Space

866 22 1
                                    

Chapter 38

Shaira Pov.

Hindi ko akalaing magiging mabilis ang panahon, dumating ang weekend at ito ang araw ng alis ko. Hindi ako naka-alis noong isang araw dahil may biglaang exam, kaya't ngayong sabado na ako nakapag-handa.

Nasa kwarto ako habang sinusuklayan ang buhok, wala akong dalang bagahe o ano man lang. Hindi rin naman ako magtatagal doon at balak ko ring umuwi agad, gusto ko lang talagang maka-usap si papa. Tanungin at kumpirmahing hindi siya ang hinahanap ng mga pulisya, Natatakot man ay wala akong magagawa upang harapin ito, matatapos din ang lahat.

"Tumawag ka sa oras na nakauwi ka na..” boses ni jacob ang narinig ko, sa salamin ko siya tiningnan habang nasa likuran ko ito.

"May meeting ang kumpanya ngayon di ba?”

”Hm.” tumango siya. ”You can call me even im in the middle of conference.” napanguso ako, muntik ko ng makalimutang batas pala ang lalakeng to, siya ang masusunod at walang pweding kumontra sa kanya.

Ang sumalungat patay!

”Naiintindihan mo ba ang sinabi ko?” hinarap ko siya, naka-krus ang mga kamay nito at medyo makulimlim ang mukha.

Sa totoo lang ay hindi siya sang-ayon sa biglaang pag-uwi ko, ilang beses siyang nagtanong kung bakit uuwi ako. Nagtanong pa ito na baka galit lang ako dahil nasigawan niya ako noong isang araw, pero napaliwanag ko na sa kanya lahat. Ang dahilan ko'y namiss ko lang sila mama at papa, pero totoo naman iyon. Ang tagal na rin ng huling kita ko kay papa, nang umuwi ako doon ay hindi ko man lang siya naabutan.

Si papa kasi ay laging nasa kabilang laot, madalang lang siyang umuwi at madalas kung manghuli ng isda.

”Naiintindihan ko lahat, tatawagan kita sa oras na makauwi ako, magrereply ako sa bawat text mo..”

"Good..” umismid pa siya, grabe ang taray. ”Let's go?” nasa relos ito nakatingin, tumango ako kahit hindi niya nakikita.

Nauna itong lumabas ng kwarto, nakapamulsa siya habang bumababa ng hagdan. Si manang at erica ay nasa bungad ng hagdan at naghihintay, kasama nila ang ilang maid maging si mikael na nakangiti.

”Ingat ma'am, shaira..” si erica, naging close na ako sa kanilang lahat, ang babait nila sakin at ramdam ko ang pagwewelcome nila sa pagtira ko dito.

”Babalik ka po, maam shaira..” iyong isang maid na may mahabang buhok, nginitian ko sila.

”May aasikasuhin lang ako, mabilis lang yon..” malungkot sila sa pag-alis ko, balak ko pa sanang kausapin si manang ngunit dahil katabi nito si mikael ay sumingit na si jacob.

”Its already 8;oo, mainit na sa biyahe kung hindi ka pa aalis..” napangiwi na lang ako sa kasungitan niya, kahit kailan talaga ang sungit, pero pag sumusumpong ay bigla na lang maglalambing.

"Ang sungit mo naman..” anas ko ng pagbuksan niya ako ng pinto, hindi siya sumagot ng makaupo ako. "Tsk..” maging ng maupo ito sa driver seat ay salubong ang kilay niya.

"Badmood ka?”

Nilingon niya ako. ”I dont want you to go home..” iyon ang sagot niya. ”But i can't control you about this, i wont..”

"Uuwi din naman ako..”

”I know..” bumuntong hininga siya. "Magiging busy ako, may exam kami sa susunod na araw, marami pang trabaho sa kumpanya. Baka hindi kita masundo pag umuwi ka..”

”Ayos lang yon, naiintindihan ko..” hinaplos nito ang pisngi ko.

”Isang linggo lang, hm?”

”Isang linggo..” ngumuso ito bago niya ako gawaran ng halik, syempre ang isang jacob ay hindi papayag na smack lang yon. Kaya bago kami umalis ay namumula ang labi ko kahit hindi naman ako naglipstick.

Meet the Promdi-Girl (Adonis Series 1)  COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon