Chapter 42
Shaira Pov.
Sa buong taon kong nabubuhay dito ay ni minsan ay hindi ako napahiya ng todo, mahigit twenty years akong malaya sa kahihiyan, chismis, at gulo o ano mang eksenang nangyayari ngayong taon sakin. Masasabi kong napaka-malas ko ngayon dahil sa mga ganap sa buhay ko.
Simula ng mapahiya ako ng araw na 'yon ay iniwasan ko talaga si jacob, naiinis at kumukulo dugo ko sa kanya dahil pinamukha pa nitong pag-aari niya ako.
Ang nangyari ay parang may iba akong relasyon kay calix dahil lamang nadatnan kami sa banyo.
Wala na akong pakialam kung anong isipin niya, basta high ang dugo ko dito kahit madalas niya akong samaan ng tingin kung mag-uusap man kami ni calix, bahala siya sa buhay niya. Sino ba kasi ang nakipag-hiwalay saming dalawa?
Siya itong kumalas sa relasyon namin dahil lamang sa papa ko, nakakainis lalo ang dahilan niya.
”Sa tingin mo mapapa-ubos natin ang tinda?” si selena iyon, sinasabit ko ang poster na naglalaman ng menu na pweding mabili sa booth na itinayo namin, tinulungan ako ni noah sa pagtatali kaya mabilis akong nakababa sa upuan.
"Mauubos yan.” malakas ang kumpyansa ko habang nasa booth ang tingin, nagpundar si noah ng tent na hindi kalakihan, sakto lamang sa dalawang mesa kung nasaan ang juice at steamer na nilalagyan ng siomai at siopao. Bukod doon ay may iba ka pang mabibiling pagkain sa booth, dalawang flavor ang palamig na sa tingin ko'y mauubos talaga.
”Today is fatima anniversary, every year may mga ibang school na bumibisita upang makinuod.” tumango ako sa sinabi ni noah.
”Kung ganon maraming tao mamaya.”
”Oo, at tayong tatlo lang, nawawala na naman si giovanni.” bigla ngang lumubog ang lalakeng iyon, si winter kasi ay hindi makakapag-cooperate dahil kasali siya sa laban ng cheering competition, si philip ay sa basketball at siguradong naglalaro na sila sa oras na ito.
Mabuti na lang talaga at kasali sila sa larong iyon, hindi ako maiinis ngayong araw.
”Kaya natin to kahit tatlo lang tayo.” ako lang yata ang may lakas ng loob magsabi nito, ngunit hindi naman ito ang unang beses na nagtinda ako. Naging tindera ako ng gulay sa palengke kasama si mama, sanay na yata akong dumugin ng costumer.
”Mukhang masasarap pa naman ang tinda ng karamihan.” may burger stand na nakayo sa gilid namin, ngunit bukod doon ay wala na siyang tinda pa. Sila'y mga I.T student, ngunit hindi ko lubos maisip na ang laki ng BSBA department. Magaling nga yata sila sa bussiness kaya hinigitan nila ang kabuuan ng booth dito sa quadrangle.
"May pa twist akong idea.” hindi ko gusto ang iminutawi ni noah ngayon, sasabihin niya bang may free hug muli para mabili ang panindan namin? Gagamitin na naman niya ang charms para makabenta.
”Ayoko na sa selfie with hug yan..” ani ko, may bumili ngayon na agad inasikaso ni selena.
”Hindi iyon, freekiss naman para kay giovanni.”
”Wala naman si giovanni.” singit ni selena ng umalis ang dalawang studyante, ngunit bago pa muling dumating ang tatlong costumer na babae kasama si giovanni ay alam ko na ang nangyari.
"Kasama ka pala sa booth na 'to?” tumango si giovanni, medyo naasiwa pa ako dahil nasa bewang ng babae ang kamay niya. Tss, isang dakilang chiksmagnet.
”Yes, I want you to invite your friends here.” napangiwi ako ng halikan ni giovanni sa pisngi ang babae, kinilig ang babaeng iyon habang tumatango.
”Yeah, ofcourse.. I invite them..” bumili muna sila bago pumihit paalis upang tawagin ang kasamahan nila, nalaman kong volunteer iyon sa cheering na nagbibigay ng pagkain sa mga lalahok.
BINABASA MO ANG
Meet the Promdi-Girl (Adonis Series 1) COMPLETED
RomanceSi shaira ay isang probinsyanang nangarap makapagtapos ng pag-aaral. Lumaki siya sa hirap kasama ang step father nito at totoong ina. Nabubuhay sila sa pangingisda ng kanyang ama-amahan. Hindi sapat ang kita ng kanyang ama upang masustentuhan ang pa...