Last Suffering

984 21 1
                                    

Chapter 55

Shaira Pov

Tatlong araw ng mai-uwi si papa sa probinsya, naging mahirap man sa amin ang lahat ay nagiging matatag kami para sa isa't isa. Ang nais ni papa ay magkaroon kami ng sariling kaligayahan, makapagtapos at matupad ang mga ninanais naming gawin. At ang hinihiling niya ay tutuparin ko, hindi ko siya bibiguin at mas mag pupursigi pa ako.

Marami ang nakiramay ng mga araw at gabing nasa probinsya si papa, ang mga tapat at totoo nitong kaibigan ay hindi siya iniwan. Maging ang mga ilang humusga noon kay papa ay naging bukas ang isip nila sa katotohanan.

Napapaisip ako na napaka-dali lamang ng buhay, hindi ko lubos akalaing hangga doon na lang si papa. Kahit pa na anong gawin mo ay wala na talaga, tama na at wala ng magagawa pa kahit gustuhin mo man itong mabuhay pa.

Ang buhay ng tao ay kailanman ay hindi mo malalaman kung hangga saan, at kahit na nagtanim ako ng sama ng loob kay mama at pilit ko itong inintindi, Ayoko ng magalit. Ayoko ng magkaroon ng puot sa puso. Tama na, sapat ng may namayapang isa dahil lamang sa mga kasakitan.

Hindi na dapat pang maulit ang nangyaring ito.

”Anong balak mo ngayon?” bigla akong natigilan sa pag-iisip, nilingon ko si noah na naghihintay ng sagot ko. Ito ang huling araw na makakasama namin si papa, ngunit silang dalawa ni natasha ay narito pa rin at sinasamahan ako.

Napabuntong hininga ako, nilingon ko ang pwesto ni papa bago sabihing. ”Hindi ko pa alam..”

Sa katotohanang may nalalaman na si noah sa totoong pagkatao ko ay naging iwas siya sa pagtatanong, Nang araw din na iyon, ay sinabi ko sa kanya ang nangyari. Natural ay nasaksihan ko ang gulat sa kanya, hindi ito makapaniwala ngunit mas lalo ng ako.

Hindi ko maisip na ang aking tunay na ama ay si Samuel Monteclaro. Ang pinakamayang negosyante sa manila ay nasa rango ng pinakamayamang tao sa pilipinas, hindi ba at parang nananaginip lang ako?

Ngunit sa makatuwid ay hindi ko hinahangad ang yamang meron siya, ang kinikimkim ko lamang ay kung bakit nawalay kaming dalawa ni mama. Oo at alam ko'ng pinaghahanap niya kami, ngunit bakit tila'y kay tagal ng proseso?

”Ikaw, paano ka makakapag-isip ng plano kung may isa sa mahal mo ang nawala?”

Panandalian itong natigilan, hindi ko siya nilingon. Bagkus ay nagbaba lamang ako ng tingin habang hinihintay ang kanyang pagsagot.

”I don't know too..” nilingon ko ito. ”But for some reason i will continue to live on, because my reason is my family...”

Ngumiti siya sa akin. ”And you, You still have a mother, a sister and tito samuel is there. You can go and live your life to the happiness..”

Tipid akong ngumiti, muli ay nagbaba ng tingin habang iniisip ang aking mga kapatid, ang ina at kaibigan. Tama si noah, Hindi dapat ako mawalan ng pag-asa, Meron pa akong pamilya.

”Salamat..” iyon ang lumabas sa akin, nagpapasalamat ako sa lahat ng naitulong niya. Sa pananatili nito sa tabi ko at ang pakikidamay sa aking damdamin.

...”Madalas kitang makausap sa t'wing may problema ako, naiintindihan mo ako at hindi ka umaalis..”

Nangiti lang ito sa aking sinabi, ngunit ang nararamdaman niya ay hindi ko masusuklian. Hangga kaibigan lang at hindi na iyon mahihigitan pa.

”Masaya ako sa tuwing natutulungan kita..” maganda ang kanyang ngiti, sobra ang sensiridad sa kanya at hindi mo ito kakikitaan ng bakas na naaawa lamang siya sa akin.

Nais niya talaga akong tulungan.

”Gusto ko'ng sumama sa'yo sa america, noah..” malamang ay nagulat ito, hindi niya maiwasang mapasigaw ng 'what?' dahilan upang malingon ang mga taong narito pa sa burol.

Meet the Promdi-Girl (Adonis Series 1)  COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon