Probinsyanang palaban

1.2K 30 0
                                    

Chapter 19

Shaira pov

FATIMA UNIVERSITY.

Sakay ng kotse ni kamahalan ay tanaw ko ang labas ng unibersidad, hangga sa maipasok niya iyon sa parkinglot ay hindi mawala-wala ang kislap ng mata ko. Hindi ako makapaniwalang makakapag-aral ako dito, isang magarbong unibersidad at halos lahat ng studyanteng natatanawan ko ay mga sosyal kung maglakad, Halatang mayayaman.

"I trust you promdi-girl.." biglang saad ni jacob, doon lang nawala ang paningin ko sa bintana dahil nilingon ko ito. "You can passed this.."

"Paano kung hindi?" sumama ang tingin nito sa' kin.

"Stop that negative thoughts promdi! Im cheering you up didn' t you recognize it?!" napahawak ako sa ulo kong sumakit bigla, maka-english naman kasi.

"Okay master.."

Pairap itong lumabas ng kotse, umirap din ako bago buksan ang pinto at lumabas agad. Sana nga lang ay maging matagumpay ang exam ko mamaya.

"Follow me.." nauna itong naglakad papasok, pansin ko agad ang mga kababaihang napatingin sa kanya. Kung sabagay, sino ba naman ang hindi mapapalingon kay jacob? Ang lakas ng dating at sobrang tangkad, ang gwapo pa.

"Listen to me promdi-girl.." aniya habang nauunang naglalakad, tamang hintay lang ako sa sasabihin niya habang nakasunod sa likuran nito. "Dont leave your place later, Dont talk to others, especially if thats a guy. Dont make a stupid things here, wala ka sa bahay.."

Napanguso ako. "Noted kamahalan.." umismid ako dahil sa dami ng patakaran niya, bawal makipag-usap? At grabe kung maka-stupid! Sipain ko kaya!

"And one more thing, dont talk to samantha, I dont want you to hurt by her.."

"Hindi ko naman hahayaang masaktan ang sarili ko, kamahalan.. Malakas 'to!" huminto siya dahilan ng pagkatapak ko sa likod ng kanyang sapatos, napangiwi ako ng magmura siya dahil doon.

"Kasalanan mo 'yan.. huminto ka!" singhal ko ng samaan niya ako ng tingin.

"Kakasabi ko palang na huwag kang gagawa ng kahit ano, hindi ba?"

"Gumagawa na ba ako? Grabe.. Ang advance ng isip mo.." napahilamos siya bago ako talikuran, tsk.. Ang init ng ulo.

Muli akong sumunod sa kanya, mas lalong dumami ang studyanteng nakakasalubong namin at halos lingunin talaga nila si jacob. Kahit yata masakit 'yung leeg mo ay mapapalingon ka talaga, grabe!

"Ohmygod! Si Jacob!"

"Sh*t, maayos ba ang makeup ko?!"

"Waahhh, ang gwapo ni jacob!"

"Jacob! Crush!! Yieehhh!"

Natawa ako ng tuluyan kaming makapasok sa loob at halos talagang mag-sigawan na ang mga nakakakita sa kanya, Naku. Artista pala ang hari dito. Magpa-autograph nga mamaya.

Huminto siya sa dalawang magkadikit na pinto, nakaharap na ito sa' kin ngayon habang may hinahalungkat sa kanyang bag.

Grabe, napaka-gwapo nga naman niya, lalo na kung wala siyang damit. Shet, literal na pandesal sa umaga.

"Give this to the dean.."

Hala, lalo na pala pag dahan-dahan itong nagsasalita. Mapapatitig ka talaga sa poging kamahalan.

"Tsk.." ngumisi itong naiiling, doon lang ako napakurap dahil sa pag-iwas nito. Hindi ko namalayang napahinto na ako dito. Nakakahiya.. "Hindi ka pa kasi umamin na gusto mo ako, tsk.. Ikaw rin, ang daming nakapila sa ' kin.."

Napairap ako sa kayabangan niya.. "Sa susunod huwag ka ng kakain ng itlog, humangin ka bigla e.." kinuha ko ang nakalahad na papel, binasa ko iyon at tungkol ito sa request exam ko.

Meet the Promdi-Girl (Adonis Series 1)  COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon