Chapter 4
Shaira pov
Mahigit isang buwan na ako dito at halos nakapag-ipon na rin ako kahit papaano. Mahigit dalawang linggo ko na rin hindi nakikita ang lalakeng naghahalik bigla. Hindi ko alam kung bakit hindi maalis sa isip ko ang gwapo niyang mukha at ang malambot niya labi. Kahit mabilis lang ang pagdampi ng labi niya sa' kin ay hindi ko iyon makalimutan.
Naiinis ako sa sarili ko dahil nagpapa-apekto ako sa lalakeng iyon, At ang mas nakakainis ay parang wala man lang sa kanya ang nangyari.
Bwist, Kailangan mabura iyon sa isip ko!
Erase! Erase, Dapat focus lang ako sa plano.
Enhale, Exhale. Huminga ako ng malalim, Mukha na akong bal*w na ewan dahil sa pinang-gagawa ko. Naiiling akong umupo sa kama, Burahin mo sa isip ang lalakeng taga syudad. Dapat walang sagabal sa plano 'mong makapag-ipon.Nang maisip ang ipon ko ay tiningnan ko ang ilalim ng kama, hinila ko doon palabas ang bag na naglalaman ng aking gamit. Napangiti ako ng makita kung ilang halaga na ang naitabi ko, tama nga si natasha malakas ang kita dito. Yun nga lang ay kailangan 'mong sumayaw sa harap ng maraming kalalakihan. Nakaka-panliit man sa sarili ay pilit ko pa rin ginagawa upang makapag-ipon ako ng sapat na pera, Kailangan ko pa ng malaking halaga upang umuwi ng probinsya.
Bigla ay bumukas ang pinto kaya muli 'kong binalik ang pera sa bag, isinalingsing ko iyon sa ilalim ng makita si natasha na hawak ang kanyang cellphone. Nilahad niya iyon at nakita ko si mama na tumatawag.
Nakausap ko na si mama tungkol sa sitwasyon ko, kaso lang ay puro kasinungalingan lamang ang sinabi ko. Hindi ko pinaalam na sa isang night club ako nagtatrabaho at nagbibigay aliw sa kalalakihan, Iyong alam niya lang ang sinabi ko upang hindi siya mag-alala, Ayokong mangyari iyon.
"Hello ma, Napatawag ka?" bungad ko, nanatiling nakikinig si natasha sa gilid. Ngunit ng marinig ko ang paghikbi ni mama sa kabilang linya ay naalarma ako.
"Ma anong problema?" kinakabahang tanong ko, tumayo ako at hinihintay ang kanyang pagsagot.
"Si M-mayumi kasi." Naputol ang kanyang pagsasalita dahil hindi nito maibigkas ang nais sabihin dahil sa kanyang pag-iyak. Ngunit batid 'kong may nangyari ng masama.
"Anong nangyari kay mayumi? Inatake na naman ba siya ng kanyang sakit?" tanong ko, pilit 'kong tinatatagan ang sarili kahit kinakabahan na ako sa pweding malaman.
Ang bunso 'kong kapatid ay may sakit sa puso, Hindi siya maoperahan dahil salat kami sa pera. Pabalik balik siya sa ospital minsan, kaya dumadating yung araw na napupuno kami ng utang. Malaki ang pasasalamat ko sa mga kapitbahay namin doon dahil tinutulungan nila kami sa tuwing gipit na gipit kami sa gastusin.
"K-kasalukuyan kaming nasa ospital, Anak. S-sinugod namin si mayumi dahil nahihirapan itong huminga, M-may l-lumalabas na d-dugo sa kanya. A-ang sabi ng doctor k-kailangan na siyang maoperahan kung h-hindi baka bumigay bigla ang kanyang katawan pag h-hindi pa naagapan.."
Napaupo ako sa kama dahil sa sinabi nito, Ang isang operasyon ay umaabot ng mahigit kalahating milyon. Saan ako kukuha ng ganoong kalaking halaga, Tuluyan na akong naiyak dahil sa isiping nanganganib ang aking kapatid. Lumapit bigla sa' kin si natasha upang haluhin ako.
"Kailan ito kailangan operahan?" pinilit 'kong hindi pumiyok sa aking pagsasalita, Mahina si mama pagdating sa bunso 'kong kapatid. Kung ipaparamdam 'kong mahina ako ay walang mangyayari. Dapat maging malakas ako upang kahit papaano ay maging kampante siya.
"Nasa loob ito, Under Observation pa siya. Pero ang sabi ng kanyang doctor ay huwag ng patagalin ang operasyon, Sigurado bukas ay bubuksan na siya.."
BINABASA MO ANG
Meet the Promdi-Girl (Adonis Series 1) COMPLETED
Roman d'amourSi shaira ay isang probinsyanang nangarap makapagtapos ng pag-aaral. Lumaki siya sa hirap kasama ang step father nito at totoong ina. Nabubuhay sila sa pangingisda ng kanyang ama-amahan. Hindi sapat ang kita ng kanyang ama upang masustentuhan ang pa...