty

1.1K 30 0
                                    

Chapter 65

Shaira Pov.

Dalawang araw ang lumipas ng huling magkita kami ni jacob. Nang araw na 'yon ay matagumpay kaming naka-uwi ni natasha, nais ko talaga itong takasan. Paano ba naman ay nais niya akong parusahan, at sa parusang iyon ay magiging marupok ako. Hindi maaari!

Nagtatampo ako, at suyo muna bago sa matinding parusa.

Napabuga ako ng hangin habang nakatingin sa kisame, alas nuebe na ngunit nakahilata pa rin ako sa kama. Ang tulog ko'y mga ilang oras lamang, pinagpuyatan ko pa ang ilang sketch gown kagabi upang mai-send iyon sa isang babaeng modelong hawak ko, idagdag mo pa na kailangan ko'ng tulungan si daddy sa mga paper works niya na narito sa bahay.

Naging abala din sila dahil sa paparating niyang kaarawan, sigurado din akong abala din si jacob kaya't hangga ngayon ay hindi pa kami nagkikita.

Hindi ko lang alam kung humihinga pa ba iyon ng maayos.

Isang pagtawag sa aking cellphone ang siyang nagpalinga ng paningin ko, nasa gilid iyon ng mesa habang ginagapang ko ang kama upang tingnan kung sino ang caller.

And it's daddy.

Bakit naman siya tumatawag?

”Yes dad?” I answer the call while lying again on my bed, but it took a seconds after i heard the cold voice behind the phone.

”Where are you?” mabilis akong napaupo, napakurap akong tiningnan ang screen ngunit kay daddy talaga ang number na 'to.

So, He use daddy samuel phone to contact me.

”B-bakit?” hindi maayos ang aking pagkakatanong, kahit hindi niya sabihing siya ito ay kilalang kilala ko ang kanyang malamig na tinig.

”Get up, I'll pick you up after ten minutes..”

”A-ano!”

”I'm on my way there..”

”T-TEKA!” napatayo ako, hindi pa putol ang linya kaya't maaari ko pa siyang pigilan. ”B-bakit mo ba ako susunduin!”

”You knew after i get there..”

”Sandale!”

Pinatayan niya ako ng linya, namimilog ang aking mata bago tingnan ang orasan sa gilid. Sh*t. Ten minutes?

Anong gagawin niya, 'Bat niya ba ako kailangan sunduin?

Hinagod ko ang aking buhok, hindi ako mapakali hanggang sa hilain ko ang roba sa gilid at madaling pumasok ng banyo.

At bakit kailangan ko'ng maligo?

Hindi ako naghahanda sa kanyang pagdating, Ika'nga niya ay susunduin niya ako rito.

Kaya ng marating ang banyo ay madali pa ako sa studyante kung maligo, It's ten minutes before i notice the time while i'm finishing my hands lotion. Bakit naman pala ako naglo-lotion? Dahil mainit sa labas? Oo, mainit nga sa labas at kailangan natin dagdagan ang lotion.

But before i grab the lotion again, Someone came up. Dinig ko ang busina na nagmumula sa labas habang hawak ko ang nahubad na tuwalya sa aking ulo. At nang sandaling makita kung sino ang bumaba sa kotse ay halos lunukin ko ang sariling kaba sa nakita.

Ang hari ng mga surot ay narito na.

Ang lakas ng dating niya sa akin ng bumaba ito ng kotse, suot niya ang puros itim na suit longsleeve na lalong nagdala ng kabagayan sa katawan. Hinawakan niya ang necktie at bahagyang niluwagan, It's too hot here while i'm watching jacob doing that. At bago pa siya mawala sa paningin ko ay itinago ko na ang mga lotion na nagkalat sa kama.

Meet the Promdi-Girl (Adonis Series 1)  COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon