Fatima

916 23 0
                                    

Chapter 33

Shaira Pov

Dalawang linggo ang lumipas ng maka-uwi kami ng manila, Ilang araw na rin ng mag-umpisa akong mag-aral sa fatima at maging abala sa bawat leksyon. Ang taglay na pagkahanga ko sa paligid ng gusali ay hindi pa rin nawawala, kumpleto lahat at bawat pasilidad ay masasabi 'kong bongga.

Napangiti ako habang sinisipsip ang shake na binili ko sa canteen, breaktime ngunit wala pa si jacob. Madalas kaming nagsasabay tuwing wala kaming klase, Iyong tipo na kaonting kilos na lang ay ayaw niya ng humiwalay pa sakin. Mas lalo pang humigit ang pag-aalala nito at sobra kung maasikaso, kulang na lang ay malaman niya na ang buong nangyari sakin maghapon.

Ganun siya kung umakto ngayon.

"Hey, patty.." nag-angat ako ng tingin sa lalakeng may hawak na tray, ngumiti ito. "Wala pa ba si jacob?" umupo ito sa harapan ko.

Umiling ako. "Hindi pa ito bumababa.."

"Kung ganon kanina ka pa dito?" tumango ako. "Mabuti na lang at tapos na ang klase ko.." nakangiti ito ng buksan niya ang can soda na binili. "Nga pala, kumusta ang art mo? Nahihirapan ka ba?"

"Hindi naman, easy lang nga e.."

Natawa siya. "Nakalimutan ko nga palang mahilig ka sa art, pero kung nahihirapan ka, nandito lang ako.."

"Sige, diyan ka lang.."

"Nandito ako para tulungan ka.." medyo nangiwi ito. "Ikaw ha, pinipilosopo muna ako.."

"May art din ang engr.?"

"Oo, mahilig din ako sa pag-guhit.." tumango tango ako.

Pareho kami ng hilig, maging si Jillian na kapatid ko'y ganun rin. Bata pa lang ay nais na naming makapag-aral sa gustong kurso, at eto ako. Natutupad na ng paunti-unti ang pangarap ko.

"Patty.." pag-agaw atensyon sakin ni noah.

"Bakit?"

"May lahi ka 'bang banyaga?" nangunot ang noo ko sa tanong niya, banyaga? Pilipina lang naman si mama, ngunit...

Natigilan ako ng maisip ang tunay 'kong ama, wala akong ideya kung anong itsura niya. Wala ni anong litrato si mama upang ipakita iyon sakin, ngunit hindi naman ako nagtatanong.

"Wala akong lahi.." sagot ko, pilit na ngiti.

"Kakaiba kasi ang itsura mo, kung ako ang tatanungin para kang may lahing españa.." natawa ako,

"Sa paningin mo lang 'yon.." ngumuso ito bago magbaba ng tingin sa kanyang pagkain.

Maging ako'y napaisip, hindi lang naman si noah ang nakakapansin. Maraming taong nakakapag-sabi na malayo ang itsura ko kay mama at tinuturing 'kong ama, ngunit naging pipi kami sa mga tanong at punang iyon. Hindi ko kailan man itinangging hindi ako anak ni papa, siya ang ama ko at wala na akong tinuturing na iba pa.

Nagbaba ako ng tingin, ilang segundong pananahimik ng biglang may umalingawngaw na basong nabasag sa buong cafeteria. Nilingon namin iyon ni noah at doon nakita ko ang babaeng nakaupo sa lapag kasama ang tray niyang nahulog.

Napamaang ako.

"Ayan na naman.." bulong ni noah, hindi ko ito pinansin dahil nasa paningin ko ang babaeng may salamin na halos maligo sa sariling sauce na natapon sa kanya

"Look what have you done!" sigaw ng pamilyar na babae, mukhang nabunggo niya iyon dahil sa kakaonting sauce na nasa skirt niya, nangunot ang noo ko. "Are you blind, nergy girl!" niyuko niya ang babaeng walang imik, matapos duruuin ang ulo nito. "Im talking to you!"

Meet the Promdi-Girl (Adonis Series 1)  COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon