Chapter 63
Shaira Pov.
Kasalukuyan akong nakaupo sa mahabang sofa habang pinapanuod magtalo ang tatlo. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa nilang magsigawan sa harap ko, sa tagal ng panahon ay ngayon lang kami nagkita. Pero ngayong nagkita-kita kami ay ganito pa rin pala ang ugali nila, walang nagbago.
”Umalis na kayo, may pag-uusapan pa kami ni shaira..” nilingon ko si jacob, binigyan ko ito ng nagtatanong na tingin dahil wala naman kaming pag-uusapan. Narito ako upang kuhanan lamang siya ng sukat, Hindi na kasi ako maaari pang umatras pa. The contract is already sign in, hindi na mababawi.
”Can we stay here, jacob?” nakaupo pa rin si giovanni matapos magtanong, but jacob dis-agree.
”Hindi ko kayo kailangan dito..”
”Wow, ha. Matapos mo kaming utusan at paglinisin dito sa unit mo, paaalisin mo kami!” sumingit si philip, kapwa pa rin sila nakaupo ngunit may mga suot ng damit. Samantalang itong hari ay topless pa rin habang nakapantalon na.
”Masasabi niyo 'bang linis ito, it's still messy!”
”Kasalanan mo iyan, bakit ba kasi ang kalat mo!” napailing ako sa kanila, siguro ito na ang way nila ng paglalambing sa isa't isa, ang sweet.
Tumayo si miguel, balewala sa kanya ang tatlo habang isinasara niya ang hawak na libro.
”I need to go..” lumakad siya sa aking gilid, may kinuha itong coat na kulay krema sa'king paningin.
”Sure, thankyou for your dry lunch..” gusto ko'ng upakan si jacob dahil sa sinabi niya. Dry lunch? Hindi pa siya magpasalamat at may nag-effort na ipagluto siya
Abn*rmal talaga!
”Can i get my payment for your girl?” lumapit siya sa akin, hindi ako nakapag-handa ng dampian niya ako ng halik sa pisngi. And I know he just pissing off his friend surot, inaasar niya iyan kaya't eto ay pasugod na.
”Gag* ka!”
”See you tomorrow..” lumisan na si miguel, nakangisi sa kaibigan na nag-aalboroto sa inis. After that he look at his friend who still sitting pretty on side.
”Will you leave us alone, giovanni!” sinigawan niya si vanz, napakamot iyan sa ulo bago senyasan ang isang kaibigang nakabusangot.
”Umalis na tayo, gusto niya yatang masolo si wanda..” patunog ang naging pag-ngisi ng kaibigan, natural ay maging ilag ako dahil ako ang tinutukoy nila.
Kung aalis silang dalawa ay malamang na kami ni jacob ang maiiwan, kinakabahan ako bigla. Ngunit naisip ko na wala naman dapat akong ipagbahala, susukatan ko lamang siya at aalis na ako, iyon lang.
”Nice to see you again, wanda..” nginitian ko na lamang si vanz, etong si philip ay yamot na tumayo.
”Ayoko pa kasing umuwi..” nagpapakawala siya ng mabigat na paghinga.
”Try to meet your girl, para may magawa ka..”
”She's busy..” kinuha ni philip ang susi sa gitnang mesa. ”Always busy..” dagdag pa niya ng makuha ang pakay.
”Walang time sa boyfrend, olats ka naman pala..”
”Shut up!”
”Kaya ayaw ko'ng main-love e, nakaka-stress lang 'yang lovelife na iyan. Look at me, i'm free..” napanguso ako sa pagmamayabang ni giovanni, edi siya ng ang forever single. Sana'y makahanap siya ng babaeng kababal*wan niya soon.
Iyong tipong mababal*w siya at hindi na alam ang gagawin sa oras na iwan siya.
Tsk, ang sama ko ba?
”Were going..” tumalikod na si philip, na badtrip yata sa kaibigang mapang-asar. Kalaunan din ay sumunod si giovanni na naiiling.
BINABASA MO ANG
Meet the Promdi-Girl (Adonis Series 1) COMPLETED
RomanceSi shaira ay isang probinsyanang nangarap makapagtapos ng pag-aaral. Lumaki siya sa hirap kasama ang step father nito at totoong ina. Nabubuhay sila sa pangingisda ng kanyang ama-amahan. Hindi sapat ang kita ng kanyang ama upang masustentuhan ang pa...