Chapter 51
Shaira Pov.
”Nag-usap ba kayo ni jacob?” nilingon ko si mama ng magtanong ito sa 'kin, kakabalik ko pa lang sa kwarto ng ito ang i-bungad niyang tanong.
”Binilhan ko ng maiinom si mayumi kanina, aksidente ko lamang kayong nakita.” napayuko ako, hindi kami nag-usap ni jacob. Naging tahimik rin siya habang pinagdarasal ko si papa, matapos 'non ay iniwanan ko siyang walang sinasabi.
”Nag-usap po kami kaninang umaga.” tinutukoy ko ay iyong pagkikita namin kanina, tumango siya.
”Huwag mo sanang sisihin ang batang iyon, alam ko'ng masama rin ang loob niya sa pagkamatay ng kanyang ama kaya hindi nito mapapalaya ang iyong ama.” hindi ako kumibo, hindi ko naman siya sinisisi sa nangyari. Nagagalit lang ako dahil nangako siya, akala ko tutulungan niya ako, hindi ba pweding i-urong niya na ang demanda?
”Alam ko'ng nahihirapan ka sa sitwasyong ito, sa'yong ama at sa lalakeng mahal mo. Ngunit nais kong maging malawak ang pag-iisip mo ngayon.” nag-angat ako ng tingin kay mama, ngumiti.
”Napag-pasyahan ko'ng tahimik na lang mahalin si jacob, ma. Sa ngayon po, hindi ko maibibigay ang isang relasyon sa kanya.”
Isang malamlam na titig ang isinukli niya sa' kin, desidido na ako. Matapos ng problemang ito ay haharapin ko siya at kakausapin, gusto ko'ng unahin muna ang pamilya. Papalayain ko na siya, hindi na dapat itong umasang may babalikan pa.
”Hindi mo ba pagsisihan ang desisyon mo'ng iyan?”
Umiling ako kay mama. ”Hindi po, sa totoo lang pakiramdam ko ay wala akong kwentang anak, mas higit na naglaan ako ng oras kay jacob kesa manatili sa probinsya, sinisisi ko po ang sarili.”
”Shaira.”
”Kung hindi sana ako nangarap ng mataas ay baka naroon pa tayo sa probinsya, doon sana ay pinapangalagaan ko si papa.”
"Nang dahil sa'yo ay nadugtungan ang buhay ni mayumi, anak. Ano bang sinasabi mo? May magandang nangyari sa pananatili mo dito sa manila, nakilala mo rin si jacob.” nagbaba ako ng tingin.
"Naging magulo po ang lahat simula ng umibig ako sa kanya.”
”Ang pag-ibig ay laging may dagot na pagsubok, hindi perpekto ang pagmamahalan, anak..”
Mapait akong ngumiti. "Inibig ko ang lalakeng nagpakulong kay papa, hindi ba kayo nagagalit?”
Ngumiti ito, umiling. ”Naiintindihan ko ang lahat..”
”Ngunit higit na dapat ikaw ang magalit, kasalanan ko naman kung bakit nagkita sila ni jacob di 'ba?”
"Anak..”
”Sana'y naipagamot pa natin si papa ng maaga, hind--”
"Hindi sang-ayon ang ama mo sa pagpapagamot, iyon ang pinagtatalunan namin noon..” natigilan ako sa pagsasalita. ”Hindi niya man alam na nobyo mo si jacob ay balak niya ng sumuko, oo nagtago siya ng matagal na taon. Ngunit hindi dahil duwag siyang sumuko, inaalala niya ang mga kapatid mo, ang pag-aaral nila..”
Nanlumo ako lalo, alam ko'ng hindi magtatago ng walang dahilan si papa. At iyon ang dahilan niya, nais niyang masustentuhan ang pag-aaral ng dalawa ko'ng kapatid ang pangangailangan nila at ang kinabukasan.
"Nang makapagpadala ka ng pera ay nagkaroon siya ng balak, nakakapag-trabaho ka na at nakakatulong, iyong araw din na yon ay gusto niya ng sumuko..”
Naipaglapat ko ang labi, nilingon ko si papa na natutulog pa rin habang nakayuko si jillian sa gilid. Si mayumi ay nasa mahabang sofa na mahimbing rin ang tulog.
BINABASA MO ANG
Meet the Promdi-Girl (Adonis Series 1) COMPLETED
RomantizmSi shaira ay isang probinsyanang nangarap makapagtapos ng pag-aaral. Lumaki siya sa hirap kasama ang step father nito at totoong ina. Nabubuhay sila sa pangingisda ng kanyang ama-amahan. Hindi sapat ang kita ng kanyang ama upang masustentuhan ang pa...