Kasiraan

784 23 0
                                    

Chapter 44

Shaira Pov.

Maaga akong nagising kinabukasan upang matulungan pa si natasha sa pagbubukas, sabado ngayon at alam kong mabenta tuwing weekend. Pero eto ako at papasok matapos ko siyang tulungan, paano ay dapat naming mag brigada kahit hindi naman ito ang unang bukas ng klase. Ngunit yun kasi ang rules ng booth, kami ang dahilan kaya maraming kalat sa fatima. Kaya ayun, isang dakilang janitress muna ang peg.

"Bawal marupok, ha?" Inismiran ko si natasha ng itali ko ang rubber shoes na pinahiram nito sakin, maging sa short ay siya ang nagbigay, hindi naman siguro bawal ang magshort dahil wala namang klase.

”Hindi ako rurupok..” ngisi lang ang iginanti niya, nagkakape na ito dahil tapos na ang kanyang mga gawain, samantalang ako ay siguradong pagpapawisan na mamaya.

”Hindi ba gaanong pangit ang suot ko?” hinarap ko ang sarili matapos kong itali ang buhok, umiling siya.

”Ayos lang naman, bagay sayo..”

Tumango tango ako, longsleeve kasi ang suot ko dahil alam kong mainit na ang sinag mamaya. Hindi ko kasi carry ang magsuot ng pants tuwing naglilinis, hindi ako kumportable.

"First sem niyo na di ba?”

Tumango akong muli. "Patapos na, going second na..”

"Ang bilis naman?”

”Ganoon kabilis ang panahon, natasha..”

"Kung sabagay, parang si jacob lang no, parang kailan lang ng hiwalayan ka niya, pero grabe kung makasuyo ngayon..”

”Hayaan mo siyang manuyo, kinlaro ko naman sa kanya ang lahat na hindi muna..”

”Ah talaga lang?” tumango tango itong nakangiti. ”Dipende iyon sa katatagan ng wisyo mo no, kaya kung marupok ka bibigay kang talaga..”

”Hindi ako bibigay..”

”Syempre, pakipot muna, hard to get ganern..” natawa ako sa paghawi ng buhok nito, bakit ang energetic ng babaeng to.

"Papasok na ako..”

”Okay, see you later, dont forget to smile huh? A seducing smile of shaira!”

Napailing na lang ako habang lumalabas sa shop niya, anong seducing smile of shaira? May ganon ba sa ngiti ko.

Maaakit ba ng ngiti ko si jacob at siya ang lalo pang bumigay?

Kung ganon lagi ko siyang ngingitian ngunit hindi kakausapin?

Beeeepppp.

Isang busina ang nagpatigil sakin, hindi pa man ako nakakalayo sa shop ng makita ko ang kotse ni jacob.

Tsk, speaking of kamahalan.

"Goodmorning..” umirap akong nagpatuloy sa paglalakad, good nga ang morning ko dahil nakita kita, pero tandaan nating bawal muna ang marupok.

"Care to ride?”

”Mas gusto kong maglakad..” nagpauna ako kahit na sinasabayan niya ang bawat lakad ko, sinamaan ko ito ng tingin dahil hindi niya ako tinantanan.

”Pwedi bang mauna ka na!” nginitian niya lang ako ng matamis, sumusulpot ang dimples nito habang may ngiting napaka-gwapo. Nag-iwas ako ng tingin, nasa kanya yata ang sinasabing seducing smile ni natasha kanina.

”You wont go with me?”

”Ayokong makasabay ka!” nabura ang ngiti nito, bumuntong hininga siya at napakalungkot ng dating niya bigla, parang nakunsensya pa ako dahil sa sinabi ko.

Meet the Promdi-Girl (Adonis Series 1)  COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon